DXCM AM RADYO UKAY

DXCM AM RADYO UKAY Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DXCM AM RADYO UKAY, Media, Old Kidapawan.

Mga barangay sa Lebak, Sultan Kudarat binahaIlang mga lugar sa Lebak, isang seaside town sa probinsya ng Sultan Kudarats...
18/07/2025

Mga barangay sa Lebak, Sultan Kudarat binaha

Ilang mga lugar sa Lebak, isang seaside town sa probinsya ng Sultan Kudaratsa Region 12, kabilang na ang Barangay Barurao 1, ang binaha nitong Huwebes, July 17, 2025, kasunod ng malakas, paulit-ulit na matagal na ulan sa kapaligiran,

Ilang mga pamilya sa Barangay Barurao 1 ang inilikas na ng mga emergency responders ng Lebak Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga ligtas na lugar at nabigyan na ng inisyal na food supplies. (July 18, 2025, handout photo)

Wanted sa kasong robbery, naaresto sa Cotabato City Naaresto ng mga pulis sa isang law-enforcement operation sa Bagua ar...
18/07/2025

Wanted sa kasong robbery, naaresto sa Cotabato City

Naaresto ng mga pulis sa isang law-enforcement operation sa Bagua area sa Cotabato City nitong gabi ng Huwebes, July 17, 2025, ang isang 35-anyos na lalaking wanted sa kasong robbery na nakabinbin sa isang korte sa lungsod.

Kusang loob na nagpaaresto si Sukarno Utto Balahim, Jr. sa mga pulis na dumating sa kanilang tahanan sa Bagua 2, Cotabato City at may dalang warrant of arrest para sa kanya mula sa Regional Trial Court Branch 14 sa lungsod, may lagda ni Judge Ashrafia Aymee Biruar, kaugnay ng kasong robbery na kanyang kinakaharap sa naturang korte.

Ayon kay Bongcayao, ang paghain ng warrant of arrest kay Balahim ay magkatuwang na isinagawa ng chief ng Cotabato City Police Station 2 na si Major Teofisto Ferrer, Jr. at kanyang mga tauhan at ng mga operatiba ibat-ibang pang units ng Cotabato City police force. (July 18, 2025)

Walang tutol ang tribong Blaan sa napipintong nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project ng national government at ng isa...
17/07/2025

Walang tutol ang tribong Blaan sa napipintong nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project ng national government at ng isang pribadong kumpanya sa kanilang ancestral lands sa Tampakan, South Cotabato at sila ay matagal ng naglabas ng kasulatang Free Prior Informed Consent (FPIC) para dito.

Ito ay muling tiniyak ng mga kasapi ng tribo sa media community nitong Huwebes, July 17, 2025, kasabay ang kanilang paliwanag na isang malaking kahihiyan para sa kanila ang hindi pagtupad ng kanilang mga obligasyon, ayon sa FPIC, na tumulong sa lahat ng stakeholders ng proyekto upang maipatupad ito ng maayos.

Ang proyekto ay magkatuwang na pangungunahan ng national government at ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) at aalalayan ng Department of Environment and Natural Resources, ng Mines and Geosciences Bureau at ng National Commission on Indigenous Peoples.

Una ng nagpahayag, ilang ulit na, ang Blaan tribal leaders at mga local government officials sa Tampakan, sa Colombio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani, at sa Kiblawan sa Davao del Sur, ang mga lugar na saklaw ng proyekto, ng lubos na pagsang-ayon at suporta para sa nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project.

Sa mga hiwalay na pahayag nitong Huwebes, muling binigyang diin ng mga tribal leaders na obligasyon ng kanilang tribo, ayon sa FPIC document, na bigyan ng full access sa kanilang ancestral lands ang mga kawani ng SMI at ang mga equipment ng kumpanya na gagamitin para sa Tampakan Copper-Gold Project, ganun din sa mga opisyales ng DENR, MGB at NCIP na na titingin sa proyekto.

Obligasyon ng tribong Blaan, batay sa FPIC, na suportahan, aalalayan sa kanilang paglabas-pasok ang mga kawani ng SMI employees at ng mga ahensya ng pamahalaan na tututok sa Tampakan Copper-Gold Project sa kanilang ancestral lands upang maisakatuparan ito maayos at walang pagkabalam.

Maliban sa FPIC mula sa tribo, naglabas din ng hiwalay na kasulatang pagsang-ayon ng NCIP sa proyekto, mahigit tatlong taon na ang nakakalipas. Ang naturang approval document ay inilunsad sa isa sa mga barangay sa Tampakan ng NCIP national at regional officials, dinaluhan ng mga local executives, ng mga kasapi ng media at ng mga kawani ng SMI.

Sa pahayag ng tribal leaders, kabilang sa kanila si Domingo Collado, ang kanilang appointed representative sa Tampakan Municipal Council, kanilang igagalang ang kanilang FPIC at tutuparin ang mga nilalaman nito, kabilang na ang pagbigay ng access sa kanilang ancestral lands sa lahat ng na may kinalaman sa pagpapatupad ng Tampakan Copper-Gold Project.

Sa isang survey, tatlong mga senior citizens na mga babaeng Blaan, sina Fanagey, Giwemon at Saluni, ang nagpahayag na malinaw sa kanilang tribo ang mga obligasyon nitong tumulong sa ikakabuti ng Tampakan Copper-Gold Project ayon sa nilalaman ng FPIC.

Ayon sa bagong halal na mayor ng Columbio, si Amirh Musali, ang mga Blaan sa kanilang bayan ay tutulong sa pagpapatupad ng lahat ng mga kasulatang nagsasaad ng mga obligasyon ng tribong Blaan kaugnay ng pagsang-ayon nito sa Tampakan Copper-Gold Project.

Ganun din ang pahayag nila Vice Mayor Joel Calma ng Kiblawan at ni Vice Mayor Ma. Theresa Constantino ng Malungon. Ang kanilang mga bayan ay may mga Blaan ancestral lands na saklaw ng nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project. (July 17, 2025)

16/07/2025
1 patay, 3 sugatan sa Zamboanga Sur road accident Patay ang isang lalaking nasa maliit na tindahan sa Barangay Venus sa ...
15/07/2025

1 patay, 3 sugatan sa Zamboanga Sur road accident

Patay ang isang lalaking nasa maliit na tindahan sa Barangay Venus sa Osmeña, Zamboanga del Norte na nasapol ng isang pick-up truck nitong Lunes, July 15, 2025.

Ang sasakyang sangkot sa aksidente ay isang government vehicle, pag-aari ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Sa ulat ng Osmeña Municipal Police Station nitong Martes, nawalan ng control ang driver ng pick-up truck kaya ito lumihis, nasapol ang isang tindahang nasa malalim na gilid na highway bago gumulong at lumagpak ng patagilid.

Agad na namatay ang isang lalaking nasa loob ng maliit na tindahang nabangga ng pick-up truck habang nagtamo naman ng mga pasa at mga sugat sa katawan ang driver nito at dalawang kasama.

Nabatid na galing ng Pagadian City, ang kabisera ng Zamboanga del Sur, at patungo sana ng Dipolog City sa Zamboanga del Norte ang pick-up truck ng maaksidente. (July 15, 2025, handout photo)

1 patay, 3 sugatan sa Zamboanga Sur road accident Patay ang isang lalaking nasa maliit na tindahan sa Barangay Venus sa ...
15/07/2025

1 patay, 3 sugatan sa Zamboanga Sur road accident

Patay ang isang lalaking nasa maliit na tindahan sa Barangay Venus sa Osmeña, Zamboanga del Norte na nasapol ng isang pick-up truck nitong Lunes, July 15, 2025.

Ang sasakyang sangkot sa aksidente ay isang government vehicle, pag-aari ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Sa ulat ng Osmeña Municipal Police Station nitong Martes, nawalan ng control ang driver ng pick-up truck kaya ito lumihis, nasapol ang isang tindahang nasa malalim na gilid na highway bago gumulong at lumagpak ng patagilid.

Agad na namatay ang isang lalaking nasa loob ng maliit na tindahang nabangga ng pick-up truck habang nagtamo naman ng mga pasa at mga sugat sa katawan ang driver nito at dalawang kasama.

Nabatid na galing ng Pagadian City, ang kabisera ng Zamboanga del Sur, at patungo sana ng Dipolog City sa Zamboanga del Norte ang pick-up truck ng maaksidente. (July 15, 2025, handout photos)

Officials craft agreement setting up of FDA office in BARMMThe Food and Drug Administration and the Bangsamoro health mi...
13/07/2025

Officials craft agreement setting up of FDA office in BARMM

The Food and Drug Administration and the Bangsamoro health ministry had forged a memorandum of agreement to cooperate in setting up an FDA service facility in the autonomous region.

The FDA, which is under the Department of Health, facilitates the regulation of drugs, health products, food supplements, processed chemicals for agricultural and household use. Its functions and powers are not devolved to the regional government of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

The MOA was signed by the lawyer Paolo Teston, director-general of FDA, BARMM Health Minister Kadil Sinolinding, Jr. and the chief of their legal and legislative office, the lawyer Jeihan Jein Gulo, during a symbolic rite on Thursday morning, July 10, at the Bangsamoro regional capitol in Cotabato City.

Health Undersecretary Abdullah Dumama, Jr. from the central office of the Department of Health, the lawyer Christian Lei Saquilabon, DOH assistant health secretary representing the department’s regulation facility development cluster, and the physician Abdulhalik Kasim, regional assistant secretary in the Ministry of Health-BARMM, stood as witnesses to the crafting of the MOA.

Sinolinding, a physician-ophthalmologist trained in India, Dumama, a former regional director of DOH-12, and Teston separately told reporters that the setting up an FDA office in BARMM will benefit the region's Muslim, Christian and non-Moro indigenous communities.

“Potential clients do not have to go to the office of the FDA in Metro Manila anymore for their transactions,” Sinolinding said.

BARMM covers the provinces of Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Norte, Basilan and Tawi-Tawi and the cities of Lamitan, Marawi and Cotabato, where its regional government operations center is located.

Dumama said the setting up of an FDA office in BARMM will boost the health programs of the Bangsamoro government, whose chief minister, Abdulrauf Macacua, is also figurehead of the region’s 80-seat regional parliament. (JFU, JULY 11, 2025, COTABATO CITY)

Multi-sector group to monitor mineral extraction in Blaan landsLocal executives, different business groups, and leaders ...
13/07/2025

Multi-sector group to monitor mineral extraction in Blaan lands

Local executives, different business groups, and leaders of the Blaan tribe have assured to support the newly formed bloc that shall monitor the implementation of community development projects related to the programmed extraction soon of mineral deposits in four Central Mindanao towns.

The lawyer Adolf Ryan Lantion, director for Region 12 of the National Commission on Indigenous Peoples, told reporters on Friday, July 11, 2025, that the multi-sector 1st Joint Monitoring Team, which they launched last week, shall closely observe the enforcement of policies stated in the written Free Prior and Informed Consent (FPIC) from the Blaans for the copper and gold mining project of the state and a private firm in Tampakan, South Cotabato, slated to start soon.

The FPIC from the Blaans binds the NCIP, the Department of Environment and Natural Resources, the Sagittarius Mines Incorporated (SMI), the indigenous communities and other stakeholders to the multi-billion Tampakan Copper-Gold Project to ensure that the local communities shall benefit from it.

The NCIP-12 and the SMI have representatives in the 1st JMT, according to Lantion, whose office is in Koronadal City, the capital of South Cotabato province and regional seat of Region 12.

The Tampakan Copper Gold Project of the national government and the SMI shall cover Blaan tribal domains in Tampakan and in nearby hinterlands in Columbio, Sultan Kudarat, in Malungon, Sarangani and in Kiblawan, Davao del Sur.

Two local executives, Maria Theresa Constantino and Joel Calma, newly-elected vice mayors in Malungon and Kiblawan, respectively, separately told reporters on Friday that they will support the operation of the 1st JMT.

The mayor of Columbio, Amirh Musali, said he and his constituents shall also help push the missions of the 1st JMT forward.

"There is no problem with us supporting this monitoring team. We shall help this team achieve its goals," Domingo Collado, an appointed representative of the Blaan tribe to the Tampakan municipal council, said.

Cotabato Gov. Emmylou Mendoza, chairperson of the Regional Development Council 12, said she was elated with the activation of the 1st JMT.

Mendoza said she will compel the members of the multi-sector, inter-agency RDC 12, which had endorsed, via a resolution, the Tampakan Copper-Gold Project, to support the 1st JMT extensively.

"We are not in Region 12 but we shall also support the 1st JMT because the economic growth that the Tampakan Copper-Gold Project will bring in to Tampakan, to Koronadal City and to South Cotabato province, in general, will surely spread towards the two Bangsamoro provinces in Central Mindanao, Maguindanao del Sur and Maguindanao del Norte," said the entrepreneur-lawyer Ronald Hallid Dimacisil Torres, chairman of the Bangsamoro Business Council, which is based in Cotabato City.

Lantion said the pioneer members of the newly-organized 1st JMT were sworn in during a symbolic rite on Wednesday last week at the NCIP’s regional office in Koronadal City.

“This team will be instrumental in making sure that our indigenous people shall get what they rightfully deserve and that our engagements with SMI shall be premised on principles of utmost respect, accountability, and mutual development.” Lantion said.

The Blaan-dominated Tampakan town is less than 20 kilometers away from Koronadal City. Geologists from abroad and mining engineers in the central office of the DENR had placed at no less than US$ 200 billion their estimate of the value of copper and gold deposits in the municipality and in nearby Blaan enclaves in Columbio, Malungon and Kiblawan towns that are soon to be extracted via the Tampakan Copper-Gold Project. (July 11, 2025)

Sundalo putol braso, anak patay sa motorcycle crashIsang sundalo ang naputulan ng braso habang patay naman ang kanyang a...
13/07/2025

Sundalo putol braso, anak patay sa motorcycle crash

Isang sundalo ang naputulan ng braso habang patay naman ang kanyang angkas na na anak ng lumihis ang kanilang motorsiklo at bumangga sa isang itinatayong concrete building sa gilid ng highway sa Barangay Noa sa Magpet, Cotabato nitong Huwebes, July 10.

Sa ulat nitong Biyernes ng Magpet Municipal Police Station, naputol ang braso ni Pfc. Ronnie Sulayman Bacag sanhi ng kanilang pagbangga sa naturang istruktura na nagsanhi din sa agarang pagkamatay ng kanyang anak na si Daveheart.

Si Bacag ay miyembro ng 39th Infantry Battalion, sakop ng 10th Infantry Division, na nakalat ang mga tropa sa ilang mga bayan sa magkatabing probinsya ng Cotabato at Davao del Sur.

Si Bacag at ang kanyang anak ay mula sa kanilang tahanan sa Sitio Cantimon sa Barangay Libertad sa Akaran, Cotabato at patungo sana ng Kidapawan City ng biglang nadiskarel ang kanilang motorsiklo at bumangga sa mga bakal na materyales para sa itinatayong kapilya sa gilid ng highway sa Barangay Noa.

Naputol ang kaliwang braso ni Bacag sanhi ng sanhi ng aksidente.

Agad naman siyang naihatid ng mga emergency responders sa isang hospital kung saan na deklarang dead on arrival ang kanyang anak ng mga doctor na sumuri sa kanila. (July 11, 2025, handout photo)

Magnanakaw ng mga motorsiklo, arestadoNaaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Gr...
13/07/2025

Magnanakaw ng mga motorsiklo, arestado

Naaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at ng kasapi ng Pikit Municipal Police Station ang isang wanted na magnanakaw ng mga motorsiklo sa isang law-enforcement operation sa Barangay Ladtingan sa Pikit, Cotabato nitong Biyernes, July 11, 2025.

Kusang loob ng nagpaaresto ang wanted na si Jayson Caro Layda ng dumating sa kanyang hideout ang mga CIDG-12 agents at mga tropa ng iba pang mga police units at p**itaan siya ng warrant of arrest arrest kaugnay ng mga kasong carnapping na kanyang kinakaharap sa Regional Trial Court Branch 18 sa Midsayap, Cotabato.

May lagda ni Judge Kristopher Navales ang warrant of arrest para kay Layda, may petsang May 19, 2025.

Nakapiit na sa isang police detention facility si Layda, nakatakda ng lilitisin sa kasong carnapping na nakabinbin sa RTC Branch 18. (July 12, 2025, handout photo)

Dealers ng mga assault rifles, naaresto sa Marawi CityDalawang illegal dealers ng mga baril ang nalambat ng mga pulis sa...
10/07/2025

Dealers ng mga assault rifles, naaresto sa Marawi City

Dalawang illegal dealers ng mga baril ang nalambat ng mga pulis sa Barangay Mipaga sa Marawi City nitong Martes, July 8, 2025.

Ayon sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, dating may koneksyon ang dalawang suspects, sina Alinor Maamor Topaan, 36-anyos, at ang 34-anyos na si Saddam Sarip Baguan, sa nabuwag ng Maute terror group at nagbebenta di sila ng mga combat rifles sa terroristang grupong Dawlah Islamiya.

Iniulat nitong Huwebes ng Marawi City local officials na nakadetine na sina Topaan at Baguan na nakumpiskahan ng dalawang M14 assault rifles at dalawang M16 assault rifles sa naturang entrapment operation.

Nahaharap na sina Topaan at Baguan sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na nagbabawal ng pagbebenta ng mga baril at mga explosives na walang pahintulot mula sa Philippine National Police.

Ayon kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hindi na pumalag ang dalawa ng arestuhin ng mga magkasanib na mga operatiba ng Marawi City Police Station, ng Lanao del Sur Provincial Police Office at mga kasapi ng iba’t ibang mga PRO-BAR units na kanilang nabentahan ng apat na mga assault rifles sa isang lugar sa Barangay Mipaga.

Ayon kay De Guzman, naisagawa ang naturang entrapment operation sa tulong ng mga local executives sa Marawi City at ni Gov. Mamintal Adiong, Jr. na chairman ng Lanao del Sur Provincial Peace and order Council. (July 9, 2025)

Ma*****na farm sa Lanao del Sur, sinira ng mga pulisBinunut at agad na sinunog ng mga pulis ang mahigit 500 na ma*****na...
10/07/2025

Ma*****na farm sa Lanao del Sur, sinira ng mga pulis

Binunut at agad na sinunog ng mga pulis ang mahigit 500 na ma*****na plants sa isang anti-narcotics operation sa Barangay Kadingilan sa Wao, Lanao del Sur nitong umaga ng Miyerkules, July 9, 2025.

Iniulat nitong umaga ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na magkatuwang sa naturang operasyon ang mga kasapi ng municipal police sa mga bayan ng Wao at Amai Manabilang, mga operatiba ng Lanao del Sur Provincial Police Office at iba pang mga units ng PRO-BAR.

Ayon kay De Guzman, naisagawa ang naturang ma*****na uprooting operation batay sa ulat ng mga residente ng Kadingilan hinggil sa presensya ng isang ma*****na farm sa kanilang barangay.

Ang naturang ma*****na farm ay nasa boundary ng Alamada sa probinsya ng Cotabato at Wao, isa sa 39 na mga bayan sa Lanao del Sur.

Ayon sa mga barangay officials sa Kadingilan, agad na tumakbo palayo ang dalawang magsasakang nagbabantay ng naturang ma*****na farm ng mapuna na may papalapit na mga unipormadong mga pulis sa kanilang kinaroroonan.

Ayon kay De Guzman, nagtutulungan ang mga imbestigador ng Wao Municipal Police Station at mga local executives sa naturang bayan sa pagkilala sa mga nagtanim ng naturang mga ma*****na plants upang masampahan ng kaukulang mga kaso. (July 9, 2025)

Address

Old Kidapawan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXCM AM RADYO UKAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category