21/09/2025
😇THANK YOU for supporting Team CFG Allstar! We're grateful for your love and cheers! Let's keep going!😍 Let's work together and support each other sharing love and positivity.🫶🏻
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
(Must read and Share)
Nakatanggap kami ng ilang reports regarding sa pag gamit ng group name ng Team CFG, sa mga ilang bagay na against sa group rules and guidelines namin ng ilan sa mga non related na tao, o hindi naman related or member ng aming grupo.
So nandito po ang ilang detalye o listahan ng mga official affiliates and members para mas makilala nyo pa ang Team CFG Allstar.
1. Ang Team CFG ay isang Non-Profit Organization, o isang grupo na binubuo lamang ng ilang indibidwal, pra sumuporta sa ibat-ibang kaganapan, unang una na ang mga Chairty- Outreach, kung saan nag aabot kami ng mga tulong, sa ibat-ibang paraan gamit lamang mga pera na galing mismo sa aming mga kanya-kanyang bulsa.
2. Never lumapit o humingi ng tulong ang aming grupo, pagdating sa usaping, pera o mga materyal na bagay, sa kung sino sino man, kaya maging matalino tayo sa mga taong gumagamit ng pangalan namin para lamang sa mga pansariling interest.
3. Sa ilang mga sponsors or Partner na nakakasama namin sa mga ilang events or activity, sila ang mga kusang sumusuporta at nag aabot ng tulong pra maihatid namin o ng grupo sa mga mas nangangailangan. Uulitin po namin, hindi po kami lumalapit, o basta bastang nanghihingi ng tulong sa ilang tao, brand, business ng walang malalim na dahilan, o against sa group rules and guidelines.
4. Kung meron kayong naencounter na ganitong issue, ipagbigay alam lamang sa aming Official page : Team CFG Allstar
5. Ang Team CFG ay binubuo sa ngayon ng ibat-ibang member mula Olongapo, Zambales , Bataan, Isabela at Aurora
6. Isa sa pangunahin layunin ay tumulong at sumuporta (Charity-Outreach) sa mga taong mas nangangailangan ng aming atensyon, maraming pwedeng tulungan, pero hindi lahat deserving,
7. Mula sa ibat-ibang personalidad ng content creators, members at mga aspirants, ay pinagbuklod sa iisang grupo (Allstar) para mabigyang importansya ang iisang layunin at pagsasamahan.
Bukas ang aming Inbox - (Messenger) para sa mga ilang katanungan, at concern.
Muli maging maingat, at mausisa, sa mga bagay na ginagawa
Wag magpapalinlang sa mga taong gumagamit ng aming pangalan para sa mga sariling interest at panlalamang sa kapwa.
TEAM CFG Allstar - "United by purpose, Driven by Passion"