Mga tulang aking naiisip habang ako'y nakahiga

Mga tulang aking naiisip habang ako'y nakahiga Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mga tulang aking naiisip habang ako'y nakahiga, Digital creator, tambak 1 tanza 2, Navotas.

22/05/2024

umaasa pa rin akong
may susunod na yakap pa,
umaasa pa rin akong
babalik ka pa.

22/05/2024

that feeling na

"sana pala mas nag tagal pa tayo kasi huling kita na"

27/04/2024

bawat oras at minuto
naka tingin lamang sa iyong litrato
napakaganda mo, binibini ko.
sa bawat sandali na sa iyo'y napatingin
hindi ko aakalain na sa iyo'y may pagtingin.
mga oras ay sasamantalahin,
kasabay nang pag-ihip ng hangin.
binibini, nais kong ikaw ay mapasakin.

25/04/2024

at sa bawat pag patak ng luha,
ating pag-aaway ay nasasariwa,
at sa bawat pag hihinuha,
muka mong malungkot ang siyang nakikita.

bakit ba tayo napunta sa sitwasyon na ganito?
marahil nga'y kasalanan ko, marahil nga'y
may kasalanan ako. pasensya na mahal ko,
hindi ko lang din maintindihan ang sarili ko,

siguro nga'y naguluhan lang ako, paniguradong
naguluhan lang ako. sana'y patawarin mo,
sana'y bigyang pansin 'to, sana'y bigyang pansin
ang aking pag susumamo, mahal ko.

24/04/2024

sa bawat araw na iniisip kung iibig pa ba
hindi akalain na darating ka,
hindi akalain na magugustuhan kita,
hindi akalain na ikaw pala ang aking hinihintay, aking sinta.

sa bawat pag patak ng tinta,
ikaw ang laging nasa isip, sinta.
sa bawat kumpas ng mata,
muka mong maganda ang tanging nakikita.

bakit ganito? hindi ko naman pinilit mahulog sa iyo,
bakit ganito? nababaliw nanaman ata ako.
hindi ko alam kung anong gagawin,
hindi ko alam kung paano sasabihin

na sa iyo'y may labis na pag tingin,
hindi ko naman kasi akalain
na ikaw ay aking iibigin.

16/01/2024

sa bawat prosa at tula,
ikaw ang lagi kong paksa
ikaw lang ang laging
gustong makasama sa aking bawat
kabanata, mga kabanatang pangalan
mo lamang ang nakatala
dahil gusto pa rin kita
kahit ang gusto mo'y iba

Address

Tambak 1 Tanza 2
Navotas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga tulang aking naiisip habang ako'y nakahiga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share