28/11/2025
Kidlat News of the day (November 28, 2025)
- Nagpatupad ng konkretong hakbang ang Southern Luzon Command (SOLCOM) para palakasin ang
reintegrasyon ng mga dating rebelde matapos ipagkaloob ni Lt. Gen. Cerilo C. Balaoro Jr. ang ₱300,000 start-up capital sa General Nakar Livelihood Workers Association (GENLIWAS), isang kooperatiba ng mga Friend Rescued (FRs) o dating miyembro ng CPP–NPA sa Cavinti, Laguna.
- Inatasan ng Pasig Regional Trial Court ang agarang paglilipat kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Leal Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
- Dalawang kawani ng DPWH Region 2 ang natabunan ng landslide habang nagbabantay ng trapiko sa Barangay San Juan, Sta. Praxedes, Cagayan nitong Nobyembre 28. Ayon sa MDRRMO, isa ay binawian na ng buhay habang ang isa ay minor injuries lamang matapos silang tamaan ng gumuhong lupa sa kahabaan ng Manila North Road.
Alamin ang detalye ng balitang yan at iba pang NEWS UPDATE mula sa Kidlat News Channel. Ngayon Na!
For more great stories, please subscribe to our
Youtube channel: /
Like & follow us on Facebook: / greatczarmediaproductions