21/05/2026
ISANG BIBLIYA LANGโฆ HABAMBUHAY NA KULONG NA?! ๐จ๐
Batay sa ulat ng U.S. State Department, matinding parusa umano ang kinakaharap ng mga Kristiyano sa North Korea kapag nahuling may hawak o nagmamay-ari ng Bibliya. Sa ilang kaso, maaari umanong mauwi ito sa parusang kamatayan, habang ang kanilang pamilya โ pati mga inosenteng bata โ ay nadadamay at hinahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo.
Ayon sa International Religious Freedom Report 2022, tinatayang aabot sa 70,000 katao na may ibaโt ibang pananampalataya, kabilang ang maraming Kristiyano, ang nakakulong umano sa bansa dahil sa kanilang relihiyon.
Isa sa mga pinakanakagugulat na kaso ay ang isang 2-taong-gulang na bata na umanoโy nasentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong matapos mahulihan ng Bibliya ang kanyang mga magulang. Dahil lamang sa kanilang pananampalataya at pagkakaroon ng relihiyosong aklat, buong pamilya raw ang inaresto at ipinadala sa isang political prison camp noong 2009.
Ibinunyag din ng ilang survivors ng naturang mga kampo na nakaranas sila ng matinding hirap, gutom, at ibaโt ibang uri ng pisikal na pagmamaltrato habang nakakulong.
Sa nasabing ulat, tinukoy rin na ang Ministry of State Security umano ang responsable sa karamihan ng mga naiulat na paglabag sa karapatang pantao laban sa mga Kristiyano at iba pang grupong panrelihiyon sa North Korea.
Source: NDTV โ โNorth Korea Jailed 2-Year-Old For Life After Catching Parents With Bibleโ
.0