12/05/2026
Mas magiging accessible na sa mga residente ng Bataan ang mga serbisyo ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) matapos magbukas ang kanilang satellite office sa loob ng 1Bataan One-Stop Service Center for OFWs (1BOSSCO) sa ikalawang palapag ng The Bunker.
Ang pagbubukas ng tanggapan ay bahagi ng kasunduang nilagdaan nina ARTA Secretary Ernesto Perez at ng Pamahalaang Panlalawigan noong Pebrero 26 upang mapabilis at mapadali ang mga transaksyon ng publiko sa mga ahensya ng gobyerno.
Maaaring magtungo rito ang mga mamamayan para magsumite ng reklamo kaugnay sa mabagal na serbisyo, red tape, at iba pang usapin sa government transactions, gayundin upang humingi ng impormasyon at assistance hinggil sa mga programa ng ARTA. Bukas ang opisina tuwing Lunes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.