06/10/2026
Magandang araw po sa inyong lahat,
Sa huling pagkakataon, nais ko po sanang ilapit sa inyo ang aking pinakamamahal na anak, si Angela.
Hindi ko po lubos maisip na dumating na kami sa puntong ito. Sa isang iglap, nawala po sa amin ang aming anak, ang aming ngiti, ang aming ilaw sa tahanan. Napakasakit po bilang magulang na makita siyang wala nang buhay, ngunit alam po namin na wala na siyang sakit na mararamdaman ngayon at lalong hindi na po siya mahihirapan.
Pumanaw na po si Angela at ngayon ay nakaburol po siya sa aming tahanan. Bilang pamilya, ang tanging hangad na lang po namin ngayon ay maihatid siya sa kanyang huling hantungan nang may dignidad at pagmamahal. Pumanaw po siya noong October 4, 2026, 9:44 am. Ang kaniya pong libing ay sa October 13, 2026.
Ngunit sa totoo lang po, hindi po biro ang gastusin na aming kinakaharap ngayon. Ang halaga po para sa funeral service, kabaong, at sa kanyang libingan ay umaabot po sa hindi birong halaga na hindi po namin kayang tustusan sa ngayon. Kaya po ako ay taos pusong kumakatok sa inyong mga puso sa huling pagkakataon.π
Humihingi po kami ng kaunting tulong, sa anumang paraan na kaya ninyo.
Kahit P20, P50, P100 man po yan ay napakalaking tulong na para mabuo namin ang pangangailangan para sa libing ng aking anak. Kung wala naman pong pinansyal na maitulong, ang inyong taos-pusong dasal para sa kaluluwa ni Angela at ang pag-share po ng post na ito ay sapat na at lubos na naming ipagpapasalamat.
Sa mga nais pong magpaabot ng tulong, maaari niyo po kaming kontakin o magpadala sa:
GCash: Recar R. 09690914075/ 09702838763
Mula po sa aming puso, maraming maraming salamat po sa lahat ng nagmamahal, nagdasal, tumulong, at nakiramay sa amin. Hindi po namin makakalimutan ang kabutihan ninyo. Nawa po ay ibalik ng Panginoong Diyos ang siksik, liglig, at umaapaw na biyaya sa inyong pamilya.