The Scribe

The Scribe The official student publication page of Bonifacio V. Romero High School-Senior High School

"We tell everything by writing"

BE A CAMPUS JOURNALIST! Do you have a strong interest in science, sports, or the news? Do you have a talent for telling ...
01/06/2025

BE A CAMPUS JOURNALIST!

Do you have a strong interest in science, sports, or the news? Do you have a talent for telling stories or capturing special moments through photography? Become a member of our campus journalism team and discover the fascinating realm of media!

Positions/Categories Available (English and Filipino):

• News Writer: Be the one to cover breaking news and events on campus.

• Feature Writer: Explore in-depth stories that are important, such as issues on campus or student profiles.

• Sports Writer: Cover thrilling sports events and share the latest scores and highlights.

• Science Writer: Discover the scientific and technological marvels that are taking place on campus.

• Editorial Writer: Voice your opinions on important topics and spark campus-wide discussions.

• Editorial Cartoonist: Start giving our publication some humor and insight by illustrating your ideas.

• Photojournalist: Through your lens, capture priceless moments and bring tales to life.

• Copyreading and Headline Writer: Polish articles to perfection and create attention-grabbing headlines.

Interested? Email your writing sample ([email protected]) You may likewise submit directly the sample article at BVRHS-SHS campus and look for Mr. JUSTINE G. HERNANDEZ . Don’t miss this opportunity to make your mark on campus journalism!

Come help us shape our campus community's voice!

𝙱𝙰𝙻𝙸𝚃𝙰| 𝚃𝙷𝙴 𝚂𝙲𝚁𝙸𝙱𝙴: 𝚄𝙽𝙰𝙽𝙶 𝙿𝙰𝙷𝙰𝚈𝙰𝙶𝙰𝙽 𝙽𝙶 𝙱𝚅𝚁𝙷𝚂-𝚂𝙷𝚂, 𝙸𝚂𝙸𝙽𝙸𝙻𝙰𝙽𝙶 𝙽𝙰!Matagumpay na nailathala sa kauna-unahang pagkakataon ang...
12/03/2025

𝙱𝙰𝙻𝙸𝚃𝙰| 𝚃𝙷𝙴 𝚂𝙲𝚁𝙸𝙱𝙴: 𝚄𝙽𝙰𝙽𝙶 𝙿𝙰𝙷𝙰𝚈𝙰𝙶𝙰𝙽 𝙽𝙶 𝙱𝚅𝚁𝙷𝚂-𝚂𝙷𝚂, 𝙸𝚂𝙸𝙽𝙸𝙻𝙰𝙽𝙶 𝙽𝙰!

Matagumpay na nailathala sa kauna-unahang pagkakataon ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Senior High School ng Bonifacio V. Romero High School, ang "The Scribe."

Pinangunahan ng iba't ibang mahuhusay na manunulat ang bawat pahina: si Gabriella Patungan para sa news page, Nicole Savage para sa editorial page, Cassandra Bungque at Eowyn Angela B. Alfon para sa feature page, sina Eims Datu, Mary Ann Alvario, at Rhaven Gonzales para sa literary page, at sina Catherine Patungan, Alrhenette David, at Jhaztin Ralph Sevilla para sa sports page.

Para kay Catherine Patungan, isang first-time journalist, hindi naging madali ang pagsabayin ang pagsusulat ng artikulo at mga gawain sa klase, ngunit hindi siya sumuko, “There was a time when I doubted my own capability, wondering if my writing would meet the standards of sports journalism. Despite the doubts, my determination put me to work to accomplish the given task, and I was happy about it.”

Samantala, ibinahagi ni Nicole Savage ang hamon ng pagiging isang editorial writer, kung saan kinakailangan niyang balansehin ang personal na pananaw at malalim na pananaliksik, “Opinion pieces forced me to consider the power of my words as my writing could dictate the thinking of others on significant issues. Despite these challenges, this experience has groomed me in writing and thinking, learning importan lessons in research, clarity, and thoughtful communication.”

Ang paglulunsad ng "The Scribe" ay patunay ng dedikasyon ng mga batang mamamahayag ng BVRHS-SHS sa paghahatid ng makabuluhang impormasyon at pagpapalaganap ng malayang pamamahayag sa loob ng paaralan.

Sa likod ng bawat pahina ng pahayagang ito ay hindi lamang tinta at papel, kundi kwento ng pagsisikap, pangarap, at ang tinig ng bagong henerasyon ng Romerians.

ULAT | Gabriella B. Patungan

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨| 𝑳𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒉𝒆𝒆𝒑 — 𝑮. 𝑪𝒆𝒄𝒊𝒍𝒆 𝑪𝒂𝒑𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈Inilarawan ni G. Cecile Capulong, isang tagapagsalita sa isinagawang Lea...
16/12/2024

𝑩𝑨𝑳𝑰𝑻𝑨| 𝑳𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒉𝒆𝒆𝒑 — 𝑮. 𝑪𝒆𝒄𝒊𝒍𝒆 𝑪𝒂𝒑𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈

Inilarawan ni G. Cecile Capulong, isang tagapagsalita sa isinagawang Leadership Training, ang mga dumalo bilang "pinuno ng mga tupa"—isang malalim na metapora na naglalarawan sa papel ng isang lider sa kanilang nasasakupan.

“Ang mga tupa, mabilis makalimot at madalas na nahuhulog sa mga bangin,” giit niya, na nagbibigay-diin sa likas na kahinaan ng mga tagasunod na nangangailangan ng matatag at maalam na pamumuno.

Ayon sa kanya, ang mga tupa ay sumisimbolo sa mga estudyante—mga indibidwal na madalas naliligaw ng landas at nangangailangan ng isang lider na magpapakita ng tamang direksyon at sasagip sa kanila mula sa mga pagsubok ng buhay.

Sa kanyang makabuluhang talumpati, masinsinan niyang tinalakay ang kahalagahan ng effective communication skills at conflict resolution bilang mahalagang aspeto ng pamumuno.

Bahagi ng kanyang sesyon ang pagpapalabas ng isang maikling pelikula na nagbigay-diin sa esensya ng pagkakaisa at pagtutulungan.

“Kapag narealize natin ang kahalagahan ng pagtutulungan, doon nagkakaroon ng kulay at kahulugan ang ating buhay,” aniya, na nag-iwan ng malalim na pagninilay sa mga kabataang lider.

Bukod kay G. Capulong, nagbahagi rin ng mahalagang kaalaman si Gng. Michelle Alonzo, na tumalakay sa konsepto ng time management.

Aniya, “It is not about doing more, but doing what truly matters,” na nagbigay-liwanag sa kahalagahan ng tamang pagpaplano at pagtatakda ng prayoridad upang magtagumpay sa buhay.

Ang programang ito ay naglalayong palalimin ang kakayahan ng mga kabataang lider sa iba’t ibang aspeto ng pamumuno, kabilang na ang masining na pakikipagtalastasan, maayos na pagresolba ng alitan, at epektibong pamamahala ng oras.

ULAT | Gabriella B. Patungan
LARAWAN | Eowyn Angela B. Alfon

𝙻𝙰𝚃𝙷𝙰𝙻𝙰𝙸𝙽: 𝑳𝒊𝒉𝒊𝒎 𝒔𝒂 𝑼𝒑𝒖𝒂𝒏“𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢-𝘶𝘱𝘰, 𝘴𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢𝘸, 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 ...
13/12/2024

𝙻𝙰𝚃𝙷𝙰𝙻𝙰𝙸𝙽: 𝑳𝒊𝒉𝒊𝒎 𝒔𝒂 𝑼𝒑𝒖𝒂𝒏

“𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢-𝘶𝘱𝘰, 𝘴𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢𝘸, 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘰.

Ngunit bakit tila ang upuang ito’y naging trono ng kasakiman? Sa entablado ng buhay, laging may bida, ngunit sa likod ng tabing, may kwento ng agila ng salaping walang habas na kumakampay. Habang ang nasa taas ay patuloy sa pag-angat, ang nasa ilalim ay nananatiling nakakulong sa mga pangarap na ginawang panandaliang pangako.

Sa pook na puno ng kwento, may isang upuan na tila alingawngaw ng kasaysayan. Hindi ito basta gawa sa kahoy o bakal, kundi sa mga pangakong naiwang nakabitin at pangarap na ginawang puhunan. Sa likod ng bawat ngiti at palakpak, may mga lihim na gumagapang sa dilim, tinatakpan ng makintab na salapi.

Sa bawat pitik ng barya, nagiging mas malinaw ang distansya ng nasa taas at nasa baba. Ang mga papel na dumadaan sa kamay ay may kasamang lihim na hindi mababasa ng mata ng karaniwang tao. Habang patuloy ang siklo ng pag-abuso, ang tanong ng masa’y nananatiling tahimik na awit sa hangin.

Habang umiikot ang tatsulok, nananatiling tanong kung sino ang tunay na may hawak ng kapangyarihan. Ang mga nasa itaas ay parang lilim ng matayog na puno—nakakasilaw, ngunit hindi nagbibigay liwanag. Sa ilalim ng agos ng kasaysayan, ang masa’y nag-aabang, hindi lamang ng hustisya, kundi ng pagkakataong makalaya mula sa nakagapos na kalakaran.

Ito ang pamana ng nakaraan, tila sumpa sa kasalukuyan. Ang ukit ng salapi at upuan sa ating sistema ay hindi lamang tanda ng tagumpay kundi ng kawalan ng hustisya. Hanggang kailan mananatili sa gilid ang mga nagbubungkal ng lupa habang ang iilan ay nasa tuktok ng tatsulok?

Sa bawat ikot ng tatsulok, laging may naaapak at may naaangat. Ngunit hindi habambuhay ay mananatili ang kalagayan ng nasa ilalim. Darating ang panahon na ang mga upuang simbolo ng kapangyarihan ay yayanig sa sigaw ng hustisya. At sa araw na iyon, ang masa’y hindi na maghihintay—bagkus sila mismo ang babasag sa kalakaran at mag-uukit ng bagong kuwento sa kasaysayan.

SULAT: Cassandra Bungque
DIBUHO: Mischa Alonzo

CREATIVE WRITING: POSTER AND SHORT FILM MAKING12-GARCIA/HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCESUnspoken words, unforgettable mome...
29/11/2024

CREATIVE WRITING: POSTER AND SHORT FILM MAKING
12-GARCIA/HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES

Unspoken words, unforgettable moments. A heart-wrenching exploration of love, loss, and the power of unspoken emotions. Behind every unspoken word, a journey to discover the secrets that words can't express. Prepare for twists, turns, and revelations. Let's uncover the secrets left unspoken! Prepare for an emotional journey that will leave you breathless!!

Express your love, support, and appreciation by pressing❤️ reaction!

Here’s how it works:
1. Follow our page, "The Scribe" the official student publication page of BVRHS-SHS
2. React ❤️ and share the photo and video of the poster and film.
3. The post with the highest total HEART reactions wins the BEST POSTER AND SHORT FILM AWARD.

CREATIVE WRITING: POSTER AND SHORT FILM MAKING12-MAGSAYSAY/HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCESGet ready for the ultimate thri...
29/11/2024

CREATIVE WRITING: POSTER AND SHORT FILM MAKING
12-MAGSAYSAY/HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES

Get ready for the ultimate thrill ride with Invitation to Hell—a terrifying journey where one simple invitation leads to unimaginable horrors. Brace yourself for heart-pounding suspense, eerie twists, and a journey into darkness.

ARE YOU BRAVE ENOUGH TO ACCEPT THE INVITATION?

Express your love, support, and appreciation by pressing❤️ reaction!

Here’s how it works:
1. Follow our page, "The Scribe" the official student publication page of BVRHS-SHS
2. React ❤️ and share the photo and video of the poster and film.
3. The post with the highest total HEART reactions wins the BEST POSTER AND SHORT FILM AWARD.

19/10/2024
“𝙳𝙰𝙺𝙸𝙻𝙰 𝙺𝙰” 𝚗𝚒 𝙲𝚊𝚜𝚜𝚊𝚗𝚍𝚛𝚊 𝙲. 𝙱𝚞𝚗𝚐𝚚𝚞𝚎 𝚊𝚝 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜 𝙿. 𝙻𝚘𝚙𝚎𝚣Oktubre a singko,Araw ng mga g**o'y ginugunita;G**o na ang pagka...
05/10/2024

“𝙳𝙰𝙺𝙸𝙻𝙰 𝙺𝙰”
𝚗𝚒 𝙲𝚊𝚜𝚜𝚊𝚗𝚍𝚛𝚊 𝙲. 𝙱𝚞𝚗𝚐𝚚𝚞𝚎 𝚊𝚝 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜 𝙿. 𝙻𝚘𝚙𝚎𝚣

Oktubre a singko,
Araw ng mga g**o'y ginugunita;
G**o na ang pagkakahulugan ng iba'y taga-turo,
Tagapagbigay ng impormasyon sa mga batang gustong matuto.
Bagaman sa kagaya kong natuto, hindi lamang sila bastang g**ong taga-turo.

Silang gumagabay sa landas ng dunong at ligaya,
Sa bawat tanong, sila'y nagbibigay liwanag na sagana;
Sila'y haligi ng karunungan at pag-asa,
Silang nagtuturo ng sipag, tiyaga, at lakas ng loob na dakila.

Sa kanilang mga mata, nakikita ang tagumpay
Ng bawat estudyanteng muling bumabangon, nagsusumikap na tunay.
Sa kanilang mga kamay, hinuhubog ang kinabukasan;
Ang mga g**o, gabay sa landas ng kagaya kong kabataan.

Mga taong ‘di tayo sinukuan kahit minsan,
Mga taong nagsilbing hagdan upang makamit ang tuktok ng ating kinabukasan,
Mga tao na ultimo kinabukasan ng kabataan kanila'y pasan-pasan.
Ang taong ito ay walang iba kundi ang mga superhero ng ating bayan.

Sa loob ng maikling pagsasamahan sa paaralan,
Kung saan buong puso'y kaming pinagsilbihan,
Kalakip nito'y sa amin ay kailangan nang mamaalam.
Ngunit umalis ka man, nakatatak ka pa rin sa aming puso't isipan.

Ang araw na ito’y para sa iyo, g**o,
Mga aral mong sa amin ay nagturo.
Sa bawat sandali ng pagsusumikap mo,
Ang mundo’y nagbigay liwanag sa aming ginto.

"𝙻𝚒𝚠𝚊𝚗𝚊𝚐 𝚗𝚐 𝙿𝚊𝚐𝚝𝚞𝚝𝚞𝚛𝚘"  𝚗𝚒 𝙰𝚗𝚐𝚎𝚕 𝙼𝚒𝚜𝚌𝚑𝚊 𝙲. 𝙰𝚕𝚘𝚗𝚣𝚘Sa araw na ito, aming ginugunita, Ang iyong mga sakripisyo, hindi matut...
05/10/2024

"𝙻𝚒𝚠𝚊𝚗𝚊𝚐 𝚗𝚐 𝙿𝚊𝚐𝚝𝚞𝚝𝚞𝚛𝚘"
𝚗𝚒 𝙰𝚗𝚐𝚎𝚕 𝙼𝚒𝚜𝚌𝚑𝚊 𝙲. 𝙰𝚕𝚘𝚗𝚣𝚘

Sa araw na ito, aming ginugunita,
Ang iyong mga sakripisyo, hindi matutumbasan.
Sa bawat araw ng inyong pagtuturo,
Inyong nahuhubog ang aming pagkatuto,
Ikaw ang aming ilaw, sa dilim ay tagapagturo.

Sa hirap ng aralin, di ka nag-atubiling tumulong,
Sa bawat bigat, kayo ang bumuhat.
Sa inyong mga kamay, hinuhubog ang kinabukasan,
G**o, ikaw ang aming inspirasyon at pangarap na katuwang.

Sa bawat iyak, kayo ang pumapadyak,
upang inangat kami,sa mataas naming mga pangarap .
Sa aming tagumpay, ikaw ang kaagapay.
Sa Araw ng mga G**o, tanging pasasalamat,
Ang iyong dedikasyon, aming pahalagahan nang lubos.

Sa mga kwento mong puno ng aral,
Kami’y natutong mangarap, lumipad nang mataas.
Pag tuturo nyong makulay, aming natanaw ang bukang liwayway,
Sa mga oras na kami ay nadadapa, nagawang kami ay iahon kahit kayo rin ay nag kakandarapa

Kaya’t sa araw na ito, kami’y nagtitipon,
At aming tinitipon, ang aming mararangal na teacher mula sa BVRHS na aming pangalawang tahanan at pamilya.
Ang iyong mga pangalan, sa aming puso’y nakaukit.
Salamat, mga G**o, sa iyong walang sawang pagmamahal,
Sa iyong mga gabay, kami’y patuloy na aangat sa bawat hakbang.

"𝚂𝚑𝚒𝚗𝚒𝚗𝚐 𝚃𝚎𝚊𝚌𝚑𝚎𝚛𝚜, 𝙱𝚛𝚒𝚐𝚑𝚝 𝙵𝚞𝚝𝚞𝚛𝚎𝚜"   𝙴𝙼𝙸𝙻𝚈 𝙽𝙸𝙲𝙾𝙻𝙴 𝙼. 𝚂𝙰𝚅𝙰𝙶𝙴  On this Special Day, we gather to say, Thank you, Teachers,...
05/10/2024

"𝚂𝚑𝚒𝚗𝚒𝚗𝚐 𝚃𝚎𝚊𝚌𝚑𝚎𝚛𝚜, 𝙱𝚛𝚒𝚐𝚑𝚝 𝙵𝚞𝚝𝚞𝚛𝚎𝚜"
𝙴𝙼𝙸𝙻𝚈 𝙽𝙸𝙲𝙾𝙻𝙴 𝙼. 𝚂𝙰𝚅𝙰𝙶𝙴

On this Special Day, we gather to say,
Thank you, Teachers, for guiding us day after day.
You light up our minds with your endless care,
Creating a space where we’re free to share.

With stories and laughter, you spark our dreams,
Turning the mundane into vibrant themes.
You see our potential, you help it bloom,
Creating a haven, a vibrant room.

Your guidance is steady, your wisdom is profound,
In the journey of learning, you’re always around.
So, here’s our salute to the gifts that you give,
For shaping our lives and teaching us how to live.

You see the spark in every curious mind,
Encouraging us to be bold and kind.
With patience and passion, you light up the way,
Turning challenges into lessons each day.

Thank you, our Mentors, our Second Parents,
For helping us throughout the
years.
With heartfelt thanks, we celebrate you,
For all that you are and all that you do.
Thank you, Teachers, Of BVRHS for bringing knowledge and positivity in our school.

𝙰𝚙𝚊𝚝 𝚗𝚊 𝙻𝚎𝚝𝚛𝚊𝚗𝚒 𝙴𝚒𝚖𝚜 𝚉𝚑𝚢𝚛𝚎𝚕𝚕𝚎 𝙳𝚊𝚝𝚞"G**o" apat na letra sila ang mga taong magaling magturo, Sila ang isa sa mga dahilan ...
05/10/2024

𝙰𝚙𝚊𝚝 𝚗𝚊 𝙻𝚎𝚝𝚛𝚊
𝚗𝚒 𝙴𝚒𝚖𝚜 𝚉𝚑𝚢𝚛𝚎𝚕𝚕𝚎 𝙳𝚊𝚝𝚞

"G**o" apat na letra sila ang mga taong magaling magturo,
Sila ang isa sa mga dahilan kaya ang mga isipan ng kabataan ay umusbong at lumalago.

Hindi lamang sila tagapagturo kundi sila rin ay tagapayo ,
Sa bawat problema nakaantabay ng buong puso,

Kailanman ay hindi sila susuko.
O kay tamis magkaroon ng pangalawang magulang pero tawag ay G**o.

Sa bawat leksyon, puso'y nagiging matibay,
Salamat sa inyo, kami'y lumalaban ng sabay.
Sa mga aral na sa amin ay inyong isinisiksik,
kayo ang pundasyon ng aming mga pangarap na tahimik.

Ipinagpapasalamat namin ang bawat oras at araw,
Sa pagbibigay sa aming kaisipan na sa kaalman ay uhaw.
Namumutawi sa puso't isipan,
Mga kataga na inyong iniwan.

Salamat, g**o, sa inyong walang sawang gabay,
Kasama namin kayo sa aming
paglalakbay,
Hanggang kami'y umunlad at magtagumpay.

𝑻𝑬𝑨𝑪𝑯𝑬𝑹 𝑭𝑶𝑹 𝑻𝑯𝑬 𝑫𝑨𝒀: 𝑴𝑹𝑺. 𝑭𝑬𝑳𝑰𝑪𝑰𝑫𝑨𝑫 𝑨. 𝑰𝑮𝑵𝑨𝑪𝑰𝑶Celebrating National Teachers' Month: Honoring Dedication and Inspiring Ex...
05/10/2024

𝑻𝑬𝑨𝑪𝑯𝑬𝑹 𝑭𝑶𝑹 𝑻𝑯𝑬 𝑫𝑨𝒀: 𝑴𝑹𝑺. 𝑭𝑬𝑳𝑰𝑪𝑰𝑫𝑨𝑫 𝑨. 𝑰𝑮𝑵𝑨𝑪𝑰𝑶

Celebrating National Teachers' Month: Honoring Dedication and Inspiring Excellence

Meet your TEACHER FOR THE DAY!


Address

Nueva Vizcaya

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Scribe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share