
29/09/2025
Magsimula kasi yan sa mga maliliit na bagay. Mga mandurugas / cheaters na hindi nahuhuli at nagiging accountable. Nambubully pa pag nacocall out. Palaki ng palaki ang pandaraya, hanggang sa nahuli na pero napakalaking damage na ang nagawa kaya di talaga papayag na maging accountable kasi it will cost them everything.
Again, it stats will the small things. LIKE CHEATING ON A SIMPLE EXAM.
Naniniwala parin ako sa "Kabataan ang pagasa ng bayan". Kung ayaw natin ng korap, magsimula tayo na ayusin natin na di mandaya sa scores natin.
Bilang isang g**o, wag tayong mapapagod sa pagdisiplina sa mga estudyante natin kahit bastos ang iba. Mauulit lang ng mauulit ang ganito if lagi natin hinahayaan na walang accountability sa maliliit na bagay. Lagi mong tatandaan, sila ang pag asa natin. At naniniwala ako na maaalala nila lahat ng pangaral kahit sa ngayon, hindi nila naiintindihan bakit napakahirap at masakit ang madisiplina.