
04/07/2025
RABIES 101: MGA DAPAT MONG MALAMAN PARA SA IYONG KALIGTASAN 🐶💉
“Hindi totoo na may rabies agad ang lahat ng a*o. At bawang? Hindi gamot sa rabies!”
Isang viral na post mula sa isang medical professional ang nagbigay linaw tungkol sa rabies — isang delikado at nakakamatay na sakit na nagiging dahilan ng takot at maling akala para sa marami.
🧠 Ano ang Rabies?
Ang rabies ay isang virus (Rhabdovirus) na naaapektuhan ang utak at central nervous system. Hindi ito inborn — ibig sabihin, hindi lahat ng a*o o tuta ay may rabies sa simula pa lang. Nagkakaroon lamang sila ng rabies kapag nakagat din sila ng ibang hayop na infected gaya ng a*ong gala, pusa, racoon o paniki.
💡 FAKTA AT KALINAWAN:
✅ Ang rabies ay hindi nakukuha sa maduming pagkain o basura.
✅ Hindi totoo na mas malakas ang rabies ng tuta kaysa sa matandang a*o.
✅ Ang a*o na may rabies ay hindi tatagal ng lampas 2 linggo — mamamatay ito dahil inaapektuhan na ang utak.
✅ Kapag nakagat ka ng sariling alagang a*o na malusog, nasa bahay lang at may bakuna — malamang, wala itong rabies.
🩸ANO ANG GAGAWIN PAG NAKAGAT O NAKALMOT NG A*O O PUSA?
Hugasan agad ang sugat ng sabon at umaagos na tubig.
Magpa anti-tetanus vaccine para maiwasan ang bacterial infection.
Obserbahan ang a*o ng 10–14 araw.
Kapag hindi ito namatay o nagpakita ng sintomas, mababang posibilidad na may rabies.
Kung a*ong gala ang nakagat sayo, o hindi mo alaga — magpa rabies vaccine ka agad.
🔍 Oo, may rabies din ang kalmot — pero hindi dahil sa kuko. Dahil ito sa laway ng hayop na posibleng naidikit sa kamay/paa nila.
🚫 BAWANG? S**A? HINDI PO GAMOT SA RABIES.
Walang scientific basis na nakagagamot ang mga ito. Wag maniwala sa sabi-sabi. Rabies is fatal — once symptomatic, wala na itong lunas. Kaya prevention is key.
🗣️ PAALALA SA MGA PET OWNERS:
✅ Bakunahan ang mga alagang hayop.
✅ Iwasang palabasin nang walang supervision.
✅ Turuan ang mga bata kung paano mag-handle ng hayop.
🙌 Magsilbing aral ito sa lahat. Ang tamang kaalaman, makapagliligtas ng buhay