19/10/2025
Ok Poh🤦
BAGO KUMAMPI, ALAMIN MUNA ANG BUONG KWENTO! 💯
“Bago kumampi, alamin muna ang buong kwento. Don't easily believe someone who’s good at taking advantage of others and pretending to be the victim in a mess they themselves started. Nanghihila lang 'yan ng simpatya para magmukhang inaapi at inosente sa mata ng iba. Don't be a tool for lies. Mas mabuting manahimik kaysa maging parte ng panlilinlang.”
Minsan kasi, sobrang galing ng iba magpaawa. Magpo-post ng mga pahaging, iyak sa social media, tapos maraming naniniwala agad. Pero kung alam mo lang ang likod ng kwento, mapapaisip ka kung sino talaga ang tama.
Hindi masamang makinig, pero huwag agad maniwala. Lalo na kung ang naririnig mo ay galing lang sa isang panig. Remember, kahit sa pelikula, may bida’t kontrabida sa bawat kwento — pero hindi lahat ng tahimik ay masama, at hindi lahat ng maingay ay tama.
Sa panahon ngayon, ang bilis kumalat ng chismis. Isang post lang, instant trending na. Kaya bago mag-react o mag-share, isipin muna kung totoo ba talaga o baka may gustong manipulahin ang sitwasyon.
Ang respeto, hindi lang sa pakikipag-away nasusukat. Minsan, mas may dignidad 'yung marunong manahimik at maghintay ng katotohanan kaysa sumabay sa ingay ng kasinungalingan. Maging matalino sa panahon ng fake sympathy.
Tandaan, ang totoo hindi kailangang ipagpilitan. Kapag oras na, kusa itong lalabas at maninindigan para sa sarili niya. Kaya huwag basta kumampi, alamin muna ang buong kwento.