Romblon Sun Online

Romblon Sun Online Romblon Sun Online is the online version of Romblon Sun newpaper based in Odiongan, Romblon.
(4)

We deliver local, national and international news and information to our beloved readers.

DOST, May Hatid na Tulong Para sa mga Negosyo! Palaguin ang Iyong Negosyo sa Tulong ng Teknolohiya! Ikaw ba ay isang bus...
09/12/2025

DOST, May Hatid na Tulong Para sa mga Negosyo! Palaguin ang Iyong Negosyo sa Tulong ng Teknolohiya!

Ikaw ba ay isang business owner na naghahangad mapabilis ang produksyon, mapataas ang kalidad ng produkto, o mapalawak ang operasyon ng iyong negosyo? Baka ikaw na ang susunod na makakatanggap ng suporta mula sa DOST-SETUP!

Ano ang SETUP? Ang Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ay isa sa mga pangunahing programa ng Department of Science and Technology (DOST) na naglalayong tulungan ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na maging mas produktibo at mas mapalakas ang posisyon sa merkado sa pamamagitan ng teknolohiya at inobasyon.

Sa ilalim ng SETUP, maaaring makatanggap ang mga negosyo ng iba’t ibang uri ng tulong, kabilang ang:

1. Tulong Pinansyal (Zero Interest at Walang Collateral) para sa: a. Pagbili ng modernong kagamitan at teknolohiya upang mapahusay ang proseso at serbisyo b. Pagpapagawa ng angkop na packaging at labeling c. Pagsasagawa ng laboratory testing upang masiguro ang kaligtasan at mataas na kalidad ng produkto

2. Mga Pagsasanay upang mapaunlad ang kasanayan at kakayahan ng mga manggagawa

3. Konsultasyon para sa mas mahusay na pagpapalakad ng negosyo at pagpapatibay ng kabuuang sistema ng operasyon
Sino ang maaaring mag-apply? Bukas ang SETUP para sa mga negosyong kabilang sa sumusunod na industriya:

a.) Crop and animal production, hunting, and related services
b.) Forestry and logging c. Fishing and aquaculture
d. Food processing
e.) Beverage manufacturing
f.) Textile manufacturing
g.) Wearing apparel manufacturing
h.) Leather and related products manufacturing
i.) Wood and cork products manufacturing
j.) Paper and paper products manufacturing
k.) Chemicals and chemical products manufacturing
l.) Basic pharmaceutical products and pharmaceutical preparations manufacturing
m.) Rubber and plastic products manufacturing
n.) Non-metallic mineral products manufacturing
o.) Machinery and equipment (NEC)
p.) Other transport equipment manufacturing
q.) Furniture manufacturing r.) Information and Communication

Kung ang iyong negosyo ay kabilang dito, baka ito na ang tamang panahon upang umangat at umunlad sa tulong ng teknolohiya!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa aming SETUP Coordinator, Ms. Lyn F. Fruelda, sa 0998-984-4385. Maaari ring bumisita sa aming tanggapan sa JP Laurel St., Brgy. Tabing-Dagat, Odiongan, Romblon.

I-like at i-follow ang aming official page, DOST-PSTO Romblon, upang maging updated sa mga programang hatid ng DOST para sa mas progresibong komunidad at mas maunlad na negosyo.

Lalaki bumangga sa kongkretong poste sa tabi ng kalsada sa Cajidiocan, Romblon, patay CAJIDIOCAN, Romblon - Wala nang bu...
04/12/2025

Lalaki bumangga sa kongkretong poste sa tabi ng kalsada sa Cajidiocan, Romblon, patay

CAJIDIOCAN, Romblon - Wala nang buhay ng datnan ng kanyang mga kasamahan ang isang lalaki na aksidenteng sumalpok sa kongkretong poste sa gilid na kalsada dakong 10:30 kagabi, Disyembre 3, 2025 sa national road ng Sitio Cagban, Barangay Cambalo, Cajidiocan, Romblon.

Kinilala ang biktima na isang 47 taong gulang, may kinakasama, magsasaka at residente ng Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon.

Base sa ulat ng Cajidiocan Municipal Police Station, binabaybay umano ng nakainom ng alak na biktima ang national road mula sa Sitio Canlapia, Barangay Cambalo papuntang Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon at pagdating sa madilim na kurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan umano ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at aksidente itong sumalpok sa kongkretong poste sa gilid ng kalsada.

Tumama umano ang mukha ng biktima sa poste na dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Cajidiocan MPS, napag-alaman na dakong 6:00 ng hapon ng nasabing araw, ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan ay nagkainuman sa Barangay Cambalo.

Natapos umano ang kanilang inuman ganap na10:25 ng gabi at naunang umalis ang biktima na umuwi ng kanilang mga bahay.

At noong dumating ang mga kasamahan ng biktima sa lugar ng insidente ay una nilang nakita ang nakabalandrang motorsiklo ng biktima at ng kanilang usisain ay natagpuan nila ang nakahandusay na biktima at wala nang buhay.

Agad na humingi ng tulong ang grupo sa MDRMMO Cajidiocan kung saan ay mabilis na dinala ang biktima sa Sibuyan District Hospital, ngunit dineklara itong dead on arrival ng sumuri na doktor. (Run Staff)

04/12/2025

Nanalo ng 1 Milyon sa Showtime

04/12/2025
03/12/2025

DPWH flood control project in Brgy. Patoo, Odiongan, Romblon
Sunwest daw ang contraktor. Matibay kaya?

Jeep na may kargang mga baboy sa Magdiwang Romblon, nasunogMAGDIWANG, Romblon - Natupok ang isang jeep na may sakay na m...
28/11/2025

Jeep na may kargang mga baboy sa Magdiwang Romblon, nasunog

MAGDIWANG, Romblon - Natupok ang isang jeep na may sakay na mga baboy, pasado 1:00 ng hapon nitong nakalipas na araw sa Barangay Poblacion, Magdiwang, Romblon.

Kinilala ang may-ari na 49 taong gulang na negosyante, namimili ng baboy, may-asawa, at residente ng Barangay Agtiwa, San Fernando, Romblon.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Magdiwang Municipal Police Station, habang binabaybay ng jeep na may lulan na mga baboy at minamaneho ng may-ari, ang kalyeng P. Burgos papunta sa Barangay Dulangan, Magdiwang, Romblon para kunin pa ang ibang mga baboy, nang mapansin ng may-ari na kumislap ang battery ng sasakyan.

Madaling bumaba ng jeep ang negosyante upang usisain ang makina nang bigla na lang umapoy ang sasakyan hanggang sa unti-unting lumaki ang sunog.

Agad na pinakawalan ng may-ari ang mga baboy na nagtakbuhan sa paligid.

Samantala, kumilos at tumulong naman ang mga tauhan ng MDRRMO at Magdiwang MPS sa pag-sugpo ng apoy gamit ang firetruck na naka himpil malapit sa lugar.

Matagumpay namang naapula ang tuluyang pagkasunog ng sasakyan. (RSun Staff)

Tindahan nilooban ng 4 na menor de edad, pera, paninda at gamit tinangaySAN FERNANDO, Romblon - Pinasok ng apat na menor...
28/11/2025

Tindahan nilooban ng 4 na menor de edad, pera, paninda at gamit tinangay

SAN FERNANDO, Romblon - Pinasok ng apat na menor de edad ang isang tindahan sa Sitio Anahaw, Barangay Otod, San Fernando, Romblon dakong 1:45 ng madaling araw ng Martes, Nobyembre 25, taong kasalukuyan.

Base sa sumbong ng 75 na taong gulang na biktimang may-ari sa San Fernando Municipal Police Station, natutulog umano siya sa kanyang bahay sa Sitio Centro, Barangay Campalingo, San Fernando, Romblon kasama ang kanyang kinakasama nang marinig nito ang alarm notification ng CCTV na nakakabit sa kanilang tindahan.

Pagkatapos marinig ang alarm ay tinawagan nila ang lalaking anak ng biktima upang usisain ang nangyari sa tindahan kung saan ay kinumpirma ng anak ng biktima na pinasok ang tindahan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa pamamagitan ng pagdaan sa kaliwang bahagi ng bintana.

Puwersahan umanong pinagtulungan na hinila at binaluktot ang bakal na window grills ng tindahan upang kumasya sa pagpasok ang mga suspek.

Kinuha umano ng mga suspek ang pera na halagang P30,000.00, mga paninda na nagkahahalaga ng P28,000.00 at mga parsela mula sa Lazada na may kabuuang halaga na P24,000.00.

Sa tulong ng CCTV ay nakilala ang mga suspek na pawang 16 taong gulang, estudyante at pawang residente ng Sitio Anahaw, Barangay Otod, San Fernando, Romblon.

Isinailalim sa kustodiya ng San Fernando MPS ang nahuling mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

Senior citizen natusok sa mata ng sanga ng kahoy na kanyang pinutol, patayCAJIDIOCAN, Romblon - Wala nang buhay ng matag...
28/11/2025

Senior citizen natusok sa mata ng sanga ng kahoy na kanyang pinutol, patay

CAJIDIOCAN, Romblon - Wala nang buhay ng matagpuan sa bundok ang senior citizen na umano'y aksidenteng natusok sa mata ng sanga ng kahoy nitong Lunes ng umaga, sa Sitio Boso-Boso, Barangay Lumbang Este, Cajidiocan, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Cajidiocan Municipal Police Station, kanilang umanong natagpuan ang 63 taong gulang na biktimang magsasaka na residente ng Barangay Lumbang Este, Cajidiocan, Romblon, na nakahandusay malapit sa bagong putol ng puno ng kahoy, habang hawak-hawak pa ang kanyang gulok at may sugat sa kaliwang mata.

Napag-alaman na noong umaga ng Nobyembre 24, humingi umano ng tulong ang asawa ng biktima sa mga lokal na residente dahil ang biktima ay hindi pa nakabalik simula noong nakalipas na araw.

Bago ang naganap ang insidente, dakong 3:00 ng hapon ng Nobyembre 23, umalis umano ang biktima upang magpakain ng kanyang alagang mga kambing sa nasabing lugar at pagkaraan ay pumutol umano ito ng puno ng kahoy.

Habang sa kanyang pagputol ng kahoy ay tumalbog umano ito at aksidenteng tumusok ang sanga ng kahoy sa kaliwang mata ng biktima na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na aksidente ang nasabing nangyari sa kanilang padre de pamilya. (RSUN Staff)

Dating Congressman Co idinawit si PBBM at Cong Romualdez....
16/11/2025

Dating Congressman Co idinawit si PBBM at Cong Romualdez....

Inakusahan ni dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr at kaniyang pinsan na si dating Speaker Martin Romualdez, at ilang miyembro ng Gabinete ng pagpaplano ng umano'y "insertions" na nagkakahalaga ng P100 bilyon sa national budget.

Line man ng TIELCO nakuryente, pataySAN AGUSTIN, Romblon - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lineman ng Tabl...
14/11/2025

Line man ng TIELCO nakuryente, patay

SAN AGUSTIN, Romblon - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lineman ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) matapos itong aksidenteng mahawakan ang isang live wire habang nag-aayos ng linya ng power line sa itaas ng poste kaninang 2:45 ng hapon, Nobyembre 14, 2025 sa Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon.

Kinilala ang biktima na si alyas "Carlo", 40 taong gulang, may-asawa, line man at residente ng Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), ang biktima ay nag-aayos umano ng linya ng koryente sa itaas ng poste ng TIELCO ng aksidenteng nitong mahawakan ang isang live wire.

Agad na isinagawa ang rescue operation at ibinaba ang biktima mula sa itaas ng poste at dinala sa Tablas Island District Hospital ngunit, dineklara itong dead on arrival ng sumuri na doktor. (RSun News)

Address

Atienza Street, Liwayway
Odiongan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Romblon Sun Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Romblon Sun Online:

Share