Two Joints Ph

Two Joints Ph Two Joints Mindset

02/12/2025

Kung ikaw ay clown, scammer, magnanakaw, basher, bully, sinungaling etc…

Maybe makakakuha ka ng hate

Pero ang nakakakuha talaga ng matinding hate ay ang mga

REAL ONES

Ayusin mo ang mga dapat ayusin sa life mo, sa sarili mo

Galingan mo

Damihan mo pera mo

Magpaka-gwapings ka, be physically fit, maporma, malinis, healthy

Gandahan mo ang set up ng buhay mo (less problems, less stress)

Maging righteous ka na tao

Maging successful ka

Ilagay mo ang sarili mo sa position na walang may control sayo

And higit sa lahat, be happy

And then, dun ka makakakuha ng matinding hate

Ayaw nila sa mga marunong magdala

Ayaw nila sa mga real ones

That’s just the way it is.

01/12/2025

Sabi nila distraction sa pera mo ang pakikipag-usap sa babae

Pero sa totoo lang, mas magkakaroon ka pa ng pera kung nakikipag-usap ka sa mga babae

Pag inaaral mo kung paano magkaroon ng chick…

Importante dun ang vibes

Matututo ka magkaroon ng good vibes at yun pa ang makakapagbukas sayo ng ibat-ibang opportunities

Kasi sa networking, bukod sa value… vibes ang isang reason bakit ka kakaibiganin ng mga importanteng tao

Then, kung meron ka ng mga girls, yung attention na nakukuha mo sa kanila ang magpapataas ng energy mo

Kumpara sa mga lalakeng hindi talaga pinapansin ng mga babae… mas mataas ang energy mo. Hindi ka depressed katulad nila

Magagamit mo yung energy na yun sa pag gawa ng pera

01/12/2025

Karamihan ng mga tao madaling mauto

Madali silang mapaniwala ng

Balita
Tsismis
Politics
Religion
Influencers
Motivational speakers
Babae/lalake
Etc…

Pero hirap na hirap silang maniwala na…

Naloko sila.

Lahat paniniwalaan nila except “naloko sila”

😂

Anyways, intindihin mo itong human behaviour na ito and mas mapapadali ang navigation mo sa laro ng mundo.

01/12/2025

Kailangan may bitaw ka na bago ka pa magkapera para pag may pera ka na, mas lalo kang aangas.

Kailangan kaya mo nang kumuha ng respect mula sa mga tao kahit mababa pa ang level mo para pag nagkapera ka na… magiging sobrang tindi ang influence mo sa mga tao.

Dapat gusto ka na ng mga chicks kahit broke boy ka palang, para pag may pera ka na, mas lalakas lalo ang dating mo sa mata ng mga babae

Pag may pera ka na at dun ka palang magsisimula magpaka-astig… bonjing lang ang dating mo nun.

And hindi tataas ang confidence mo nun kasi deep inside, alam mong pag nawala ang pera mo… gugunaw ang image mo

28/11/2025

Kung hindi ka pa rich or low value ka palang, hindi ka muna pwede mag risk ng mga nakaka offend na jokes

Pag meron ka nang bitaw, kahit yung mga nakaka offend mo na jokes ay magiging nakakatawa talaga sa mga tao sa paligid mo

Alam nilang offensive yung joke mo pero hindi sila magagalit kasi ikaw ang nag joke

Pag broke boy ka pa, dun ka lang muna sa mga safe jokes

28/11/2025

Mas lagi talagang nananalo ang mga malakas kaysa sa mga mahina

Sa business, sa women etc…

May chance na manalo ang mga mahihinang nilalang pero pwedeng mawala agad ang panalo nila kasi mahina ang foundation

Konting crack lang, pwedeng gumuho ang lahat

28/11/2025

Madalas nauuwi sa toxic na relationship ang mga girls na pumipili ng lalake na walang chicks

Kasi ang mga hindi chickboy, uhaw sa p***y

Kaya nagiging serial cheater sila or nagkakaroon sila ng addiction sa p**n or sa prostitutes

Hindi tulad ng mga totoong playboys, chill nalang sila pagdating sa mga chicks

Wala na sila sa desperate mode

24/11/2025

Kailangan mong ma-set up ang mga basics bago pumasok ang pera.

- Good friends
- Good relationship sa girl or mga girls mo
- Swag
- Taste sa damit
- Manners
- Discipline
- Health
- Self-respect
- Emotional control
- Mental strength
- Communication skills
- Time management
- Hygiene
- Confidence (hindi yabang)
- Boundaries
- Consistency

Lahat yan, kailangan mo munang ayusin bago ka maging rich.

Or else…

Pag dumating ang pera, magmumukha kang mayaman pero hindi G (ampaw)

Maraming pera, pero walang direction

May luho, pero walang control

May access sa mga exclusive na lugar pero wala kang class kaya mukhang hindi ka bagay dun

Hindi mo pwedeng ipang-repair ng tao ang pera

Ina-amplify lang nya kung ano ang current na ikaw

So ang tanong, pag dumating ang pera… gusto mo ba yung current na ikaw?

Kasi magta-times 10 lang yan kung sino ka man ngayon.

22/11/2025

“Gastos nanaman?”

Wasted energy pag nababadtrip ka sa gastos

Kasi kahit ano namang mangyari, hindi mahihinto ang gastos as a Man

So imbis na nai-stress ka pa dahil may mga gastusin…

Gumawa ka nalang ng paraan para laging may “money in”

22/11/2025

Hindi mo pa kasi naiintindihan na pag gustong-gusto talaga ng babae ang isang lalake, ipipilit nya talaga ang sarili nya sa lalakeng yun

Kung naiintindihan mo na sana yun, never ka nang maghahabol sa babae

Lahat ng chicks na “dinidiskartehan” or nililigawan mo, hindi ka talaga 100% gusto nun

Kung gustong-gusto ka talaga ng babae, wala ka na gaanong gagawin

Ang problema mo nalang ay mag decide kung hahayaan mo ba syang makapasok sa mundo mo or not

18/11/2025

Isa sa pinaka-delikadong klaseng lalake na mapapangasawa ng babae…

…ay yung ngayon lang nagkaka-chicks dahil ngayon lang din nagkapera.

Bakit?

Kasi kahit mayaman na, may desperate mindset parin sya.

Uhaw sa p***y
Uhaw sa kahit anong atensyon

Kasi deep inside, alam niyang wala talaga syang game.

Alam nya na pera lang ang dahilan kaya sya pinapansin ng mga babae ngayon.

So kahit sino na lang ang umaligid, papatulan nya.

Kahit hindi quality, kahit red flag…Lahat ng babae para sa kanya parang trophy

…pang-prove sa sarili nya na “may halaga” sya.

Pero yung mga lalake na…

- Kahit wala ka pang pera dati, chicks na ang dumidikit sayo
- Sanay ka na sa female nature
- Nasubukan mo na kung sino ang tunay at sino ang fake
- Hindi mo ginagawang validation ang babae

Pag dumating na ang pera, hindi ka mauulol

Hindi mo na kailangan patunayan pa ang sarili mo

Hindi mo kailangan damihan ang nakaka-sex mo para maramdaman mong “lalake” ka

Kaya mo mag-pick ng high quality, loyal, at solid na partner — hindi lang kung sino ang available.

“A man who had options even when broke becomes disciplined and dangerous when he gets rich.”

Pero ang lalakeng nagka-chicks lang nung yumaman…

madalas, tuta pa rin ng lust and insecurity.

Choose wisely, ladies.

At para sa mga real G’s: Build your value muna bago dumating ang $$

14/11/2025

Pag nagsasalita ang isang tao na parang wala syang magawa sa mga nangyayari sa kanya… gets ko agad na meron syang poor mindset

“Ang hirap umasenso ngayon, wala na kasing opportunity.”

“Ganyan talaga buhay namin, mahirap kami.”

“Wala kasing tumutulong sakin.”

“Hindi kasi ako pinanganak na matalino kaya hindi pwede sa business.”

“Wala akong magagawa, ganyan talaga sweldo sa work ko.”

“Malas lang talaga ako sa buhay.”

Laging nilang sinisisi ang economy o government na parang yun na talaga ang nagde-decide ng destiny nila. Ayaw man lang mag-isip ng strategy.

Umaasa din sila sa tulong ng iba, hindi self-reliant.

Marami silang excuses imbis na inaaral nila ang skills para makaalis sa current situation nila.

Nakadepende din sila sa luck, hindi sa strategy o effort.

Dumidistansya ako sa mga ganong klaseng human beings.

Address

Navotas
1485

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Two Joints Ph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share