TAD The True Home of Romblon's Pop Culture πŸŽ₯🎬🎀

18/07/2026

PAHAYAG

Ang naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) ay isang seryosong usapin na nangangailangan ng masusing pagsusuri at agarang atensyon. Bagama’t ang naturang endorsement ay bahagi pa lamang ng mas malawak na proseso at hindi pa pinal na pag-apruba sa proyekto, ang ganitong usapin ay hindi nararapat na idaan sa padalos-dalos na pag-apruba. Ito ay dapat masusing pinag-aralan at binigyan ang mga mamamayan ng pagkakataon na mapakinggan.

Ang biodiversity at ecological significance ng Sibuyan ay likas na kayamanan na kapag nawala ay hindi na basta-bastang maibabalik. Ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat lang sa dami ng mga proyektong naipatutupad, kundi sa kakayahan nating tiyakin na ang pag-unlad ay hindi isinasakripisyo ang kalikasan na siyang pinagmumulan ng buhay at kabuhayan ng ating mga mamamayan.

Nananatiling matatag ang ating paninindigan na ang pag-unlad ng Romblon ay dapat laging kaagapay ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang ating tanggapan ay aktibong makikipagtulungan sa mamamayan upang isulong ang mga pasyang inuuna ang pangmatagalang kapakanan ng bawat Romblomanon at ng mga susunod pang henerasyon.

πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆ
23/06/2026

πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€πŸŒˆ

"Kailangan pa ba talaga ang Pride?"

Isang malaking OO. Hangga’t may takot, diskriminasyon, at pagtatakwil sa ating hanay, ang Pride ay mananatiling isang protesta. ✊🌈

Sa naganap na San Agustin Pride 2026 noong June 20, 2026, ibinahagi ni Romblon Pride Movement Chairperson at Pride PH Provincial Convener, John Aries Caringal Bejer, ang tunay na diwa kung bakit tayo patuloy na nagmamartsa. Ang Pride ay hindi lamang isang selebrasyon, ito ay paalala na ang bawat miyembro ng LGBTQIA+ community ay may dignidad, halaga, at karapatang mahalin at igalang.

Hindi tayo titigil hangga't ang bawat bata, estudyante, empleyado, at pamilya sa Romblon ay ligtas at malayang mamuhay nang buong katapatan sa kanilang sarili.

Sama-sama tayong titindig, Romblon! πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ³οΈβ€βš§οΈ






Address

Odiongan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TAD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share