
11/07/2025
Ang dali lang naman po Ma'am gumawa ng vlog. Kailangan mo lang mag-invest ng magandang cellphone, manood ng mga video sa YouTube kung paano mag-edit ng video, at mag-download ng editing app. Pagkatapos, gumawa ng channel o page, at i-upload ang nagawang video. Ang tanong, may manonood po ba sa video natin? Kahit nga kamag-anak ayaw sumuporta sa vlogging journey natin. RT yan Ma'am.
Share ko lang, naalala ko dati, during the pandemic, kahit anong klaseng content ang ginawa ko kumain ng mga hilaw na gulay, at umabot pa sa kunwari'y pulubi na nagsuot ng sirang-sirang damit, walang slippers, at naglagay ng uling sa buong katawan at mukha at naglakad sa buong Alabang papuntang bayan ng Muntinlupa. As in, ginawa ko na lahat ng klaseng content para sa views at subscribers, pero wala pa ring nangyari, 5 views at tuwang-tuwa na ako if aabot ng 10 views ang 1 video ko. 3 years kong tinarabaho ang channel ko, nagtiis sa 5 to 10 views bawat video.
Ngunit isang araw, nag-create ako ng content tungkol sa DepEd Order No. 7, s. 2023, at dito ako nakilala ng karamihan sa aking mga ka-friendships. Mula noon, nag-focus ako sa mga ganitong uri ng content, gaya ng mga DepEd orders, EO, TRF reviewers, dokumento na kailangan para sa Teacher I positions, promotions, mga file, mga payo, at reaksyon videos, etc. Ngayon, nasa 56k plus na ang subscribers ko sa aking YouTube channel at 29k dito sa aking page. As in ginapang at pinaghirapan ko ang YT ko.
Ngayon, pinagmamalaki ko ang aking YouTube channel dahil isa ito sa mga tumutulong sa akin ngayon habang ako'y baon sa loan hehehe. Nakakatulong din ito sa mga poorest of the poor na kabataan tuwing December, kaya masaya ako na nagagamit ko ang aking platform para sa magandang layunin.
Nakakatuwa dahil 3 years ng tuloy2x kumikita ang channel ko. Thank you, Lord π