10/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Kultura at Kasaysayan sa paglalakbay
Agosto 29, 2025 sa paaralang St. Therese of the Child Jesus Academy, Idinaos sa Silid aklatan, Building 3 ang isa sa mga patimpalak ng Senior High School department ang Lakbay sanaysay. Bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ang patimpalak na ito ay naglalayon na ibahagi ang kaalaman sa kanilang sariling karanasan sa paglalakbay mula sa Bayan ng Malabon. Kasama rito ang ibaβt ibang paglalarawan ng mga tanawin, pagkain, tao, kasaysayan, at kultura na kanilang dapat mabanggit sa kanilang pagsulat.
Ang mga Kalahok ay nabigyan ng isang oras upang ibahagi ang kanilang mga karanasan, na bumase sa pamantayan ng patimpalak.kasama rito ang kanilang orihinalidad, wastong paggamit ng wika, estruktura at organisasyon ng mga ideya, nilalaman, at ang kaugnayan sa tema na βLakbay sa Malabon: Kuwentoβt Kultura sa Bawat Hakbang.β
Ang mga kalahok sa Lakbay-Sanaysay:
Grade 11 Tenacity - Dayondayon, Sharmmel O.
Grade 11 Amity - Cabuyo, Jerimiah 
Grade 11 Nobility - Enego, Alea Dorlyn R.
Grade 11 Responsibility - Rubiso, Jireh Mijjy S. 
Grade 11 Integrity - Caparas, azra gayle M.
Grade 11 Serenity - Navarro, Niel Adrian
Grade 11 Sincerity - Buenaventura Chealze, Asshlyn P.
Grade 12 Ingenuity - Bugay, Ron Louie Hermionie B.
Grade 12 Dependability - Pante, Kassandra Nicole Uni L.
Grade 12 Prosperity - Villar, Jershey Lynn D. 
Grade 12 Humility - Antonio, Kristen Mikylle P.
Grade 12 Frugality - Alvarez, Yesha Rhyne P.
Grade 12 Productivity - Nabayra, Chrisfel A.
Grade 12 Versatility - Ibas, James Theodore T.
Grade 12 Diversity - Calahi, Janalyn C.
Sa patimpalak na ito ay mas nabibigyang halaga ang bawat talento ng mga theresiano sa pamamagitan ng pagsulat. Kanila ring ibinahagi ang sining ng paglalakbay sa bawat sulok ng bayan ng Malabon. Sa pagmamahal ng sariling Wika at ang kultura na kinagisnan, hindi lamang Malabueno, bilang isa ring Pilipino.
ποΈ: Joenessa Kaye A. Ladesma
π·: Riane Saldivar