Da Vinci Quotes

Da Vinci Quotes Mananatiling Ikaw ang paksa, Sa mga isinulat kung tula.

28/09/2025

It is better to be feared than loved, for love is fickle and bound by fragile gratitude while fear endures through the certainty of punishment. A wise man rules with reason, not emotion, for the heart deceives but the mind secures power. Use your mind, and fear will guard what love cannot.

-DaVinciQuotes

23/09/2025

I felt sad, but moving on is wiser than being foolish for someone who can’t truly love you.

- DaVinciQuotes

Alam kong ika’y hindi kailanman magiging akin, ngunit ang sarap pa ring isipin.
02/09/2025

Alam kong ika’y hindi kailanman magiging akin, ngunit ang sarap pa ring isipin.

18/08/2025

Binibini, Sana kapag nagkulang ang iyong ginoo, Wag mo hanapin sa iba.

-Jose Rizal

09/08/2025

Isa Lang - Arthur Nery

"Isa Lang" by Arthur Nery signifies a deep, committed love and desire for a single person. The song expresses the longing for a reciprocated love and the wish to be with that one special person. It's a declaration of choosing one person above all others, offering affection and support without hesitation.

-DaVinciQuotes

08/08/2025

"May Gusto ako Sayo"

Kung sa bawat paglapit moy nadarama mo,
Ang pag igting ng aking pag hinga sanay,
Basahin mo ang damdaming di masabi,
Sapagkat ang nararamdaman ko'y hindi biro,
Ito'y paghangang lumalalim sa katahimikan,
Isang damdaming pilit kong iniingatan,
Gaya ng lihim ng rosaryong iniipit sa dibdib tuwing dasal.

-DaVinciQuotes

08/08/2025

"Sigaw ng Pusong Tahimik"

Isang damdaming pilit kong itinatanggi,
Ang ngayoy tahimik na umiigib ng luha sa bawat pag idlip,
Sa bawat pagtahak ng buwan sa langit ikaw ang tangi kong tanaw,
Isang bituwing kailanmay hindi kayang abutin ng aking mga dasal,

Hindi mo man alam araw-araw kitang kinakausap sa katahimikan,
Sa gitna ng mga tawa ng ingay ng mundo,
Ikaw pa rin ang sigaw ng puso kong kay tagal ng nagmamahal,
Kahit hindi pinapansin kahit hindi mo ito kayang ibalik.

-DaVinciQuotes

07/08/2025

Happiness - Rex Orange County

"Happiness" by Rex Orange County explores the complexities of love, acceptance, and enduring relationships. The song delves into themes of unconditional love, vulnerability, and the desire for reassurance that love will last even through imperfections and aging.

-DaVinciQuotes

05/08/2025

All I want is you.

01/08/2025

"Sayaw na Walang Tugma"

Paano ko iibigin ang di naging akin,
Isang multo sa silid na walang alaala’t lambing,
Walang kamay na hinawakan, walang halik na dumampi,
Ngunit bakit ikaw pa rin ang laging humahapdi,

Walang pangakong binitawan, walang sumpang nasira,
Walang alaala ngunit puso’y may kirot pa rin pala,
Sa mga panaginip lang kita nilikha’t minahal,
Paano ko kakalimutan ang di naging akin kailanman,

Ngumiti ka na tila tadhana ang may gawa,
Habang ako’y naiwan sa aninong di makatawid sa pag-ibig na tila bula,
Isinulat kita sa pahinang di ko nasambit,
Isang pusong hiniram mo pero kailanma’y di mo inangkin,

Bawat halakhak na di ko narinig mula sa’yo,
Bawat sulyap na ninakaw ko kahit di mo ito ginusto,
Isang pag-ibig na sigaw ngunit sa katahimikan nakatago,
Paano ko kakalimutan ang sa isip ko lang nabuo,

Di ka naging masama, ni ako’y bulag sa totoo,
Sumayaw lang tayo sa saliw na di tugma ang tugtugin at tempo,
Ngunit ang bigat ng pagkawala mo’y tila paalala’t tanong,

(Paano ko iibigin ang di naging akin?)

-DaVinciQuotes

30/07/2025

(Sa Dulo ng Paghihintay)

Ako'y mag hihintay sa araw man o gabi,
Sa lungkot man o sigla,
Hanggat may tibok itong pusong,
Sa iyo'y nag lilingkod,

Ngunit kung sa dulo ng lahat,
Ay may ibang lalaking magwawagi,
Sa iyong puso ako'y walang alinlangang,
Magpapari upang ipako sa kabanalan,

Ang pusong sayo lamang umiibig,
Sapagkat ikaw giliw ang huling babaeng,
Mamahalin ko sa mundong ito.

- Ibarra

-DaVinciQuotes

30/07/2025

(I love you, but you see me only as a friend.)

Pinili kong itago ang damdaming ito,
Sapagkat kung ang katotohanan,
Ay maging sanhi ng ating paglayo,
Mas nanaisin kong manatili kang kaibigan na lamang,
Kaysa isugal ang pagkakaibigang,
Minsan ng naging tahanan ko.

-DaVinciQuotes

Address

Rizal, Ext
Obrero
8007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Da Vinci Quotes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share