HUMSS Republic-AUEEC

HUMSS Republic-AUEEC Officially acknowledged as República Humanista.

The recognized organization for the SHS Department strand of Humanities and Social Sciences in Arellano University — Elisa Esguerra Campus.

No deadlines, no rush — just a well-deserved pause. 🌿Like the sky, you don’t have to hurry — breathe and just be.Happy M...
27/10/2025

No deadlines, no rush — just a well-deserved pause. 🌿
Like the sky, you don’t have to hurry — breathe and just be.

Happy Monday and enjoy your break, Chiefs. 💙❤

Today, we honor Lola Elisa on her 135th Birth Anniversary — the namesake of our beloved campus whose dedication to educa...
08/10/2025

Today, we honor Lola Elisa on her 135th Birth Anniversary — the namesake of our beloved campus whose dedication to education and service continues to inspire us all. 💙❤️

Her legacy lives on in every Chiefs.🌸

Maligayang Araw ng mga G**o, Sir John Dem at Ma'am Angel! Hindi lamang po kayo basta g**o—kayo ay parang pamilya sa amin...
06/10/2025

Maligayang Araw ng mga G**o, Sir John Dem at Ma'am Angel!

Hindi lamang po kayo basta g**o—kayo ay parang pamilya sa amin. Sa bawat araw na kayo ay kasama namin, ramdam namin ang saya, ang pag-aaruga, at ang tunay na malasakit. Kayo ang klase ng g**o na hindi lang nagtuturo ng leksiyon sa libro, kundi maging ng mga aral na halaw sa totoong buhay. Parang kaibigan na laging handang makinig, at parang magulang na laging gumagabay.

Bilang mga tagapayo at gabay ng aming munting República, hindi matatawaran ang inyong malasakit at dedikasyon. Kayo ang sandalan sa oras ng pagkalito, ang lakas sa oras ng panghihina, at ang liwanag sa oras ng kadiliman. Salamat sa mga tawanan sa gitna ng stress, sa mga pangaral na may lambing, at sa mga yakap na kahit sa salita lang ay ramdam ang init. Kayo ang kahulugan ng "buong package"—masaya, maalaga, matalino, at tunay na inspirasyon sa amin.

Mabuhay kayo, mga g**ong hindi lang nagtuturo, kundi nagmamahal! Salamat sa pagiging ilaw sa landas ng aming pangarap, at sa pagiging haligi ng aming minamahal na República.

Isinulat ni Karyl Ann Charlize Be**no | General Standing Committee

Isinalarawan ni Emikae Dimaano | Communications Operation Officer

Happy National Teacher’s Day to all the amazing teachers and educators around the world! You are not just teachers, but ...
04/10/2025

Happy National Teacher’s Day to all the amazing teachers and educators around the world! You are not just teachers, but also mentors, second parents, and guides who inspire us every day. Thank you for your patience, dedication, and sacrifices in helping us learn and shaping our character. Your hard work and love for teaching have created an impact that we will carry throughout our lives. Today, we honor you–the true heroes who light the path toward a brighter future.

Caption by Mhel John Abracar | General Standing Committee
Layout by Norwel Mallari | Minister of Communications Operation

Yohooo Bwelo! 🎤Happy Teacher's Day, G**ong Heroes ! 📚🍪✨Kahapon, Oktubre 3 2025, ginanap ang aming masaya at makabuluhang...
04/10/2025

Yohooo Bwelo! 🎤

Happy Teacher's Day, G**ong Heroes ! 📚🍪✨
Kahapon, Oktubre 3 2025, ginanap ang aming masaya at makabuluhang pagdiriwang para sa Teacher's Day. Ang aming booth na pinamagatang República HUMANISTA booth ay nagsilbing sentro ng inspirasyon, simbolismo ng kanilang dedikasyon sa pagtuturo at paghubog ng mga hinaharap.

Sa gitna ng kaganapan, binigyang-diin ang kahalagahan ng bawat quote na naka-embed sa mga cookies, na nagpapaalala sa mga g**o ng kanilang epekto sa buhay ng mga estudyante — Yiz diba ang saya

Hindi biro ang pagiging g**o – dugo't pawis, pasensya at pag-ibig ang inilalaan ninyo araw-araw, hindi lamang yung mga aral sa klase. Sa aming "Inkspired Cookie", ipinakita namin ang aming pasasalamat sa inyong walang-humpay na serbisyo, na hindi lamang nagbibigay ng kaalaman kundi pati na rin ng inspirasyon para sa susunod na henerasyon. Salamat sa pagiging ating gabay! 🫀🙌🏻

Isinulat ni Carissa Dominguez | General Standing Committee
Layout ni Sky Vivar | Dating Pangulo ng República Humanista

Hindi lang ito simpleng sorpresa—ito ay taos-pusong pasasalamat.Oktubre 1–2, 2025 | Sa pagdiriwang ng National Teachers’...
02/10/2025

Hindi lang ito simpleng sorpresa—ito ay taos-pusong pasasalamat.

Oktubre 1–2, 2025 | Sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month nag-uumapaw ang saya at pagmamahal sa bawat sulok ng paaralan. Mula sa mga munting cake na may simpleng mensahe, hanggang sa mga sulat na isinulat ng buong puso, mga regalong may kahulugan, retrato ng masasayang alaala, at mga yakap na tila nagsasabing, Salamat po, Ma’am/Sir.

Hindi man namin nasasabi araw-araw, ngunit sa bawat aral na ibinabahagi ninyo, sa bawat sermon na may halong pag-aalala, at sa bawat pag-unawa sa aming kakulangan, unti-unti kaming nahuhubog—hindi lang bilang estudyante, kundi bilang tao. Sa bawat “Kaya mo ’yan, nak” natututo kaming maniwala sa sarili. Sa bawat pagkakamali, natututo kaming bumangon, magsisi, at muling sumubok.

Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit may direksyon ang aming pangarap. Kayo ang liwanag sa gitna ng kalituhan, ang sandalan sa oras ng panghihina, at ang gabay sa landas ng pagkatuto. Salamat sa pagtitiis sa aming ingay, sa pag-unawa sa aming katahimikan, at sa pagmamahal na hindi kailanman humihingi ng kapalit.

Sa bawat g**o na naging parte ng aming paglalakbay—mula sa unang pagbasa hanggang sa huling pagsusulit—kayo po ang tunay na bayani. Hindi man kayo palaging nabibigyan ng parangal, ang puso ninyo ay palaging nasa pedestal ng aming paggalang.

Para sa lahat ng g**o—maraming salamat po. Kayo ang aming inspirasyon, aming lakas, at aming tahanan sa loob ng silid-aralan.

Isinulat ni Karyl Ann Charlize Be**no | General standing Committee
Layout ni Sky Vivar | Dating Pangulo ng República Humanista

Malugod naming ina-anunsyo na ang application ay bukas na ulit para sa lahat ng HUMANISTAS sa loob ng Arellano! 🦁Kung hi...
25/09/2025

Malugod naming ina-anunsyo na ang application ay bukas na ulit para sa lahat ng HUMANISTAS sa loob ng Arellano! 🦁

Kung hindi ka man nakapasa noong aming unang screening, maari niyo itong kuning oportunidad para sumubok ulit. 'Wag mag atubiling magtanong sa aming page kung mayroon man kayong katanungan.

🦁 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀𝐒! 🦁
Opportunity’s knocking — will you answer?
The search for the next wave of República Humanista begins now — The screening is now officially open.

This isn’t just an organization — it’s a space where growth begins, ideas thrive, and perspectives shift. A place you’ll soon call home.
New experiences await. New people to meet. And doors will open to a version of school life you never imagined — one that challenges, inspires, and transforms.

It's your turn to take that step.
But before you do…

ᴀꜱᴋ ʏᴏᴜʀꜱᴇʟꜰ ᴛʜɪꜱ Qᴜᴇꜱᴛɪᴏɴ?
🕯️𝐀𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐞'𝐫𝐞 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫?
🗝️ 𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐢𝐟 𝐰𝐞’𝐯𝐞 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐰𝐚𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐥𝐥 𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠?

Step into the light of new beginnings.
✨ 𝐂𝐨𝐦𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐣𝐨𝐢𝐧 𝐮𝐬 — 𝐁𝐄 𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐌𝐄𝐓𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐄𝐀𝐓!
𝐁𝐄 𝐀 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀.

💭 Still thinking about it? Don’t worry — there’s still time.
📌 Join our official GC and fill out the form below to begin your journey:

Gform fill out:https://docs.google.com/forms/d/1ZJloGTY4uQZsUWxv0xi5bSLFO4QFDR1-OqqEAHFUdFA/viewform

Caption by James Jose Dawisan | Records Officer
Layout by Norwel Mallari | Minister of Communication Operation

Your República Humanista Family is very proud of you sir John Dem  🫶🦁
24/09/2025

Your República Humanista Family is very proud of you sir John Dem 🫶🦁

Ginugunita natin ngayon ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng ating kasaysayan.Noong Setyembre 21, 1972, idineklara ng n...
21/09/2025

Ginugunita natin ngayon ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng ating kasaysayan.

Noong Setyembre 21, 1972, idineklara ng nasirang diktador Marcos Sr. ang Martial Law sa buong Filipinas. Bagamat layunin diumano nito ang kaayusan at seguridad, nagdulot ito ng malawakang paglabag sa karapatang pantao—pagsupil sa kalayaan, malawakang pag-aresto sa mga kritiko, pagkawala ng daan-daang desaparecidos, at censorship sa media.

Huwag nating kalimutan ang nakaraan. Ang kalayaan at karapatang pantao ay hindi dapat basta-basta isuko. Ito ay dapat ipinaglalaban at pangalagaan.

Ang boses ng bawat mamamayan ay sandata laban sa pang-aabuso, lalo na sa panahon ngayon na mabilis kumalat maging ang mga pekeng impormasyon, at binabaluktot ang kasaysayan na nagiging dahilan upang maging madaling maabuso ang kapangyarihan.

Maging mulat. Balikan ang nakaraan, suriin ang kasalukuyan, at ipaglaban ang kalayaan. Ang boses nating lahat ang sandata laban sa pang-aabuso at katiwalian.

Isinulat ni Haraya Mendiola

Isinalarawan ni Norwel Mallari | Minister of Communications Operation

Sources:
https://www.amnesty.org/en/latest/news/2022/04/five-things-to-know-about-martial-law-in-the-philippines/

https://www.britannica.com/place/Philippines/Martial-law

Isang malinis na pagbati sa World Clean Up Day! Bilang República Humanista, muling binibigyang-diin namin na ang kalusug...
20/09/2025

Isang malinis na pagbati sa World Clean Up Day! Bilang República Humanista, muling binibigyang-diin namin na ang kalusugan ng ating planeta ay konektado sa kalusugan ng ating mga komunidad. Ang isang malusog na kapaligiran ay karapatan ng bawat isa, at ito ay simula ng isang maayos at maunlad na pamumuhay.

Ang paglilinis ay hindi lang responsibilidad ng iilan, kundi obligasyon ng bawat isa sa atin. sa bawat simpleng aksyon tulad ng tamang pagtatapon ng basura at pag-recycle, malaki ang ating maitutulong upang maprotektahan ang ating kalikasan mula sa pinsala.

Patuloy tayong magtulungan upang magkaroon ng mas malinis, mas ligtas, at mas maunlad na mundo para sa lahat. makiisa tayo at maging instrumento ng pagbabago, dahil ang pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng pagmamahal sa ating kapwa at sa susunod na henerasyon

Isinulat ni Queen Aubrey Arenio | General Standing Committee
Isinalarawan ni Emikae Dimaano | Communications Operation Officer

Our very own adviser 🦁🫶
19/09/2025

Our very own adviser 🦁🫶

Her Majesty, Queen Elizabeth II, born on April 21, 1926, in London, was the Queen of the United Kingdom of Great Britain...
19/09/2025

Her Majesty, Queen Elizabeth II, born on April 21, 1926, in London, was the Queen of the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland from February 6, 1952, until her death on September 8, 2022. She was the daughter of Prince Albert, Duke of York, and Lady Elizabeth Bowes-Lyon.

She married Philip Mountbatten on November 20, 1947, and they had four children: Prince Charles, Princess Anne, Prince Andrew, and Prince Edward. Elizabeth became queen upon the death of her father, George VI, in 1952. Her coronation took place on June 2, 1953, at Westminster Abbey.

During her reign, Elizabeth II witnessed significant advancements in science and technology. In 2015, she became the longest-reigning monarch in British history, surpassing Queen Victoria.

Layout by Norwel Mallari | Minister of Communications Operation

Source: Encyclopedia Britannica

Address

Gen. Luna Street Brgy. Bayan-Bayanan
Navotas
1490

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HUMSS Republic-AUEEC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to HUMSS Republic-AUEEC:

Share