23/09/2024
β¨ IT WAS WORTH IT!! β¨
Hello it's been a while! Tagal naming di nakapag post! Sorry, ang dami talaga nangyari eh! Pero we're back!
So first time kong nabilhan si Zii ng sapatos na original at branded. π₯Ί Medyo naluha-luha pa nga ako, di dahil 'pikit-mata' ko binili 'to, (kasi nagtabi naman talaga ako pera for this) kung hindi dahil ito yung mga bagay na hindi ko natatanggap ng basta-basta or ng brand new noong bata ako. Bihira kami mamili noon, either hand-me-downs or yung galing lang sa Divisoria. To me that was already enough, masaya na ako noon! π
Nagkaroon lang yata talaga ako ng tunay na branded na sapatos na hindi hand-me-down nung niregaluhan na ako ni last year tsaka from our first trip to Baguio together π
Pero iba pala talaga sakripisyo ng magulang ano? Minsan yung ibibili na lang natin para sa sarili natin, isinasantabi pa natin para mabilhan natin anak natin. Pinangako ko na hindi ko i-de-deprive si Zii sa mga ganitong bagay at experiences, pero syempre, paminsan-minsan lang din dapat, kasi ayoko din naman syang masanay.
Tatlong beses ko yata binalikan 'to sa Ayala Harbor Point sa Subic, pero wala talaga size ni Zii. Tapos red lang gusto nya na shoes. Kaya nalungkot pa ako noon kasi akala ko di ko na sya mabibilhan. π₯Ί Buti pala nagawi kami sa McKinley sa Taguig. Tapos sakto last pair sa sukat ni Zii. Kinalimutan ko na yung Lip oil/gloss na sana bibilhin ko from Happy Skin/BLK π kasi inisip ko ito na yung talagang kailangan kong bilhin for Zii.
Kaya naman nung makita ko reaction ni Zii sa sapatos nya, sobrang worth it! Worth it marinig yung excitement nya and kitang-kita ko naman na masaya sya sa pasalubong ko!
Ngayon may bago na sya Running Shoes, saktong-sakto mag sportsfest na sila this month! ππ Sana red team ka pa din 'nak para bagay!!