Moad ๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ขโ€™๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ.

19/09/2025

17/09/2025

Nothing beyond this second is guaranteed, not tomorrow, not certainty, not resolution, and maybe thatโ€™s exactly why this moment matters so much. โœจ

14/09/2025

Kasabay ng lahat ng nangyayaring gulo sa labas, hindi humihinto ang mga personal na mga problema, pagsubok, at dalahin. Kapit lang. Tuloy lang. Kahit dahan-dahan, maitatawid. Di man ngayon, malalampasan din.


12/09/2025

12/09/2025

Baon pa rin ang aral ng mga nakalipas. Hindi ako magsasawang maging bukรกs sa aral ng totoong buhay. Sapagkat sa bawat pagkadapa, may panibagong lakas na natutuklasan. Sa bawat pagkatalo, may binubuong tibay ng loob. Ang kahapon ay hindi tanikala, kundi gabay, paalala na ang bawat hakbang ngayon ay hakbang tungo sa mas matatag, mas matalino, at mas may pag-asang kinakabukasan.

12/09/2025

FTTMinutes of the day: September 12, 2025๐Ÿ“

Ang tunay na laban ng bayan ay hindi lamang ang paglutas sa baha, trapiko, o kahirapan na araw-araw nating nararanasan. ...
11/09/2025

Ang tunay na laban ng bayan ay hindi lamang ang paglutas sa baha, trapiko, o kahirapan na araw-araw nating nararanasan. Ang mga ito ay mga sugat lamang na dulot ng mas malalim na sakit ng ating lipunan. Ang ugat ng lahat ng ito ay ang sistemang bumabalot sa ating pamahalaan, isang sistemang nilalason ng korapsyon, kasakiman, at kawalan ng malasakit sa mamamayan.

Kapag ang isang proyekto ay niluluto para lamang pagkakitaan, sino ang tunay na biktima? Hindi ang mga opisyal na kumikita, kundi ang karaniwang mamamayan na tuwing umuulan ay lumulusong sa baha, nawawalan ng kabuhayan, at minsan paโ€™y buhay ang kapalit. Ang bawat pisong ninanakaw ay katumbas ng pagkain na nawala sa hapag, gamot na hindi naipamigay, at kinabukasang ninakaw mula sa kabataan.

Kayaโ€™t ang laban ng bayan ay higit pa sa pag-asa ng mas maayos na daan o malinis na estero. Ang laban ay nasa pagkakaisa ng mamamayan upang putulin ang ugat ng katiwalian, ituwid ang baluktot na pamamahala, at ibalik ang tiwala sa gobyerno. Sapagkat hanggaโ€™t hindi natatanggal ang lason ng korapsyon, mananatiling totoo ang mapait na katotohanang, โ€œHindi mahirap ang bansang ito, pinahihirapan lang nila tayo.โ€

11/09/2025

Ang tunay na laban ng bayan ay hindi lang ang paglutas sa baha, trapiko, o kahirapan. Ang tunay na laban ay ang paglilinis ng sistemang bumabalot sa ating pamahalaan. Hanggaโ€™t hindi napuputol ang ugat ng korapsyon, mananatiling totoo ang mapait na katotohanan: hindi mahirap ang bansang ito, pinahihirapan lang nila tayo.

๐‹๐ข๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง:๐๐š๐ก๐ข๐ง๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐งSa puso ng bayan ay nakatindig ang liwasan, isang bukas na pahina ng kasaysayan na walang tinta, ...
11/09/2025

๐‹๐ข๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง:๐๐š๐ก๐ข๐ง๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง

Sa puso ng bayan ay nakatindig ang liwasan, isang bukas na pahina ng kasaysayan na walang tinta, ngunit sinusulatan araw-araw ng mga yapak ng tao. Sa gitna nitoโ€™y ang bantayog: tahimik ngunit nagsasalita, matatag ngunit marunong magpatahimik ng ingay. Sa kanyang katahimikan, naroon ang bulong ng nakaraan, mga sakripisyong inialay upang maging malaya ang ating ngayon.

Dumadaloy dito ang ilog ng tao. Ang mga estudyanteng may baong pangarap, ang mga manggagawang pawisan ngunit buo ang loob, at ang mga matatandang naglalakad na tila dinadala ng hangin ang kanilang mga alaala. Magkakaiba sila ng anyo, ng dalahin, ng kasaysayan, ngunit dito nagtatagpo, parang mga taludtod na bumubuo ng iisang tula ng bayan.

Sa dulo ng aking pagmamasid, napagtanto ko: ang liwasan ay hindi lamang lugar. Itoโ€™y salamin ng ating pagkatao, at ako man, isang payak na nilalang ay kabahagi rin ng dakilang panitikan ng bayan.

-Setyembre 11, 2025

07/09/2025

Susubukin ang lahat kahit mahirap man ito. Marahil bago ang lahat ngunit sisikaping matuto.

28/08/2025

โ€˜SAKITโ€™ ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

Anne Curtis reacted with โ€œSakitโ€ after hearing Jessica Sohoโ€™s spiels in the โ€˜Kapuso โ€˜Mo, Jessica Sohoโ€™ Special Report aired over the weekend, which tackled flooding and flood control projects.

When Ma'am Jessica Soho said
'Hindi na pala baha ang magpapalubog sa ating bayan kung โ€˜di kasakiman' Sakit

17/06/2023

Address

Olongapo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Moad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Moad:

Share