Subic Broadcasting Corporation

Subic Broadcasting Corporation Subic Broadcasting Corporation is a duly licensed radio and television network that is committed to provide up to date and dependable public service.

Subic Broadcasting Corporation (SBC) was first founded in 1969 as a daily radio companion of the people of Olongapo in providing news and entertainment. When it was incorporated on July 29, 1969 it began broadcasting on the AM frequency 1557 kHz as DWGO "Radio on the Go". After being temporarily closed during martial law in 1972, it resumed operation in 1976 on a new frequency - DWGO 1008 kHz. SBC

later added a sister station on the FM Band - DWOK 97.5 mHz, which began its regular operation on March 20, 1996. SBC soon acquired a franchise for radio and television operation, which began to broadcast regularly in January 2011 as DWAB TV 22 - the first free TV Channel in Olongapo City. Presently, TV 22 is the only television station in Olongapo while both DWGO AM and DWOK FM maintains their positions as rated Number 1 among the stations in the city. With more than 40 years of experience in the radio and entertainment industry, SBC has remains consistent in providing the following services: media and broadcasting service, local adverts, national adverts, event organizing, barker service, news coverage, special programs / projects and the production of various promotion materials. In the early half of the year 2013, SBC partnered with TV 5 (Philippines) to better serve the viewing public of Olongapo, Zambales, Bataan, and neighboring areas. Subic Broadcasting Corporation is a duly registered corporation under the Securities and Exchange Commission (Philippines) and licensed to install and operate radio and broadcasting stations anywhere in the country by virtue of Republic Act 7511, signed in May 1992. We at Subic Broadcasting Corporation strive to live true our mission and vision as Kaibigan ng Bayan.

EVENING PRAYER 🙏Amang Makapangyarihan sa lahat, maraming salamat po sa araw na ito, sa bawat hininga, at sa bawat sandal...
17/10/2025

EVENING PRAYER 🙏

Amang Makapangyarihan sa lahat, maraming salamat po sa araw na ito, sa bawat hininga, at sa bawat sandali ng Iyong pag-iingat. Alam po namin na sa bawat saglit, may mga bagay na hindi namin kayang kontrolin tulad ng mga sakuna. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, alam namin na Ikaw ay Diyos na tapat, na kailanma’y hindi nagpapabaya sa Iyong mga anak. Panginoon, kami po ay humihiling ng Iyong banal na proteksyon. Ilayo Mo po kami sa anumang kapahamakan. Amen.

17/10/2025

Narito na ang buong ika-26 episode ng Balitang Pulis Gapo na hatid sa atin ng Olongapo City Police at ng himpilan ng 97.5 dwOK FM - Ito Ang Radyo Ko!

Nakasama natin ngayong episode na ito sina PMSg Rosalyn Ferrer at PSSg Beverly Malubay kung saan namahagi sila ng mga balita na nangyayari sa loob at labas ng Olongapo. Huwag kalimutang maging laging ligtas at alerto, sa anumang oras at kung saan mang lugar kapwa Olongapeños!
I-share mo narin ito sa iyong mga kapamilya, kaibigan, at kakilala para lahat tayo ay mapanatiling may kamalayan sa mga pangyayari sa ating siyudad.

--------------------------
Maaari ring bumisita sa aming official YouTube channel upang panoorin ang buong episode ng Balitang Pulis Gapo, pati na rin ang iba pang mga content na tiyak ay magbibigay kaalaman, impormasyon, at entertainment:

https://youtu.be/nYRyOin9jfQ

MORNING PRAYER 🙏Panginoon, nawa’y patuloy Mo po kaming ingatan at patnubayan. Pagkalooban Mo kami ng nag-uumapaw na gras...
12/10/2025

MORNING PRAYER 🙏

Panginoon, nawa’y patuloy Mo po kaming ingatan at patnubayan. Pagkalooban Mo kami ng nag-uumapaw na grasya, kaligayahan, at kapayapaan ng isip. Basbasan Mo po ang aming buhay at gawin Mo kaming daluyan ng Iyong biyaya. Amen.

SUPPORT LOCAL FARMERS! 📣Pagpupugay sa lahat ng magsasaka saan mang sulok ng Pilipinas! 🇵🇭
12/10/2025

SUPPORT LOCAL FARMERS! 📣

Pagpupugay sa lahat ng magsasaka saan mang sulok ng Pilipinas! 🇵🇭

EVENING PRAYER 🙏Ama patuloy Mo po kaming ingatan at iligtas laban sa mga sakuna. Ikaw po ang kumalinga sa aming pamilya ...
10/10/2025

EVENING PRAYER 🙏

Ama patuloy Mo po kaming ingatan at iligtas laban sa mga sakuna. Ikaw po ang kumalinga sa aming pamilya at mahal sa buhay, lalo’t higit sa mga nakararanas ng pagsubok sa mga oras na ito. Palakasin Mo po ang aming puso at patatagin ang aming kalooban sa lahat ng oras. Amen.

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng CPDEU at PS1-OCPO ang humigit-kumulang P68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa is...
10/10/2025

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng CPDEU at PS1-OCPO ang humigit-kumulang P68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang search warrant operation sa Purok 4, Lower Barangay Kalaklan, Olongapo City noong Oktubre 8, 2025, ganap na alas-5:25 ng hapon.

Timbog ang isang 44-anyos na lalaki na residente rin ng naturang lugar.

Nasamsam ng awtoridad mula sa isang itim na pouch ang anim na maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10 gramo.

Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Search Warrant No. 2025-55 na inisyu ni Hon. Judge Richard A. Paradeza ng RTC Branch 72 noong Oktubre 7, 2025.

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa opisina ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa R.A. 9165.

  Nakararanas ng malalakas hanggang matinding pagulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Zambales partikular...
10/10/2025



Nakararanas ng malalakas hanggang matinding pagulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Zambales partikular na sa San Narciso, San Antonio, Subic, Castillejos, Olongapo, San Marcelino batay sa 2:04 PM advisory ng PAGASA.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar.

MORNING PRAYER 🙏Panginoon, salamat po sa bagong araw at pagkakataong mabuhay muli. Patawarin Mo po ako sa aking mga pagk...
05/10/2025

MORNING PRAYER 🙏

Panginoon, salamat po sa bagong araw at pagkakataong mabuhay muli. Patawarin Mo po ako sa aking mga pagkukulang. Nawa'y palaging maging bukas ang puso ko sa kabutihan at katotohanan. Ikaw po ang aking patnubay, mula sa unang sandali ng araw na ito hanggang sa dulo. Amen.

EVENING PRAYER 🙏Panginoon, sa mga oras ng sakuna; bagyo, lindol, o anumang panganib, Ikaw po ang aming sandigan. Hinihil...
03/10/2025

EVENING PRAYER 🙏

Panginoon, sa mga oras ng sakuna; bagyo, lindol, o anumang panganib, Ikaw po ang aming sandigan. Hinihiling po namin ang Inyong proteksyon para sa aming pamilya at mga mahal sa buhay. Nawa’y lingapin mo ang mga nasa gitna ng unos at pagkalooban sila ng Iyong pagkalinga at grasya. Iadya Mo po ang aming bansa sa anumang kalamidad o sakuna. Amen.

TINGNAN: Sitwasyon sa Brgy. Sindol, San Felipe, Zambales as of 2:04 P.M. bunsod ng malalakas na buhos ng ulan ngayong ik...
03/10/2025

TINGNAN: Sitwasyon sa Brgy. Sindol, San Felipe, Zambales as of 2:04 P.M. bunsod ng malalakas na buhos ng ulan ngayong ika-3 ng October 2025.

Pinag-iingat ang mga byahero lalo na ang mga may mabababang sasakyan.

Nakaantabay naman ang Barangay Council ng Sindol upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Sa kasalukuyan ay nakataas sa Signal No. 2 ang northern portion ng Zambales, at Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi nito bunsod ng Bagyong .

(Photos: Councilor Sir Rex Asutilla of San Felipe Zambales)

02/10/2025
May October be a month of opening doors, overcoming silent battles, and receiving overflowing blessings. 🍃
30/09/2025

May October be a month of opening doors, overcoming silent battles, and receiving overflowing blessings. 🍃

Address

5th Floor, Admiral Royale Building, 17th Street Cor. Anonas St. , West Bajac-Bajac
Olongapo
2200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Subic Broadcasting Corporation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Subic Broadcasting Corporation:

Share