20/08/2025
Sinas*mpal talaga ako ng katotohanan, kung gano kahirap at kasarap mabuhay.
First booking ko papuntang Boys Scout, tamang chikahan sa pasahero, mahirap ang sitwasyon pero lumalaban siya sa hamon ng buhay. Nung na drop ko na siya, habang nag aantay ako ng booking. May nagtatalo sa likuran ko, isang matanda at binatilyo. Binaba ng binatilyo ang matanda sa tricycle, pero habang nag aantay ako ng booking, narinig ko ang matanda "malayo pa pala yung city hall", "balik balikan ko nalang tu". Nung papalayo na siya, lumingon ako sa gilid, meron pang isang box. Hindi kaya ng konsensya ko yung sitwasyon. Nung bumalik na si tatay, kinausap niya ako kung pwede ba raw patulong siya na iangat ang box sa balikat niya. Pero humindi ako, sabi ko sa kanya "wag na Tay, ako na. Dito nalang yan sa motor". Nung nasakay ko na sa motor yung box, pabiro kong sabi sa kanya "Tay itakbo ko na tu hahaha" , sagot niya naman "okay lang, damit lang naman yan". Sa maikling pag uusap namin, si tatay pala ay taga Calbayog, kakalabas niya lang daw galing Iwahig. Isa siyang coast guard noon, naunahan niya daw kaya siya nakulong. 46 years siya dun, na sana ay lifetime ang kaso niya. Sa bawat byahe ko sa araw-araw napupunta ako sa mga sitwasyon na alam ng Diyos na hindi ko tatalikuran. Sinasakto ako sa mga taong kelangan ng tulong, na di kayang gawin ng iba. Hindi ko man nabigyan si Tatay financially, pero nabigyan ko siya ng salita na galing sa Diyos.
To tatay, di ko man natanong pangalan mo Tay. Pero nagpapasalamat ako sayo dahil naging reminder ka na sa hirap ng buhay, hindi ka pa rin sumuko. May God Bless you rito sa labas, na binigyan ka ulit nang pagkakataon. Mag iingat po kayo lagi.
PS: Hindi ako nagpost para sa sarili. It's a reminder to all, kung nahihirapan ka man sa sitwasyon mo ngayon. Lumabas ka, buksan mo ang iyong mga mata, dun mo makikita na swerte mo pa rin pala. Laban lang sa buhay 💙
Thank you, Lord dahil binibigyan niyo ako ng lakas na makatulong sa iba, sa paraan na kaya ko. ❤️