16/09/2025
๐๐ ๐๐๐๐๐๐| "Ang Kantang Ito ay Para Sayo": Pagwawakas ng Buwan ng Wika na Puno ng Musika
Nagsama-sama ang mga mag-aaral ng Senior High School ng Mary Josette Academy, Inc. sa MJA Gymnasium noong Biyernes, Agosto 29, 2025, 1:00 ng hapon para sa huling kaganapan ng Buwan ng Wika: ang Vocal Solo.
Para sa patimpalak, pumili ang mga kinatawan ng bawat strand at seksyon ng mga OPM song mula sa dekada '90 upang magtanghal, na siyang pinakamagandang paraan upang tapusin ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng mga kantang isinulat at inawit ng mga Pilipino.
Masiglang nanood ang mga mag-aaral at nagpalakpakan para sa kanilang mga kinatawan gamit ang mga banner at lobo, at ang ilan ay nagdala pa ng mga tambol.
Bago nagsimula ang main event, inihayag ng MC na si G. Rosalito F. Soriano ang mga nagwagi mula sa mga kategorya ng Tula, Talumpating Handa, at Spoken Poetry.
Tula
1st Place: Sophia Paulene M. Solarte ng STEM 12 - Fibonacci
2nd Place: Althea Ucab ng HUMSS 12 - Plato
3rd Place: John Alpi S. Usaraga ng STEM 11 - Pythagoras
Talumpating Handa
1st Place: Shekina Bless Reofrir ng HUMSS 12 - Plato
2nd Place: Chris Paulo R. Andres ng ABM 12 - Archimedes
3rd Place: Tristance Torio ng STEM 12 - Fibonacci
Spoken Poetry
1st Place: Jhasper G. Anadon ng HUMSS 12 - Aquinas
2nd Place: Jefferson Letaban ng HUMSS 12 - Plato
3rd Place: Nicole Cagabhion ng STEM 12 - Fibonacci
Napuno ng pagmamalaki at kagalakan ang mga mag-aaral sa anunsyo na ito dahil nagwagi ang kanilang mga kaklase.
Umalingawngaw sa gymnasium ang malalakas na hiyawan at palakpakan bago pa man magsimula ang kompetisyon, na nagbigay ng kumpiyansa at suporta sa mga kalahok.
Isa-isang inawit ng mga kalahok ang kanilang piniling kanta.
Habang naghihintay sa resulta, tinawag muna ng MC ang mga nanalo sa Bayani Look-Alike Contest na ginanap noong Agosto 28, 2025, gayundin ang iba pang nagwagi sa mga kategoryang Sanaysay, Talumpating Di-Handa, Slogan, at Poster Making.
Bayani Look-Alike
1st Place: Charlyn C. Ladao ng HUMSS 12 - Plato bilang Gabriela Silang
2nd Place: Princess May Ann Divina ng ABM 12 - Archimedes bilang Melchora Aquino
3rd Place: Khem Benjiel Felisilda ng STEM 11 - Pythagoras bilang Josรฉ Rizal
Sanaysay
1st Place: Chris Paulo R. Andres ng ABM 12 - Archimedes
2nd Place: Renz Oltiano ng STEM 12 - Fibonacci
3rd Place: Jannashia Nicole Mariano ng HUMSS 11 - Freud
Talumpating Di-Handa
1st Place: Kennivick Chan ng HUMSS 12 - Plato
2nd Place: Angel Catama ng STEM 12 - Fibonacci
3rd Place: Cris Madjos ng HUMSS 12 - Aquinas
Slogan
1st Place: Shylee Anne Doparco ng STEM 12 - Descartes
2nd Place: Shayne R. Fabriga ng STEM 12 - Fibonnaci
3rd Place: Guess Glodove ng HUMSS 12 - Plato
Poster Making
1st Place: Heart Ro-an Lapig ng STEM 12 - Fibonacci
2nd Place: Kesha O. Gereรฑa ng STEM 11 - Pythagoras
3rd Place: Julia Sabina S. Espinol ng ICT 11-Bill Gates
Muling napuno ng hiyawan ang gymnasium habang tinatawag sa entablado ang mga nanalo.
Lahat ay naghintay nang may pananabik para malaman kung sino ang nagwagi sa Vocal Solo.
Tinawag ang 3rd Place, si Hashley C. Abesamis ng STEM 12 - Fibonacci, na nagtanghal ng "Ikaw ang Iibigin Ko" ni Jos Garcia, na nagdala ng kagalakan sa kanyang seksyon.
Sumunod na tinawag ang 2nd Place, si Lorenz Josh L. Bendoy ng HUMSS 12 - Aquinas, na nagtanghal ng "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads, na umani ng parehong lakas ng suporta.
Sa huli, matapos ang panunukso ng MC, tinawag ang 1st Place, si Rezza Mae C. Gnilo ng HUMSS 12 - Plato, na umawit ng "Ang Buhay Ko" ng Asin.
Nagtapos ang programa nang may ngiti, pagbati, at ligaya sa bawat mag aaral ng senior high school.
โ๏ธ: Chris Paulo
๐จ: Jane dayap and Lester Sampitan
๐ธ: Stacee Mierra Baldorado, Justine Kennivick Chan, Shekainah Reofrir, Mark david Argota, Jamaica Villar, Hash Abesamis, Kaito Kyien