High Rhyme Production.

High Rhyme Production. sa mga hndi pa nkakakilala samin kmi po ang high rhyme

22/07/2019

1st Day of conditioning:

1.) Pag kakuha ng G, pataihin, paliguan ito , ilublob ng 3-5secs basta mabasa sila at patuyuin sa karang. mas ok kung nasisinagan ng araw.

2.) After 10mins. Kunin na ito at pakainin. Magandang pang hulma sa chan ng G ay hipon or superworm. Maari ding tutubi kung may makukuhaan kayo.

-pagkatapos ito pakainin, pondohan agad ito ng Mjolnir spider load. Ng onting onti lang. Gatuldok. Sing laki lang ng langam.

(KUNG MAG BABASAG KAYU NG G, MAINAM NA WAG NA ITO PONDOHAN AT HAYAAN ANG NATURAL NA TAPANG NG G ANG LUMABAS)

(AT KUNG BASAL ANG G AT AYAW NYO NA BASAGIN PONDOHAN NA ITO AGAD NG MJOLNIR)

-kung tuyot at walang mga katawan ang g ninyo na nabili, mainam na pakainin agad ito ng size na nais nyong maging chan ng G nyo. Importante na hindi ito maging botsog. Or bilugan ang chan. Maintain nyo lang na sexy ang hugis ng chan ng G or mabulto tignan at malapad. Hindi bilog. BASTA PROPORTION ang chan nila sa galamay.

3.) Paraanan ng walang pangil na gagamba o kung tawagin ay "Babag".
(Pinuputol ang pangil ng G sa pamamagitan ng nailcutter, hawakan ang G ng nakatihaya at bubuka ang bibig neto, pag naka buka na pakagatin nyo yung pangil nya sa nailcutter at tsaka putulin. Ganon din ang gawin sa kabilang pangil. Iwasan magupit ang gilagid nila para hindi manghina or mamatay.)

4.) obserbahan ang kilos nito sa pamaraan kung maganda ang galaw sa pamaraan wag na ito "basagin". (Ang ibig sabihin ng "basag" ay ang paglalaban laban ng mga binili mong gagamba para makita kung sino ang matigas umaway at ang mga duwag, dahil minsan wala sa itsura ng gagamba ang pagiging matapang.)

-pag nakursunadahan nyo ang kilos sa pamaraan na kung saan papatayin nya agad ito at hindi namimitik lang, wag na ito basagin. Hayaan na siyang "basal". (Ibig sabihin ng "basal" ay ang mga G na hindi nang galing sa basag.)

5.) Mag ready ng tubig sa baso. Filtered or mineral para sa lubluban ng magiging sugatan na winner . Ilulublob nyo sila sa tubig para mabilis gumaling ang mga magiging sugat na matatamo nila.

-Pag laban labanin ang mga G na babasagin. Matapos ilublob ang mga winner sa tubig, pagpahingahin na. Hayaan silang mag pagaling at mag pahinga.

6.) Pag sapit ng 5pm, kunin na sila at paraanan ulit ng "babag" PARA MAS TUMAPANG SILA. Pakainin ulit ito ng sin laki lang ng ulo nila para hindi lumaki ang tyan. Mas mainam na basa ang kinakaen nila para mas mabilis nila matunaw ang kinakaen.

(PARA SA MGA WINNER NA HINDI NAPONDOHAN NG MJOLNIR NA MGA BINASAG NA G, SA HAPON NYO NA SILA PONDOHAN PAGKATAPOS KUMAEN.)

7.) Ilagay na sila at pagpahingahin sa pitak, kung may kalag na g or ayaw matulog, maaring alanganin ilaban ito dahil stressed ang mga ganyang gagamba. Hindi ako nag aalaga ng mga kalag na gagamba kahit anung tapang nito. Dahil hindi mo ito "mauulot" (match making) ng maayos dahil hindi ito matutulog sa dulo ng paleta mo. Kung sa umaga kalag parin sila at mahirap patulugin, wala kana magagawa dito kundi basagin nalang ulit or ilaban nyo parin siya ng kalag. Choice nyo na yan kung nasasayangan kayu.

2nd Day of conditioning:

(GUMISING NG MAAGA)

1.) Kunin sa karang/pitak, pataihin sila exercise onti 5-10x akyat sa stick at bantingin sa sapot paakyatin sa sapot nila upang makita ang mga sira sira pa sa akyat. Hindi pa ito pwede ilaban kung mag 1day conditioning kayu. (Ipapaliwanag sa dulo ang technique sa 1 day conditioning)

2.) Paraanan ng babag sila para tumapang. At pagkatapos pakainin sila ng hipon ng sinlaki ng ulo lang nila or lakihan ng konti kung bitin sa chan ang G. (MAS GUSTO KO SILA PARAANAN MUNA BAGO KUMAEN PARA ISIPIN NITO NA KAKAEN SILA PAG LALABAN SILA PARA MAS LALO TUMAPANG)

-sa pitak nyo nalang sila pakainin.

3.) Pagkatapos kumaen, mag paaraw.
Ang magandang sikat ng araw ay 7am. Hayaan lang sila sa na nasisinagan ng araw. Pag mainit na ang araw kunin na ito.

-5pm kunin na ulit sila at paraanan ng babag. Pag bumilot na ito sa babag or naging agresibo na sila at naging LAKAD ROBOT NA AT HINDI NA KALAG, Matuwa na kayo dahil may resluta na ang pag aalaga nyo sa 2nd day of conditioning palang.

EXTRA TIPS & PAALALA:

-Kung may mga winner na kayo pagkatapos ng pasapot or labanan,
Pag uwi nyo ng bahay, ilublob nyo sa tubig yung mga winner nyo na G. Pakainin ng onti at i-drain ang load sa katawan nito. Ginagawa ang pag d-drain sa pamamagitan ng pag papa inom sa kanila ng honey or tubig na may asukal. Para kinabukasan ma-tae nila ang load na pinondo nyo para maiwasan maluma agad sa gamot ang G at hindi ito mag off sa next na laban.

TANDAAN: Pag may winner kana na G, at lalaban na agad ito kinabukasan or sa makalawa, HINDI NA ITO KAYLANGAN PONDOHAN THE NIGHT BEFORE THE FIGHT. dahil nakatikim na ito ng load at baka mag off sa dami ng dosage na binigay mo sa kanya.
Mag on the spot pointing nalang kayu or sa bahay nalang bago umalis kung ayaw nyo pakita na nag loload kayu.

-Wag na wag kayu mag popondo ng G ng walang kaen ito. laging may kaen ang G bago mag pointing or mag painom ng load sa G. Para maiwasan ma O.D. (Over dose).

MGA SENYALES NG OD:

-Lakad talangka
-mabigat ang mga kuko pag gumapang
-nangingisay pag gumapang
-kagat ng kagat sa stick or sa kamay mo
-parang nag pi-piano ang mga galamay nito
-sira sira umakyat sa sapot nila.

Kung makita nyong mejo O.D. na sila sa bahay nyo at nadisgrasya nyo ito. Subukan nyong ilublob sila sa tubig na may yelo ng 30seconds at patuyuin sa dahon. Pagkatapos matuyo, ilublob ulit ito ng 30seconds. At patuyuin.
Kung gumaling na ito kinabukasan, good nayan. Kung hindi, wag nyo na ilaban yan at matatalo lang kayu panigurado.

-Malakas maka luma ng G ang gamot natin at malakas maka O.D. dahil sa tapang ng load natin. Kaya iniiwasan natin Ma O.D. ang G para hindi ito masayang at maging effective sa laro.

-Magandang pampabasa ng pagkaen nila na hipon ay tubig ulan, pwede rin mineral or filtered water. Ang tubig sa gripo ay may chlorine. Mas mainam na natural ang water source nila.

-Wag na wag kayu pipili ng Bulok na gagamba. Hindi na masyado tinatablan ng gamot ang mga bulok na gagamba. Makikita nyo yan kung bulok kapag kalbo na ang tuhod ng gagamba at mahina na ito kumilos at kalag kalag na ito. Hindi na tatalaban ng gamot ang mga yan. Ginagawa nalang yang pamaraan sa G.

-Mas gusto ko hipon ang ipakaen sa G dahil mas gusto nila ito. madali ipakaen, madali ihulma ang chan nila at magandang pabigat ito. ang protein na dulot nito ay maganda sa kanila. Mas sariwa ang hipon mas maganda.

-Ang expiration ng gamot natin ay 1-2months. Kung hindi ito gagamitin, mainam na frozen ito. Ilagay sa freezer para sa mas matagalan na gamitan.
Kung sa ref naman, pwede ito umabot ng isat kalahating buwan. Malalaman nyo na panis na ang load pag iba na kulay at amoy nito. At hindi na kasing ganda ng perfomance kumpara sa sariwang load.

-Mas gusto kong naka cover lang ng net ang pitak ko para pumapasok ang sariwang hangin sa labas. Nilalagay ko lang ang karang ko sa bintana para sa sariwang hangin. HINDI ko ito nilalagay sa lamesa ng pagkaen, sa tuktok ng tv, sa tuktok ng ref or sa mga bagay na maraming activity na nangyayare , dahil ayaw ng gagamba ang naaalog alog sila. Jan sila na sstress or nakakalag. Kaya may mga gagambang kalag dahil sa pangit na environment nila na pag tutulugan. Mas ok sa bubong lang or sa bintana na may halaman sa gabi.

-Hindi porket na loadan ang G ay mananalo kana. LAHAT NG LOAD MAY TALO YAN, Ultimo mga legend sa gagambahan natatalo yan. Kaya wag susuko pag natalo kayo. Mag tiwala kayu sa gagamba nyo , sa alaga nyo at sa MJOLNIR.

- Eto ang estimate ko sa percentage of winning.
60% Sa quality ng gagamba
20% Sa alaga nyo sa G
20% Sa Load

Aanuhin nyo ang magandang Load kung bulok ang gagamba nyo at
i-aasa nyo sa load?
Ang bulok na gagamba ay hindi na masyado tatalaban ng gamot. Titing-tong nalang yan sa laban or tatalon.
Pag nakumpleto nyo yang percentage na yan, mataas na chance nyo manalo sa laban.

-Tandaan ang gagamba pag nakaramdam yan ng mas malakas na pwersa kesa sa kanila, maaaring tumingtong nalang yan pag matanda na. Kung may G kayu na 2-3x winner na, pakawalan na ito at wag nang sugalan pa.

PA suport po.. :)
19/04/2013

PA suport po.. :)

28/02/2013

isang munting awit na nabuo dahil sa kagagawan mo!!

ngayong alam ko na..
28/02/2013

ngayong alam ko na..

tnx sa mga nakinig.. :)

miss kita of high rhyme .:)
28/02/2013

miss kita of high rhyme .:)

Ft. jason of pamilya bagsik.. and psykie of pamilya esze!
28/02/2013

Ft. jason of pamilya bagsik.. and psykie of pamilya esze!

isang munting awit na naman po.. ang nabuo para sa minamahal.. :)
28/02/2013

isang munting awit na naman po..
ang nabuo para sa minamahal.. :)

PA suport nalang guys... :)
24/02/2013

PA suport nalang guys... :)

munting awit para sayo

Address

Taguig
New Lower Bicutan
1633

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when High Rhyme Production. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category