13/02/2026
๐ฆ๐๐ก ๐๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ง ๐๐๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ, ๐ฆ๐๐ก๐๐-๐ฃ๐จ๐ช๐๐ฅ๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐ก ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐ฆ!
โ๏ธ: Lara
๐ธ: Lara, Retzel, & Alkiannerylle
๐ผ๏ธ: K.J.
Kabilang sa mga kalahok na pribadong paaralan ang Center for Positive Future, Inc. (CPF) sa idinaos na NEPRISSAA Fun Games nitong ika-8 ng Enero sa Living Water Colleges, Inc, Bongabon, Nueva Ecija.
Sumiklab ang opensiba ng tambalang Lara Jae San Gabriel at Krisha Fem O. Castor ng CPF laban kina Yohen Pilayan at Anjie Tolentino ng Living Water Essential Colleges, Inc. sa unang laban pa lamang. Sa gitna ng mahangin na kundisyon, agad nilang sinunggaban ang kontrol ng laban, inilista ang panalo sa Set 1, 11โ7, at sinundan ng mas matinding dominasyon sa Set 2, 11โ5.
Sa ikalawang laban, lalong tumalas ang atake ng San GabrielโCastor tandem sa sagupaan kontra kina Lhia Duldulao at Annica Sealmon ng Gabaldon Essential Academy, Inc. Bagamaโt nakuha ng GEA ang unang puntos, mabilis itong binura ng CPF sa Set 1, 11โ7, bago tuluyang durugin ang oposisyon sa Set 2, 11โ4. Walang puwang ang pag-atrasโtuluyang sinelyuhan ng CPF ang pag-usad sa semi-finals.
Sa semi-finals naman, itinapat ang CPF sa mabangis na tambalan nina Janeya Gabrielle Santos at Claire De Castro ng Saint Rose of Lima Catholic School. Lumaban nang buong tapang ang San GabrielโCastor duo ngunit kinapos matapos bumigay sa Set 1, 8โ11, at muling napasuko sa Set 2, 7โ11. Sa kabila ng pagkatalo, tumindig ang CPF bilang pang tatlong puwesto at matagumpay na nasungkit ang bronze na medalya.