24/09/2025
Ingats po ang lahat 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
BAGYONG "OPONG", POSIBLENG UMABOT SA TYPHOON CATEGORY; WIND SIGNAL NO. 4 POSIBLENG ITAAS SA SOUTHERN PORTION NG ZAMBALES SA BIYERNES NG GABI
Posibleng umabot sa Typhoon Category ang kasalukuyang binabantayang bagyong Opong ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, posibleng sa araw ng Huwebes ay aabot sa kategoryang Typhoon ang naturang bagyo at kikilos ng Kanluran Hilagang Kanluran ng Luzon.
Dala umano ng bagyo ang malakas na bugso ng hangin at posibleng maglandfall sa kalupaan ng BICOL Region sa Biyernes ng tanghali pero maaari pang magbago ang track nito.
Sa kasalukuyang ang bagyong Opong ay may lawak o radius na 450km ngunit wala pang epekto sa anumang parte ng bansa ngunit nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Northern Samar, Samar at Eastern Samar.
Samantala, posibleng sa Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling araw inaasahang mararamdaman ang hagupit ng bagyong Opong sa Zambales lalong lalo na sa Southern portion ng probinsya.
Dahil sa paglapit nito sa Bataan, posibleng itaas hanggang sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang Southern portion ng Zambales.
Sa ngayon, batay sa monitoring ng PAGASA (as of 11:00am, September 24, 2025) ang bagyo ay nasa layong 815km Silangan ng Northeastern Mindanao at taglay ang lakas ng hangin na 85km/h malapit sa gitna at pagbugso na 105km/h.
Kaugnay rito, pinayuhan ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria ang publiko na paghandaan, maging alerto at manatiling nakasubaybay sa mga ilalabas na update na may kaugnayan sa naturang sama ng panahon.
"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"