14/10/2025
โผ๏ธโผ๏ธโผ๏ธ
CLASS ADVISORY
Suspension of Face-to-Face Classes on October 16-17, 2025
Sa gitna ng tumataas na kaso ng Influenza-like Illnesses (ILI) at sunod-sunod na pagyanig sa ilang bahagi ng bansa, minabuti ng Department of Education at base sa rekomendasyon ng MDRRMC sa pangunguna ni Mayor Merlyn Germar na suspindihin ang lahat ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Norzagaray sa darating na Oktubre 16โ17, 2025.
Layunin nito na mapangalagaan ang kalusugan, kaligtasan, at seguridad ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani, habang sinisig**o ang tuloy-tuloy na pagkatuto sa pamamagitan ng Alternative Delivery Modalities (ADM).
Sa panahong ito, ang mga paaralan ay magsasagawa ng:
โ
Paglilinis at disinfection sa mga silid-aralan at karaniwang lugar;
โ
Patuloy na pagsusuri sa kaligtasan ng mga gusali at pasilidad; at
โ
Pagpapatibay ng mga health at safety practices sa lahat ng mag-aaral, kawani, at mga magulang.
Bahagi ito ng ating tuloy-tuloy na paghahanda para sa kaligtasan ng bawat Garayeรฑo.
Sa Norzagaray, patuloy nating isinusulong ang kaligtasan, kahandaan, at malasakit sa bawat mamamayan anumang panahon o sakuna.