Adrian S.Tiburcio ast

Adrian S.Tiburcio ast absolutely i love to start my day with a healthy nutritious coffee♥️

John 10:27-30Jesus said: "I and the father are one"..
16/07/2024

John 10:27-30
Jesus said: "I and the father are one"..

21/09/2023

Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina;’ at Ang magsalita ng masama sa ama o sa ina, ay dapat mamatay' - Mateo 15:4
Hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi." - Mateo 15:11
Ngunit sumagot siya at sinabi, "Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin. - Mateo 15:13
Sapagkat nagmumula sa puso ang masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paglapastangan. - Mateo 15:19

14/09/2023

Dinala nila sa kanya ang isang lumpo na nakaratay sa isang higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa lumpo, "Anak, lakasan mo ang iyong loob, pinatatawad na ang iyong mga kasalanan." - Mateo 9:2
Kaya, humayo kayo at pag-aralan ninyo kung ano ang kahulugan nito: 'Habag ang ibig ko, at hindi handog.' Sapagkat hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan." - Mateo 9:13
Ngunit nang marinig niya ito ay sinabi niya, 'Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. - Mateo 9:12
Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, "Tunay na napakarami ng aanihin, ngunit kakaunti ang manggagawa; - Mateo 9:37

Nakaka ngasim
14/09/2023

Nakaka ngasim

Cotton fruit 😋

13/09/2023

"Huwag humatol upang hindi kayo mahatulan. - Mateo 7:1
Sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo; at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo. - Mateo 7:2
"Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo, tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan. - Mateo 7:7
Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakakatagpo; at ang tumuruktok ay pinagbubuksan. - Mateo 7:8
"Hindi lahat ng nagsasabi sa akin 'Panginoon, Panginoon', ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. - Mateo 7:21

12/09/2023

"Mag-ingat kayo na huwag ninyong gawin ang inyong kabanalan sa harap ng mga tao upang makita nila. Sapagkat kung gayon, wala kayong gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit. - Mateo 6:1
"Kaya, kapag ikaw ay naglilimos, huwag kang magpapatunog ng trumpeta sa harapan mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang papurihan sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. - Mateo 6:2
Ngunit kapag ikaw ay naglilimos, huwag mong hayaang malaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay, - Mateo 6:3
upang maging lihim ang iyong paglilimos; at ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim ay gagantimpalaan ka. - Mateo 6:4
"At kapag kayo ay nananalangin, huwag kayong maging tulad sa mga mapagkunwari; sapagkat ibig nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. - Mateo 6:5
Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara mo ng iyong pinto ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim ay gagantimpalaan ka.' - Mateo 6:6
"At sa pananalangin ay huwag kayong gumamit ng walang kabuluhang paulit-ulit, na tulad ng ginagawa ng mga Hentil, sapagkat inaakala nilang sila ay pakikinggan dahil sa marami nilang salita. - Mateo 6:7
Huwag nga kayong tumulad sa kanila, sapagkat alam na ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago pa kayo humingi sa kanya. - Mateo 6:8

31/08/2023

Kaya't muling sinabi sa kanila ni Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ako ang pintuan ng mga tupa. - Juan 10:7
Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas, at papasok at lalabas, at makakatagpo ng pastulan. - Juan 10:9
Ako ang mabuting pastol. Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. - Juan 10:11
Ako at ang Ama ay iisa." - Juan 10:30

23/08/2023

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang p**t ng Diyos ay nananatili sa kanya. - Juan 3:36

Mga kaibigan Payakap nmn po eto palang follower ko oh🙏🙏🙏🙏🙏😭😭😭😭 pa follow nmn po ako❤️❤️❤️❤️
23/08/2023

Mga kaibigan Payakap nmn po eto palang follower ko oh🙏🙏🙏🙏🙏😭😭😭😭 pa follow nmn po ako❤️❤️❤️❤️

22/08/2023

Sapagkat ang bawat isa na gumagawa ng masama ay napop**t sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang ang kanyang mga gawa ay huwag malantad. - Juan 3:20
Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang malinaw na mahayag na ang kanyang mga gawa ay naaayon sa Diyos." - Juan 3:21

22/08/2023

Sumagot sa kanya si Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa iyo, 'Malibang ang isang tao'y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.'" - Juan 3:3
Sinabi sa kanya ni Nicodemo, "Paanong maipapanganak ang isang tao kung siya'y matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa tiyan ng kanyang ina, at ipanganak?" - Juan 3:4
Sumagot si Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa iyo, malibang ang isang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. - Juan 3:5
Ang ipinanganak ng laman ay laman at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu. - Juan 3:6
Huwag kang magtaka na aking sinabi sa iyo, 'Kailangang kayo'y ipanganak na muli.' - Juan 3:7

Address

Quezon City

Telephone

+639058016275

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Adrian S.Tiburcio ast posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Adrian S.Tiburcio ast:

Share