07/07/2026
๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ | ๐๐๐ ๐ฎ-๐ญ๐๐ ๐ฎ๐๐ง ๐๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง!
Ang paaralan ay itinuturing na pandayan ng kaalaman, kaligtasan, at ikalawang tahanan, hindi kailanman maging sanhi ng himalayan mula sa kaharasan. Ngunit sa nagdaang mga araw, nuong ika-23 araw ng hunyo taong kasalukuyan, nabalot ng takot at pangamba ang buong bansa matapos ang madugong insidente ng pamamaril sa isang mataas na paaralan ng San Jose lungsod ng Tacloban na ikinasawi ng tatlong mag-aaral at ikinasugat ng 15 pang mag-aaral. Ang mas nakababahala, ang mga suspek ay mga menor de edad din, edad na 14 anyos, at 15 anyos. May hustisya kaya?
Muling binuksan ng trahedyang ito ang usapin tungkol sa kaligtasan sa mga paaralan at sa pananagutan ng mga kabataang nasasangkot sa mabibigat na krimen. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag-uugali ng kabataan ay ang kanilang kapaligiran, ang pamilya, paaralan, barkada, at maging ang social media ay may malaking papel sa paghubog ng kanilang pag-uugali. Kapag kulang sa gabay, pagmamahal, at wastong direksiyon ang isang kabataan, mas nagiging madali para sa kanya na gumawa ng maling desisyon, sapagkat ang armas na ginamit sa kaharasan ay nanggaling mismo sa Pulis na tiyahin ng isa sa mga suspek.
Ayon sa mga ulat, sinasabing nakaranas ng pang-aapi o bullying ang mga suspek bago naganap ang insidente. Bagama't hindi kailanman katanggap-tanggap ang karahasan bilang tugon, ipinakikita nito kung gaano kalalim ang epekto ng patuloy na panliligalig sa pag-iisip at damdamin ng isang kabataan.
Hustisya. Ito ang tanging sigaw ng pamilya ng tatlong biktima na nasawi, sina Chris Lorenz Fabian, 15 na taong gulang, Joyancee Separa,15 na taong gulang, at Ayessa Nicole Dazo, 14 na taong gulang. hindi sapat na puro intervention at rehabilitasyon lamang ang maging tugon sa ganitong uri ng krimen. Ayon sa mga ulat, ang pag-atake ay hindi basta isang bugso ng galit o simpleng โmaling desisyon.โ May mga indikasyong may layunin at intensiyon ang ginawa ng mga suspek. Napakaraming buhay ang naapektuhan: tatlong pamilya ang nawalan ng anak, habang marami pang mag-aaral ang nasugatan at maaaring magdala ng trauma sa mahabang panahon.
Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, ang mga batang wala pang 15 taong gulang ay karaniwang exempted sa criminal liability, samantalang ang mga 15 hanggang 18 taong gulang ay maaaring managot kung mapatutunayang kumilos sila nang may discernment o malinaw na pag-unawa sa tama at mali. Sa kasong ito, ang 14-anyos ay ilalagay sa pangangalaga at intervention ng social welfare authorities, habang ang 15-anyos ay maaaring dumaan sa legal na proseso kung mapatutunayang may discernment siya.
Gayunpaman, dapat suriin kung sapat ba ang kasalukuyang sistema para sa mga kasong may planado at malawakang pinsala. Ang rehabilitasyon ay mahalaga dahil menor de edad pa rin ang mga sangkot at kailangan nilang maituwid. Ngunit hindi dapat mawala ang pananagutan. Maaaring pagsabayin ang rehabilitasyon at mas mahigpit na legal na proseso, hindi bilang paghihiganti, kundi bilang pagkilala sa bigat ng pagkawala at pinsalang dulot sa mga biktima.
Dapat ding imbestigahan ang pananagutan ng mga nakatatanda. Isa sa mga baril na ginamit ay naiulat na nakarehistro sa isang kamag-anak na pulis ng isa sa mga suspek, at ang opisyal ay iniimbestigahan kaugnay ng pag-iingat sa armas. Kung may kapabayaan o paglabag sa batas ang mga magulang, guardian, o may-ari ng armas, dapat silang managot ayon sa batas.
Hindi lang suliranin ng mga mag-aaral ang mga kaharasan sa paaralan, ito ay salamin ng mga pagkukulang ng pamilya, paaralan, komunidad, at lipunan. Ang bawat insidente ng pananakit at karahasan, hindi lamang mga biktima ang nasasaktan, nasusugatan din ang kinabukasan ng kabataan at ang tiwala sa mga institusyong dapat silaโy prinoprotektahan. Kung tunay nating hangad ang ligtas na mga paaralan, hindi sapat ang paglikha ng mas mahigpit na patakaran o pagpapataw ng mas mabigat na parusa. Kailangan nating bumuo ng isang kapaligirang nakikinig, gumagabay, at nagmamalasakit. Ang pagbabago ay magsisimula lamang kapag sama-sama nating kinilala na ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay hindi pribilehiyo kundi isang karapatang dapat ipaglaban at pangalagaan ng buong lipunan.