28/11/2025
Hindi madali maging isang ina—kaya hindi mo pwedeng sabihing “walang kwenta” sa isang relasyon.
Hindi maiiwasan minsan na may Mister na nagsusumbat na “nasa bahay lang” daw si misis at “hindi kumikita.” Pero may isang misis na tumindig at sinabi ang totoo:
Hindi porke lalaki ang kumikita, sila lang ang may karapatang mapagod.
Dahil sa katotohanan, ang pagiging asawa at ina ay trabaho na walang day-off, walang overtime pay, at walang sahod—pero buong puso.
Para sa mga Mister na puro sumbat:
Bago mo pa nakilala ang asawa mo, may trabaho rin ‘yan. Pero nang magkakaanak kayo, mas pinili niyang unahin ang pamilya.
Simula pa lang ng pagdadalang-tao, siya na ang unang napagod.
At mula nang isilang ang anak ninyo, 24/7 na ang trabaho niya—gawaing bahay, pag-aalaga, pagtataguyod ng tahanan.
Ang pinagkaiba lang?
Ikaw may sahod.
Siya wala.
Pero hindi ibig sabihin noon na mas mabigat ang pagod mo.
Isipin mo ‘to:
Ikaw, pag-uwi mo, kakain ka na lang—lahat nakahanda na. May oras ka para humiga, magpahinga, mag-cellphone.
Si misis? Nasa lababo pa. Naghuhugas, naglilinis, nagbabantay ng anak na hindi pa rin inaantok habang ikaw ay mahimbing nang natutulog.
Kaya bago ka manumbat, isipin mo rin ang pagod niya.
Mas pagod siya—ang pinagkaiba lang, wala siyang sahod… pero may pagmamahal.
Tandaan:
Ang pamilya ay commitment at responsibilidad.
Pareho kayong napapagod kaya dapat pareho rin kayong nagpapahalaga.
Ipakita mo sa asawa mo na mahalaga siya, na appreciated siya, at hindi siya invisible sa sarili niyang pamilya.