Recipes for Newbies

Recipes for Newbies All about History / Every Day History /Pahina ILaya

26/07/2025

Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars - they help me earn money to keep making content you love.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars!

25/07/2025

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡,
DEODATO ARELLANO

(July 26,1844 – Oct 7, 1899)

Ngayong araw ginugunita ang anibersaryo ng kapanganakan ni Deodato Arellano ,
Siya ay isang patriyotang Filipino, isa sa mga tagapagtatag ng Katipunan, at naging pangulo nitó.

Ipinanganak siyá sa Bulacan kina Juan at Mamerta de la Cruz. Pinalitan ng pamilya ang kanilang apelyido bílang Arellano nang ideklara ng pamahalaang Español noong 1849 na palitan ng mga katutubo ang kanilang apelyido alinsunod sa mga nakalagay sa direktoryo ng Madrid. Nag-aral siyá ng bookkeeping sa Ateneo Municipal de Manila at kalaunan ay nagtrabahong katulong na klerk sa Maynila. Ikinasal siyá kay Hilaria del Pilar, kapatid ni Marcelo H. del Pilar.

Kasáma ng mga del Pilar, siyá ay naging aktibong Mason. Naging tagakalap siyá ng salapi para sa mga Filipino sa España nang kinailangan ni Marcelo H.del Pilar na tumakas patungong España dahil sa pinaghihinalaang mga subersibong artikulo na lumabas sa Diariong Tagalog.


24/07/2025

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡,
SANTIAGO ALVAREZ

(July 25, 1872 – Oct 30, 1930)

Ngayong araw ginugunita ang anibersaryo ng kapanganakan ni Santiago Alvarez,


23/07/2025

Si Datu Katuna ay isang datu sa Bohol na nakipag-kasunduan kay Miguel López de Legazpi, isang Kastilang mananakop, sa pamamagitan ng dugo noong Marso 16, 1565. "Katuna" ang tunay na pangalan niya ngunit natala bilang Sikatuna. Isang kaukulang palagyo ang katagang "Si" sa wikang Sebwano.

23/07/2025

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡,
Apolinario Mabini

(July 23,1864– May 13, 1903)

Ngayong araw ginugunita ang anibersaryo ng kapanganakan ni APOLINARIO MABINI ,

Madalas bansagan si Apolinario Mabini, bilang “Utak ng Himagsikang Filipino” at “Dakilang Lumpo” dahil sa kaniyang mga akda at naging mahalagang tungkulin noong panahon ng Himagsikang Filipino.

Isinilang siyá noong 23 Hulyo 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas. Ikalawa siyá sa walong anak nina Inocencio Mabini, isang maralita, at Dionisia Maranan, isang tindera sa palengke. Namasukan siyá bago natanggap na iskolar sa Colegio de San Juan de Letran noong 1881 at nakapagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1894. Sumapi siyá sa La Liga Filipina at naging aktibo sa Kilusang Propaganda. Nang itatag ang Katipunan, hindi siya sumali dito. Nagkasakit siyá at naging lumpo makaraan ang dalawang taon. Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896, pinaghinalaan siyáng Katipunero ng mga Español at dinakip. Dahil maysakit, hindi siyá ibinilanggo kundi ipinadala sa ospital ng San Juan de Dios at nanatili roon hanggang mabigyan ng amnestiya. Nakita niya pagkaraan ang kabuluhan ng layunin ng Katipunan na ibagsak ang pamahalaang Español.


23/07/2025

Ang Mga Magiting na Sundalo ni Heneral Antonio Luna 🇵🇭

22/07/2025

Dr. Jose Rizal

🇵🇭🫰

Address

Bahac-Bahac

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Recipes for Newbies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Recipes for Newbies:

Share