Torping kulokoy

Torping kulokoy buhay probinsya

13/04/2025

Malas

13/04/2025

D lahat ng pangit ay magustuhan ng babae. Pag May pera ka lang

13/04/2025

Salamat po sa lahat sana suportahan niyo po ako na isang small content creator

Celebrating my 3rd year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
13/04/2025

Celebrating my 3rd year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

01/08/2024

WALANG PAPA SA IGLESIANG
ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO.
Papa... Luin kayo ni Cristo 😁

HINDI NYO ALAM?

NA SI PEDRO AY HINDI NAGING PAPA KAILANMAN SA IGLESIA KATOLIKA AT LALONG HINDI NAGING PAPA SA IGLESIANG
ITINAYO NI CRISTO SA JERUSALEM?

KAYA MALAKAS ang loob ng mga pare na sabihing ang Iglesia Katolika ang tunay na iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo, ay sa dahilang paniwalang-paniwala sila at pinapaniwala rin nila ang marami na si Pedrong apostol ni Cristo ang kanilang unang papa. Kung mapapatunayan nga naman nila na si Pedro nga ang unang papa, lalabas na sila’y may kaugnayan kay Cristo at sa mga Apostol. Ito nga ba ang kanilang itinuturo? Sa Commentary on the Official Catechism of the Philippines pahina 134, ay ganito ang nasusulat:

“Where Peter is, there is the Church. Jesus appointed St. Peter as head of His Church… The successor of St. Peter is the bishop of Rome, and is usually called the Pope.”

Sa Pilipino:
“Kung saan naroon si Pedro, naroon ang Iglesia. Hinirang ni Jesus si Pedro na ulo ng Kaniyang Iglesia… Ang kahalili ni San Pedro ay ang Obispo ng Roma, at karaniwang tinatawag na Papa.”

Ginawa ba ni Jesus na Papa si Apostol Pedro? Sa aklat ng mga “Caballeros de Colon,” (aklat Katoliko) na pinamagatang Why Millions Call Him Holy Father, pahina 1, ay sinasabi ang ganito:

“Christ Never Called Peter Pope.”

Sa Pilipino:
“Hindi Kailanman Tinawag Ni Cristo Si Pedro Na Papa.”

Bakit kailanma’y hindi maaring tawagin at lalong hindi maaring gawin ni Cristo na Papa si Pedro? Ano ba ang kahulugan ng salitang Papa? Sa aklat ng pareng si Juan Trinidad na pinamagatang Ang Iglesia ni Kristo at iba’t ibang Sektang Protestante, pahina 26, ay ganito ang nasusulat:

“At ang Santo Papa (Ama) ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili n gating Panginoon.”

Ama ang kahulugan ng salitang Papa. Ito raw ang pinakamataas na ama ng kaluluwa dito sa lupa. Sang-ayon ba ito sa aral ni Cristo? Sa Mat. 23:9, ay sinabi ni Cristo:

“At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.”

Nasasaklaw kaya ng pagbabawal na ito ang ating ama na asawa ng ating ina o ang ating ama sa laman? Hindi, sapagka’t sinabi rin Niya:

“Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina:…” (Mat. 15:4)

Kung gayo’y anong uring ama ang ipinagbabawal ni Cristo na itawag sa kaninomang tao sa lupa? Ang katulad ng pagiging Ama ng ating Ama sa langit, na ito ang Diyos. Anong uring Ama ang Diyos? Ang Diyos ay Ama ng kaluluwa (Ezek. 18:4). Sa makatuwid, nagkakasala ang mga papa sa pagpapatawag nila ng “Banal na Ama”, sa kanilang sarili sapagka’t iisa lamang ang Ama ng kaluluwa, ang Diyos. Kaya ito ang dahilan kung bakit hindi maaaring gawin ni Cristo na Papa si Pedro, sapagka’t ito’y labag sa aral na Kaniyang itinuro.

Bakit naman sa talaan ng mga papa ng Iglesia Katolika ay nangunguna si Pedro? Inilagay nga nilang una si Pedro sa talaan ng mga naging papa sa Iglesia Katolika, subali’t ang mga nagtala ay may alinlangan, kaya sa dulo ng pangalan ni Pedro ay naglagay sila ng tandang pananong (?-question mark). (Catholic Encyclopedia, vol. 12, p. 272). Ang sagot nila ukol dito ay hindi raw ang pagiging papa ni Pedro ang pinag-aalinlanganan kundi ang petsa. Ito’y pangangatwiran lamang! Ang totoo’y hindi hindi lamang ang pagiging papa ni Pedro ang pinag-aalinlanganan kundi ang sa marami pa, gaya ng mababasa sa Catholic Dictionary, pahina 389:

“The number of popes since St. Peter is not certain; there are 262 commonly enumerated…Some of these are uncertain, and dozen are definitely unknown.”

Sa Pilipino:
“Ang bilang ng mga papa mula kay San Pedro ay hindi tiyak; may 262 na karaniwang binabanggit…Ang ilan sa mga ito ay hindi tiyak, at may isang dosena ang tiyak na hindi kilala.”

Bakit nag-alinlangan ang mga nagsisulat ng Catholic Encyclopedia sa pagiging papa ni Pedro? Kailan ba nagsimula ang tungkuling papa? Sa “Catholic Encyclopedia,” vol. 12, pahina 270, sinasabing noong ikaapat na siglo o ikaapat na raang taon, ito ay pinasimulang maging katangi-tanging katawagan ng Pontipise Romano. Kailan naman namatay si Apostol Pedro? Ayon din sa “Catholic Encyclopedia,” vol. 11, pahina 750, si Pedro ay namatay noong taong 67-68, unang siglo. Paano magiging papa si Pedro na namatay noong 67, unang isang daang taon, samantalang ang tungkuling papa ay nagsimula noong ikaapat na raang taon? Mahigit nang tatlong daang taong patay si Pedro nang magkaroon ng tungkuling papa, kaya may katuwiran ang mga nagsisulat ng “Catholic Encyclopedia” na magalinlangan sa pagiging papa ni Pedro.

Maging ang kasaysayan ay nagsasabing napakalabo at walang katiyakan ang umano’y pagiging papa ni Pedro. Ganito ang sinasabi ng “World’s Great Events,” vol. 2, pahina 163:

“Our knowledge of the Papacy in its earliest days is very dim and uncertain. Peter, the fishermen of Galilee.

MAG INC NA PO KAYO LAHAT UPANG MAWASTO ANG PANANAMPALATAYA AT PAGIISIP NYO

Ipaglaban ang Pananampalataya







12/07/2024
12/07/2024

Address

Kananga

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Torping kulokoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Torping kulokoy:

Share