
15/08/2025
PUGAY TAGUMPAY 2025: Kwento ng Pangarap, Pagtataya, Pagbabago at Pagtataguyod
Matagumpay na idinaos ang ikalawang araw ng Pugay Tagumpay 2025, na nagbigay-pugay sa 570 na benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bayan ng Naujan, noong Agosto 11 sa Mena G. Valencia Gymnasium.
Layunin ng nasabing aktibidad na kilalanin at parangalan ang sakripisyo, pagtitiyaga, at pagsusumikap ng mga pamilyang benepisyaryo sa kanilang pag-angat mula sa kahirapan—isang malinaw na patunay ng matagumpay na implementasyon ng programa at ng diwa ng tunay na pagbabago sa bawat sambahayan.
Katuwang sa pagsasakatuparan ng Pugay Tagumpay 2025 ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naujan, at mga pribadong organisasyon na patuloy na nagbibigay-suporta upang matulungan ang mga pamilyang Naujeño tungo sa mas maginhawang kinabukasan.