09/12/2025
Happy birthday yuki 🥰
Nawa’y sa bawat taon na ibinibigay sa’yo ng Panginoon, lalo kang maging instrumento ng kabutihan, pananampalataya, at pagmamahal. Bilang isang deboto, patuloy ka Niyang gabayan sa lahat ng iyong ginagawa—sa iyong pag-aaral, mga pangarap, at bawat hakbang ng iyong buhay.Ipinagpapasalamat namin sa Poong Hesus Nazareno ang biyaya ng iyong buhay. Nawa’y ipagkaloob Niya sa’yo ang lakas, karunungan, at proteksyon araw-araw. Sana’y manatili sa puso mo ang kababaang-loob at malasakit sa kapwa.Mahal na mahal ka namin nak, at ipinagdadasal naming maging masaya, payapa, at pinagpalang taon ang iyong kaarawan.