03/09/2025
𝙏𝙤𝙥𝙞𝙘: 𝙄𝙗𝙖 𝙥𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨, 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙘𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤
=Para po sa ating kaalaman, ang Diyos po yong nagbigay po kay Cristo Jesus ng mga matataas na katangian na gaya ng mga katangian mayroon po ang Diyos.
=Kaya nakakamalan po ng marami na si Jesus ay isang Diyos dahil sa mga matataas na katangiang ito na ibinigay ng Diyos sa kaniya.
Ito po mga halimbawa:
𝟭. 𝗚𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻, 𝗮𝗻𝗴 𝗴uma𝘄𝗮 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀:
Mga Gawa 2:36
Ang Biblia (1978)
36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
Online Bible: https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Gawa%202%3A36&version=ABTAG1978
𝟮. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻..
Filipos 2:8-9
Ang Biblia (1978)
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
Online Bible: https://www.biblegateway.com/passage/?search=Filipos%202%3A8-9&version=ABTAG1978
𝟯. 𝗕𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘄𝘁𝗼𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗼 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗽𝗮. 𝗔𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗺𝗮, 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀. .
Mateo 28:18
Ang Biblia (1978)
18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
Online Bible: https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo%2028%3A18&version=ABTAG1978
Mateo 11:27
Ang Biblia (1978)
27 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama:
Online Bible: https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo%2011%3A27&version=ABTAG1978
=Kaya sa ganitong katangian mayroon po ang Panginoong Jesucristo ay napakataas po talaga niya kaysa sa mga ordinaryong tao.
=Pero sana napansin po natin, mayroon pong nagbigay ng mga matataas na katangiang ito kay Cristo Jesus. Walang iba kundi ang Diyos.
=Basi po sa mga banal na kasulatan, niloob po ng Diyos na ipailalim o ipinasakop ang lahat ng bagay sa kapangyarihan ni Cristo Jesus. Pero kapag napailalim na ang lahat ng mga bagay kay Cristo Jesus, si Cristo rin naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos para ang Diyos pa rin ang magiging pinaka mataas po sa lahat.
1 Corinto 15:27-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
27 Sinasabi sa Kasulatan na ang lahat ng bagay ay ipinasakop ng Dios kay Cristo.[a] Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” hindi nangangahulugan na kasama rito ang Dios na siyang nagpasakop ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. 28 At kung ang lahat ay naipasakop na sa kapangyarihan ni Cristo, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮𝗸𝗼𝗽 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝗼𝘀 na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang ang Dios ang siyang maghari sa lahat.
Online Bible: https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Corinto%2015%3A27-28&version=ASND
---------------------------------------------------
𝗔𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝘀 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗻𝗮 𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗼 𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗽𝗼 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮.
----------------------------------------------------
=Ang akala po kasi ng iba, ang pag-ibig umano kay Jesus ay yong kilalanin mo lang siyang Diyos. Kaya kapag daw hindi mo siya kilalaning Diyos ay hindi mo siya iniibig, anti Cristo raw umano.
=Mali po iyan na paniniwala. Nilinaw po mismo ni Jesus na ang tunay na umiibig po sa kaniya ay yong tumutupad po sa kaniyang salita:
Juan 14:23-24, MB
23 Sumagot si Jesus, “𝗔𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗶𝗶𝗯𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝘁𝘂𝗺𝘂𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 iibigin siya ng aking Ama, at kami'y pupunta at mananahan sa kanya. 24 Ang hindi tumutupad sa aking mga salita ay hindi umiibig sa akin. Ang salitang narinig ninyo ay hindi sa akin, kundi sa Ama na nagsugo sa akin.
=Ano po ang sumbat ng Panginoong Jesu-cristo sa mga tumatawag sa kaniya na Panginoon pero hindi naman tumutupad sa mga salita niya?
Lucas 6:46-49, MB
46 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮 ‘𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻, 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻,’ 𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗸𝗼?
47 Sasabihin ko sa inyo kung ano ang katulad ng taong lumalapit sa akin, nakikinig sa aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. 48 Siya ay katulad ng isang taong humukay nang malalim at nagtayo ng bahay sa pundasyong bato. Nang bumaha at bumugso ang tubig, hindi natinag ang bahay na itinayo, sapagkat matibay ang pagkakatayo nito.
49 Ngunit ang nakikinig naman ng aking mga salita at hindi tumutupad nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay nang walang pundasyon. Nang bumaha at bumugso ang tubig sa bahay na iyon, kaagad itong bumagsak at lubusang nawasak.”
----------------------------------------------------
𝙄𝙇𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙎𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 𝙊 𝘼𝙍𝘼𝙇 𝙉𝙄 𝘾𝙍𝙄𝙎𝙏𝙊
----------------------------------------------------
=Anu-ano po ba ang ilan sa mga aral po ng Panginoong Jesu-Cristo na dapat po natin sundin sa mga tunay na umiibig sa kaniya?
Narito po ang ilan:
>𝗜𝗯𝗶𝗴𝗶𝗻 𝗽𝗼 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮 𝘁𝗮𝗼, 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗽𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗮𝘄𝗮𝘆 𝗽𝗼 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 (Mateo 22:39, Lukas 6:27-36)
>𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀, 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗺𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮 (Juan 20:17) at hindi po holy trinity ang Diyos po ni Jesus.
>𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗼𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮 𝗔𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 (Mat.23:9), yong pagiging Ama ng kaluluwa (Ezekiel 18:4)
> 𝗦𝗮𝗺𝗯𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗽𝗼 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀, 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗺𝗮, 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗽𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝗺𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗘𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 (John 4:23-24) at hindi po sa pamamagitan ng larawan at rebulto.
> 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗴 𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘂𝗹𝗶𝘁 𝘂𝗹𝗶𝘁 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗴𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗴𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗮𝗻𝗼 (Matthew 6:7). Gayahin po natin ang ginawa ni Cristo Jesus kung mananalangin sa Marcos 14:32-39/Matthew 26:36-46. Kaisa lang po niya binabanggit ang ipinapakiusap niya sa Diyos kada panalangin tapos may interval ilang minuto or oras may gagawin muna, pumunta muna siya sa mga apostol, then pumunta uli sa dako kung saan siya nanalangin, then balik uli manalangin sa same pakiusap niya sa Diyos.
> 𝗜𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝘆 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀, isagawa po ito ng tama, may pagkain ng tinapay na walang lebadura at pag-inom ng katas ng ubas sa bawat kalahok nito (Mark 14:22-25; 1 Corinthians 11:23-25). At hindi po ang nangangasiwa lang ang iinom.
> 𝗣𝘂𝗺𝗮𝘀𝗼𝗸 𝗸𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗴𝗹𝗲𝘀𝗶𝗮 𝗻𝗶 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼. (John 10:9 : Gawa 20:28)
> Pagbabagong buhay, pagbubunga ng mabuting mga gawa, pagtulong sa mga gawain na para sa Diyos at marami pa pong iba..
*****************
Para sa mas malawak pa po na pagsusuri sa mga bagay na pang espirituwal ay patuloy po namin kayong inaanyayahan na dumalo po kayo sa mga Bible Study Schedules na isinasagawa po sa Iglesia ni Cristo na malapit po sa inyong lugar.
Maari din po kayong manood ON LINE sa mga programa po sa Iglesia ni Cristo dito po sa youtube, narito po:
Repost: Leon Kenedy Ramos
https://www.youtube.com/c/IglesiaNiCristoEVangelicalMission/videos
Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.