Subic Broadcasting Corporation

Subic Broadcasting Corporation Subic Broadcasting Corporation is a duly licensed radio and television network that is committed to provide up to date and dependable public service.

Subic Broadcasting Corporation (SBC) was first founded in 1969 as a daily radio companion of the people of Olongapo in providing news and entertainment. When it was incorporated on July 29, 1969 it began broadcasting on the AM frequency 1557 kHz as DWGO "Radio on the Go". After being temporarily closed during martial law in 1972, it resumed operation in 1976 on a new frequency - DWGO 1008 kHz. SBC

later added a sister station on the FM Band - DWOK 97.5 mHz, which began its regular operation on March 20, 1996. SBC soon acquired a franchise for radio and television operation, which began to broadcast regularly in January 2011 as DWAB TV 22 - the first free TV Channel in Olongapo City. Presently, TV 22 is the only television station in Olongapo while both DWGO AM and DWOK FM maintains their positions as rated Number 1 among the stations in the city. With more than 40 years of experience in the radio and entertainment industry, SBC has remains consistent in providing the following services: media and broadcasting service, local adverts, national adverts, event organizing, barker service, news coverage, special programs / projects and the production of various promotion materials. In the early half of the year 2013, SBC partnered with TV 5 (Philippines) to better serve the viewing public of Olongapo, Zambales, Bataan, and neighboring areas. Subic Broadcasting Corporation is a duly registered corporation under the Securities and Exchange Commission (Philippines) and licensed to install and operate radio and broadcasting stations anywhere in the country by virtue of Republic Act 7511, signed in May 1992. We at Subic Broadcasting Corporation strive to live true our mission and vision as Kaibigan ng Bayan.

EVENING PRAYER 🙏O Diyos Ama, kami po ay dumudulog sa Iyong habag sa panahong ito. Lingapin Mo po ang mga pamilyang nawal...
25/07/2025

EVENING PRAYER 🙏

O Diyos Ama, kami po ay dumudulog sa Iyong habag sa panahong ito. Lingapin Mo po ang mga pamilyang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mahal sa buhay. Bigyan Mo po sila ng pagasa sa gitna ng unos. Pagkaisahin Mo kami bilang isang bayan upang magtulungan at magdamayan sa oras ng pangangailangan. Amen.

SERYOSO ang Leptospirosis. Huwag balewalain ang sintomas at kumonsulta agad!Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa...
24/07/2025

SERYOSO ang Leptospirosis. Huwag balewalain ang sintomas at kumonsulta agad!

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa sakit na ito, mula sa Subic Broadcasting Corporation at 97.5 DWOK FM!

Nasamsam ng PS3-SPDEU at CPDEU OCPO ang humigit kumulang nasa P210,324 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-...
23/07/2025

Nasamsam ng PS3-SPDEU at CPDEU OCPO ang humigit kumulang nasa P210,324 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa No. 81 Murphy Street Corner 12th Street, Barangay Pag-asa, Olongapo City nitong Hulyo 21, 2025, ganap na ika-2:00 ng madaling araw.

Nasakote ang dalawang lalaking suspek na 32-anyos (SLI Listed), residente ng No. 14 Natividad Street, Brgy. Pag-asa, at ang isa nama’y 21-anyos (SLI Listed) na residente ng Sitio Tahimik, Purok 3, Barangay Calapacuan, Subic.

Nakumpiska ng awtoridad ang pitong (7) sachet ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang 30.93 gramo.

Dinala ang suspek sa PS3 para sa kaukulang disposisyon.

DALAWANG BAGYO, PINALAKAS NA HABAGAT: ZAMBALES, NAKATAAS NA SA RED RAINFALL ADVISORYPinalakas ng dalawang sama ng panaho...
23/07/2025

DALAWANG BAGYO, PINALAKAS NA HABAGAT: ZAMBALES, NAKATAAS NA SA RED RAINFALL ADVISORY

Pinalakas ng dalawang sama ng panahon ang habagat na ngayon ay nagpapabaha sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA sa ulat nito ngayong alas-11 ng umaga, Hulyo 23.

Lumakas si Dante mula sa tropical depression patungong tropical storm habang nabuo naman bilang tropical depression ang dating low pressure area sa may layong kanluran ng Extreme Northern Luzon, na pinangalanang Emong.

Namataan si Tropical Storm Dante, na may international name na Francisco, sa layong 900 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon bandang alas-10 ng umaga.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng hapon o gabi.

Samantala, namataan si Tropical Depression Emong sa layong 115 kilometro hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte. Nananatili itong may lakas ng hanging 45 kilometro kada oras at bugso na 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang torrential rains sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Pangasinan, at La Union hanggang Biyernes ng hapon. Mataas ang panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mabababang lugar at kabundukan.

OLONGAPO CITY EMERGENCY NUMBERS
22/07/2025

OLONGAPO CITY EMERGENCY NUMBERS

High Flood Warning in Effect!

Heavy rainfall is causing significant flooding in our area. For your safety:

- Move to higher ground immediately.
- Avoid walking or driving through floodwaters.
- Keep emergency numbers handy and reach out if you need assistance.

Stay safe and follow local authorities for updates. Together, we can weather this storm!

Dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang minomonitor ngayon ng PAGASA dah...
22/07/2025

Dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang minomonitor ngayon ng PAGASA dahil sa posibilidad nitong maging tropical depression sa loob ng 24 oras.

Ayon sa ulat ng PAGASA nitong Martes ng umaga, ang unang LPA (07g) ay huling namataan sa layong 370 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang mataas na posibilidad na maging isang tropical depression sa loob ng susunod na araw.

Samantala, ang ikalawang LPA (07h) ay nasa layong 1,140 kilometro silangan ng Gitnang Luzon at may katamtamang posibilidad na lumakas bilang tropical depression.

Sa kabila nito, sinabi ni weather forecaster Obet Badrina na parehong tinatahak ng dalawang LPA ang direksyong hilaga at maliit ang tsansang mag-landfall sa alinmang bahagi ng bansa.

Kapag lumakas ang alinman sa mga ito, agad itong papangalanang "Dante", ang susunod na pangalan sa listahan ng mga bagyong papasok sa bansa ngayong taon.

Bukod dito, patuloy ring pinapalakas ng mga nasabing sistema ang habagat o southwest monsoon, na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas sa mga susunod na araw.

Inaasahan din ng PAGASA na posibleng tumaas ang antas ng ulan at pagtaas ng tubig-dagat sa mga baybaying-dagat sa hilagang bahagi ng Luzon.

  as of 8:00 P.M.Itinaas ng PAGASA ang Orange Rainfall Warning sa Zambales, Pampanga, at mga karatig na lugar bunsod pa ...
21/07/2025

as of 8:00 P.M.

Itinaas ng PAGASA ang Orange Rainfall Warning sa Zambales, Pampanga, at mga karatig na lugar bunsod pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat.

Pinag-iingat ang mga nakatira sa nasabing mga lugar dahil sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Para sa , i-click ang link na ito:

https://www.facebook.com/share/p/16G3tJwjTS/?mibextid=wwXIfr

MORNING PRAYER 🙏Ama, buong puso kaming nagpapasalamat sa panibagong pagkakataon ngayong araw. Nawa'y pagkalooban Mo kami...
20/07/2025

MORNING PRAYER 🙏

Ama, buong puso kaming nagpapasalamat sa panibagong pagkakataon ngayong araw. Nawa'y pagkalooban Mo kami ng maaliwalas at magandang panahon upang maisakatuparan namin nang ligtas at maayos ang aming mga tungkulin. Ilayo Mo po kami sa anumang sakuna o panganib na dulot ng masamang panahon, at patnubayan Mo po kami sa bawat hakbang ng aming araw. Amen.

EVENING PRAYER 🙏Ama, nararamdaman po namin ngayon ang lakas ng kalikasan. Ngunit higit po naming nadarama ang Iyong pres...
18/07/2025

EVENING PRAYER 🙏

Ama, nararamdaman po namin ngayon ang lakas ng kalikasan. Ngunit higit po naming nadarama ang Iyong presensya na nagbibigay lakas at kapanatagan. Yakapin po Ninyo kami sa Inyong kapayapaan habang kami’y nagpapahinga ngayong gabi. Amen.

  as of 5:00 P.M., July 17, 2025:Itinaas ng PAGASA ang Yellow Rainfall Warning sa Zambales, Bataan, Pampanga, at iba pan...
17/07/2025

as of 5:00 P.M., July 17, 2025:

Itinaas ng PAGASA ang Yellow Rainfall Warning sa Zambales, Bataan, Pampanga, at iba pang mga karatig na lugar dulot ng Tropical Depression .

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar dahil posible ang pagbaha.

Nakumpiska ng PS4-SPDEU ang humigit kumulang nasa P40,800 halaga ng suspected shabu sa isinagawang anti-illegal drug ope...
17/07/2025

Nakumpiska ng PS4-SPDEU ang humigit kumulang nasa P40,800 halaga ng suspected shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Apitong Extension, Purok 6, Barangay Old Cabalan, Olongapo City noong Hulyo 13, 2025, ganap na ika-5:45 ng hapon.

Timbog ang 28 taong gulang na lalaki at residente ng nasabing lugar.

Nasamsam ng awtoridad ang pitong (7) sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 6 gramo, at 300-peso bill na marked money.

Dinala ang suspek sa PS4 at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.

16/07/2025

The doctor was in yesterday and so Dra. Maria Agnes Padilla Soriano paid us a visit and shared valuable health tips you’ll want to hear!

Catch the full interview with DJ CLAIRE and DJ MIKU on The Morning Show, brought to you by 97.5 dwOK FM - Ito Ang Radyo Ko and Subic Broadcasting Corporation!

Learn more on diabetes and easy, practical ways to keep your kidneys healthy and happy as Dra. Agnes shares helpful tips you can start doing today.
--------------------------
Don’t forget to check out our official YouTube channel, Subic Broadcasting Corporation (.olongapo) for more updates and video content. Make sure to subscribe and hit the notification bell so you never miss out on our latest uploads!

https://youtu.be/3NOvKKAXM6w

Address

Olongapo City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Subic Broadcasting Corporation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Subic Broadcasting Corporation:

Share