20/07/2025
WALANG PASOK
Base po sa pinakahuling ulat ng PAGASA, bagamat nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong , patuloy pa rin ang nararanasang mga pag-ulan sa ating bayan bunsod ng Southwest Monsoon o hanging Habagat.
Matapos ang masusing konsultasyon kasama ang mga kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ay napagkasunduan naming ideklarang SUSPENDIDO ang lahat ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng pampubliko at pribadong paaralan sa Norzagaray bukas, Lunes, Hulyo 21, 2025.
Ang desisyong ito ay ginawa upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang. Hinihikayat ko po ang lahat na manatiling alerto, iwasan ang paglalakad o paglalakbay sa mga lugar na maaaring baha o landslide-prone, at ugaliing sumubaybay sa opisyal na anunsyo mula sa inyong Lokal na Pamahalaan.
Magtulungan po tayo, mag-ingat, at ipagdasal natin ang agarang pagbuti ng lagay ng panahon.