GO Leyte

GO Leyte Everything and Anything Leyte!
(2)

Salamat Lord!
28/11/2025

Salamat Lord!

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pormal nang naglabas ang Sandiganbayan ng mga warrant of arrest laban kay...
22/11/2025

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pormal nang naglabas ang Sandiganbayan ng mga warrant of arrest laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at 16 pang opisyal mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corporation.

Ang hakbang ay kaugnay ng mga kasong graft at malversation na nag-ugat sa umano’y substandard P289.5-million river d**e project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa inilabas na video announcement, mariing sinabi ng Pangulo ang direktiba sa mga awtoridad:
“Let’s not delay this any longer. Arrest them now. The wheels of justice are now turning.”

Bagama’t hindi nabanggit ni Marcos ang bawat pangalan, kumpirmado na ang arrest warrants ay resulta ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng DPWH, na naglatag ng sapat na ebidensya upang sampahan ng kaso ang mga sangkot.

Ang mga indibidwal na pinaghahanap ngayon ng batas ay kinabibilangan ng:

DPWH Region IV-B (Mimaropa):

Gerald A. Pacanan – Regional Director

Gene Ryan Alurin Altea – Assistant Regional Director (ngayon ay Director, Bureau of Maintenance)

Ruben Delos Santos Santos Jr. – Assistant Regional Director

Dominic Gregorio Serrano – Chief, Construction Division

Juliet Cabungan Calvo – Chief, Maintenance Division

Dennis Pelo Abagon – OIC-Chief, QA & Hydrology / BAC Member

Montrexis Tordecilla Tamayo – OIC-Chief, Planning and Design Division

Lerma Dotado Cayco – Accountant IV, BAC

Felisardo Sevare Casuno – Project Engineer III

Timojen Adiong Sacar – Material Engineer

Sunwest, Inc.:

Aderma Angelie D. Alcazar – President & Chairperson

Cesar X. Buenaventura – Treasurer & Director

Consuelo Dayto Aldon – Director

Engr. Noel Yap Cao – Director

Anthony L. Ngo – Director

Giit ng Pangulo, dahil siya mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon, walang sinuman ang ligtas:

“They will be arrested, brought before the court, and held accountable under the law.”

Dagdag pa niya, hindi titigil ang pamahalaan hanggang hindi napapanagot ang lahat ng responsable, kahit gaano pa katagal ang proseso.

Nagpahayag din ng suporta ang Office of the Ombudsman at hinikayat ang law enforcement agencies na agad ipatupad ang mga arrest at hold departure orders upang maiwasan ang paglikas ng mga akusado.

Ang kaso ay patuloy na binabantayan ng publiko dahil ito ang pinakamalaking flood-control-related corruption investigation na isinagawa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon

Photo: GMA News (Facebook)



BREAKING NEWS: Hinatulang guilty si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ng korte ng Pasig sa qualified human trafficki...
20/11/2025

BREAKING NEWS: Hinatulang guilty si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ng korte ng Pasig sa qualified human trafficking, na sinentensiyahan ng reclusion perpetua.

Kaugnay nito, pinagbabayad din siya at ang ilan pang sangkot ng P2-M na multa bawat kaso.

Address

Hilagang Leyte
Ormoc City
1071

Website

https://www.gostudio.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Leyte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Leyte:

Share