22/10/2025
๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐ข๐ฅ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ข, ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐๐๐ฆ๐ง๐๐ฉ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐ข
Sa patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng yamang likas ng lalawigan, nakibahagi si ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐ข๐ฅ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ข sa pagdiriwang ng Tamaraw Festival 2025 na ginanap nitong Oktubre 21, 2025, sa bayan ng Mamburao.
Sa nasabing selebrasyon, kinilala ang mga katuwang sa konserbasyon ng tamaraw sa pamamagitan ng Tamaraw Rangers Citation at Rescue Team Awards bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa natatanging hayop na sagisag ng lakas at tatag ng mga Mindoreรฑo.
Kabilang din sa mga mahahalagang bahagi ng programa ang panunumpa ng mga Katutubong Bantay Tamaraw, induction ng mga Tamaraw Conservation Ambassadors at IP Ambassador, at ang pagpirma ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DENR at mga conservation partners.
Isinagawa rin ang Programang Handog Titulo mula sa DENR para sa mga benepisyaryong institusyon, na sumisimbolo ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan tungo sa maayos na pamamahala ng lupaing ninuno at likas na yaman ng lalawigan.
Binigyang inspirasyon ni Gov. Ed ang mga dumalo sa pamamagitan ng kanyang mensahe kung saan tinuran niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga katutubo sa patuloy na pangangalaga sa kalikasan.
Samantala, katuwang din sa matagumpay na paglulunsad ng naturang program ang tanggapan ng DENR- MIMAROPA Region, DENR - Occidental Mindoro, Provincial Environment and Natural Resources Office (ENRO), Sangguniang Panlalawigan, mga Lokal na Pamahalaan, iba pang mga katuwang na ahensya, at mga mahahalagang panauhin.
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข!
๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐, ๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ฃ๐!