
14/01/2025
🔥ALAB 🔥
Sa patuloy na pagtahak ng Paaralang Elementarya ng Bagong Buhay tungo sa larangan ng Pampaaralang Pamamahayag, isang masigla at nag-aapoy na damdamin ang patuloy ding kumakawala at nagtutulak upang mas pag-ibayuhin ng patnugutan ang pagbabalita.
Kung paano tumatanglaw ang alab ng araw sa kalangitan, ang ALAB din ang magsisilbing sandigan, tanglaw, gabay at boses ng mga kabataan ng Bagong Buhay upang silang may maliliit na tinig ay marinig. At mula sa munting alab sa aming mga puso, ang pahayagang ito ang magpapaliyab sa aming pagnanais na matuto, makapagpahayag ng opinyon, at makapaghatid ng mga makatotohanang balita.
Narito na ang ALAB, Nagniningas na Katotohanan, Nag-aapoy ng Inspirasyon.
ENERO-DISYEMBRE 2024
TOMO IX, Isyu Blg. 1
Bisitahin ang Google drive link upang mabasa ang kabuuan.
https://drive.google.com/file/d/1yrCcEbMH9-bw1RjDVAjUdWmqbMCouKmQ/view?usp=sharing