Forum Pilipinas

Forum Pilipinas Discuss your ideas and opinions.
(1)

04/05/2025

NAIA TERMINAL 1 ACCIDENT- MAY 04,2025

Isang driver ng SUV ang nagkamaling naapakan ang accelerator imbes na break! Anak na 4-year old ng isang lalaking pasahero dead on the spot


01/05/2025

PAMILACAN ISLAND-perfect for beach lovers👌🏻 #

Nasa dosenang Commission on Elections (Comelec)-owned election paraphernalia ang itinago sa isang private residence sa S...
06/04/2025

Nasa dosenang Commission on Elections (Comelec)-owned election paraphernalia ang itinago sa isang private residence sa Santol Street sa Purok Santo Niño, Dumanlas, Buhangin, Davao City nitong Sabado, Abril 5.

Kinumpirma ng Davao City Police Office (DCPO) na ang laman umano ng mga kahon ay solar panels at Wi-Fi transmission equipment mula sa Comelec Manila, na nakalaan sa distribusyon ng mga ito sa mga barangay sa Rehiyon ng Davao.

Bukod dito, nag-deploy na raw ang DCPO ng personnel upang i-secure ang nabanggit na mga election paraphernalia.

📸Keith Bacongco via MB



VP SECURITY AND PROTECTION GROUP, BINUWAG NI BRAWNERBinuwag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rome...
05/04/2025

VP SECURITY AND PROTECTION GROUP, BINUWAG NI BRAWNER

Binuwag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Romeo Brawner Jr. ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG).

Nabatid sa ulat ng Manila Times na nilusaw ang VPSPG alinsunod sa General Order 196 matapos ilang miyembro nito’y sinibak nang madawit sa paglipat kay Office of Vice President chief of staff Zuleika Lopez habang nasa kustodiya ng Mababang Kapulungan noong nakaraang taon.

Nauna rito’y pinalitan ang 75 opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa VPSPG na nakatalaga kay Vice President Sara Duterte makaraang isiwalat niya sa isang online press conference na may inutusan siyang assassin para patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez kapag may nangyaring masama sa kanya.

Ang kautusan ay inihanda umano ni AFP deputy chief of staff Lt. Gen. Jimmy Larida at nilagdaan ni Adjutant Gen. Bernardo Fortez Jr., at epektibo ang pagbuwag sa VPSPG noong Pebrero 6.

Kasabay nito’y ang pag-reorganisa sa special detail battalion sa ilalim ng AFP General Headquarters and Headquarters Service Command ay pinalitan ang pangalan at tinawag bilang AFP Security and Protection Group (ASPG).

Ang ASPG, batay sa kautusan ay magbibigay ng seguridad hindi lamang sa bise presidente kundi maging sa ilang very important persons (VIP) na may basbas ng Department of National Defense (DND).

Binubuo ang ASPG ng 18 opisyal at 329 enlisted personnel, at pamumunuan ng isang commander na may ranggong colonel o captain sa Philippine Navy.



HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ, IBINIDA ANG MAGNA CARTA OF FILIPINO SEAFARERSIpinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez ang...
05/04/2025

HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ, IBINIDA ANG MAGNA CARTA OF FILIPINO SEAFARERS

Ipinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasabatas ng House Bill No. 7325 o Republic Act No. 12021 o mas kilala bilang Magna Carta of Filipino Seafarers, noong 2024.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, Sabado, Abril 5, "Isang makasaysayang tagumpay para sa ating bansa ang pagsasabatas ng House Bill No. 7325, na ngayon ay ganap nang batas bilang Republic Act No. 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers , na nilagdaan noong Setyembre 2024."

Ayon sa lider ng House of Representatives, ito raw ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkilala, pagbibigay-proteksyon, at pagpapabuti ng kapakanan ng mga marino na maituturing daw na mga modernong bayani ng bayan na patuloy na nag-aambag hindi lamang sa kabuhayan ng kanilang mga pamilya, kundi pati na rin sa pambansang ekonomiya.

"Ang Republic Act No. 12021 ay bunga ng masusing pagtutulungan at walang-sawang dedikasyon ng mga miyembro ng Kongreso na nagsisilbing tunay na tagapagtanggol ng karapatan ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga seafarers na matagal nang nananawagan ng konkretong aksyon at makataong patakaran," aniya pa.

Magtitiyak daw ang batas ng mga karapat-dapat na benepisyo, proteksyon laban sa pang-aabuso, at mga mekanismong magtataguyod sa kanilang dignidad at seguridad habang nasa dagat at maging sa kanilang pagbabalik sa lupa.

"Ang tagumpay na ito ay patunay ng kapangyarihan ng pagkakaisa at malasakit sa paggawa ng mga batas na tunay na may saysay sa buhay ng mamamayan. Sa patuloy na pagtutulungan, mas marami pa tayong magagawa upang mapabuti ang kinabukasan ng bawat Pilipino, saan man siya naroroon," giit pa ng house speaker.



TATLONG PINOY SA BEIJING, INARESTO DAHIL UMANO SA PAG-IISPIYA - CHINESE STATE MEDIAIniulat ng isang Chinese state media ...
04/04/2025

TATLONG PINOY SA BEIJING, INARESTO DAHIL UMANO SA PAG-IISPIYA - CHINESE STATE MEDIA

Iniulat ng isang Chinese state media na tatlong Pilipino ang inaresto sa Beijing dahil sa hinihinalang espionage o pang-eespiya.

Batay pa sa naturang report, nadiskubre ng state security authorities ng China ang kaso ng Filipino espionage.

Lumabas sa imbestigasyon na matagal nang nagmamanman ang Philippine Intelligence Agencies at nangangalap ng impormasyon kaugnay sa military deployments ng nasabing bansa.

Sa ngayon, wala pang pahayag hinggil dito ang Philippine Embassy sa China, Department of Foreign Affairs, Department of National Defense, National Security Council, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.



BARBIE KAI MONTINOLA✨😍PBB Gen 11 4th Big Placer Kai Montinola dazzles at the ABS-CBN Ball 2025 in a stunning Jot Losa go...
04/04/2025

BARBIE KAI MONTINOLA✨😍

PBB Gen 11 4th Big Placer Kai Montinola dazzles at the ABS-CBN Ball 2025 in a stunning Jot Losa gown.

📷 Mark Dookie Ducay via Kai Montinolla/IG



KATHRYN BERNARDO SINGLE PA RIN!Kinumpirma ng Asia's Superstar Kathryn Bernardo na single pa rin siya, ito ang kanyang na...
04/04/2025

KATHRYN BERNARDO SINGLE PA RIN!

Kinumpirma ng Asia's Superstar Kathryn Bernardo na single pa rin siya, ito ang kanyang naging paglilinaw ng tanungin siya tungkol sa status ng kanyang lovelife.

Simple at elegante naman ang naging kasuotan ng aktres sa ginanap na ABS-CBN Ball 2025.



ANDREA PASABOG SA KANYANG OUTFIT✨Hindi nagpakabog si Andrea Brillantes sa pagrampa sa ABSCBNBall 2025.Ginagampanan niya ...
04/04/2025

ANDREA PASABOG SA KANYANG OUTFIT✨

Hindi nagpakabog si Andrea Brillantes sa pagrampa sa ABSCBNBall 2025.

Ginagampanan niya ang karakter na si Fatima sa Batang Quiapo.



VICO SOTTO BINARA NI ATTY. IAN SIABinatikos kamakalawa ni congressional aspirant Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto dahil...
04/04/2025

VICO SOTTO BINARA NI ATTY. IAN SIA

Binatikos kamakalawa ni congressional aspirant Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto dahil sa pangako umano nitong infrastructure projects na walang natupad makalipas ang anim na taong paasa sa mga Pasigueño.



ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS NANGAMPANYA SA ANTIPOLO CITYPinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang campaign...
04/04/2025

ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS NANGAMPANYA SA ANTIPOLO CITY

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang campaign rally ng senatorial slate ng ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ sa Antipolo City ngayong Biyernes, April 4.

Present ang 10 sa 11 kandidato ng ‘Alyansa’ maliban kay dating senador Manny Pacquiao.

📷 Alyansa Para sa Bagong Pilipinas



PASABOG ANG KASEXY-HANNagbahagi ang aktres na si Ivana Alawi ng mapangahas na larawan sa kanyang latest Instagram post. ...
03/04/2025

PASABOG ANG KASEXY-HAN

Nagbahagi ang aktres na si Ivana Alawi ng mapangahas na larawan sa kanyang latest Instagram post.

“My fantasy 🌹” ani Ivana sa kanyang caption.

📸 ivanaalawi IG



Address

Aberdeen
Novaliches
1106

Telephone

+639454339960

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Forum Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Forum Pilipinas:

Share