Tsunami Vlog

Tsunami Vlog Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tsunami Vlog, Video Creator, Ormoc City.

03/02/2026
03/02/2026

Laging bukang bibig ng mga ofw ay " Laban ". Ang kalaban palagi sa araw- araw ay ang unlimited na trabaho.

Sa aking karanasan. Bukod sa paglilinis at pagtuitor sa anak ni amo. Bunos na ang walang sawang tawag at utos sa mga anak ni madam. May apat na sasakyan si amo lalaki. Ang isang sasakyan ay pang-service ni amo papuntang trabaho. Isa din sa driver para hatid sundo sa mga bata sa school. Ang isang sasakyan na malaki ay pang travel. Ang isa naman ay dipindi sa mood ni amo. Gamitin o hindi. Lahat ng yan ako ang naglilinis kahit may driver naman. Wala kasi utak si amo. Kukuha ng driver, matanda pa. Nang time na naglinis si maneho tatlong oras bago matapos. Subra ka mahinhin. Kaya tinawag ako ni amo lalaki para ipalinis sa akin ang dalawang sasakyanπŸ˜”. Oo pagod ako! Gusto ko tanggihan pero hindi pwedi dahil kailangan matapos dahil may travel sila kasama mga kaibigan nya. Hay buhay abroad! Kaya nga tanging sigaw lang namin "LABAN " sabay dasal.

03/02/2026

Naisip mo rin ba! Ikaw na nagtatrabaho sa abroad. Tudo tipid sa sarili para lang mapadalhan ang mga pamilya sa pinas. Ang masaklap kung sino pa ang hindi nagtatrabaho sila pa ang magastos. One day millioner kung makawaldas ng pera. Yan ang mindset sa taong hindi pinaghirapan ang natanggap na pera. Kung wala ka na mabigay, sila pa ang galit, ikaw pa ang masama.

Ngayon pa lang magising ka na. Dahil may panahon na ang katawang lupa natin. Maniningil yan kung ito ay nasubrahan sa kapaguran.

03/02/2026

Paalala! Sa nag-abroad. Anuman ang malilimutan na gamit sa loob ng bahay ni amo tuwing may galaan. Lalo na yong susi na maiwan sa loob. Hindi maiwasan na minsan malilimutin din tayo. Kung utusan kayo ni amo na akyatin bahay nila. Huwag na huwag mo talaga yan gagawin. Likas sa atin na may kakayahan umakyat ng puno o kahit ano-ano. Hayaan mo ang amo lalaki kukuha ng gamit sa loob o di kaya ipautos sa iba para ipaakyat bahay nila. Huwag mo ipakita na may kakayahan ka dahil may amo mamimihasa. Baka saiyo na lahat ipagawa. Sinabi ko ito dahil may amo na hindi mag-isip sa kaligtasan ng katulong o khadama.

Sa experience namin. Nalimutan ni madam ang susi sa loob ng bahay. Dyan na namin naalala na pauwi na kami ng 2 o'clock ng madaling araw. Galing kami sa galaan. Ang susi naman sa gate nalimutan ni amo lalaki kunin sa driver. Nagtanong si amo lalaki. Sino daw nag-iwan ng susi sa loob? Sabi ko asawa mo. Buti nalang hindi ako. Baka ako pa nakaakyat dyan. Blessed pa rin ako dahil hindi naman sila abusado sa katulong nila. Kung titingnan ko amo ko. Magaling pala 'to sa akyat bahay kahit may arthritis na iniinda πŸ˜…

03/02/2026

Ang lolo namin noong nabubuhay pa. Sabi nya "Go into the world and multiply" Nakasulat daw sa bibliya na paramihan ng lahi.

Hangga't hindi pa daw namamatay ang kweba sa loob, tuloy lang daw ang bakbakan πŸ˜…. Baka daw isa sa mga anak nya o apo ang maging presidente.( Naku po! πŸ˜‚) Until now tatak pa sa aking isipan πŸ˜….

Ngayon naintindihan ko na ang punto ng lolo namin. Kaya pala paramihan ng anak ang sinaunang panahon para may pagmanahan sila. Ipinamana nila sa kanilang mga anak ang katapangan at digmaan. Ngayon pinasa sa mga apo ang mainiting ulo at maikling pasensya πŸ˜….

Tay, Wala naman akong nakikita may na presidente sa lahi natin. Sa ngayon nag-aagawan pa kami, kung sino talaga ang mananalo sa truno. Pataasan ng pride! πŸ˜‚.

03/02/2026

Kayo ang nasa abroad huwag ninyo ipagmalaki ang kutis ninyo. Kahit gaano ka pa kaputi sa bansa na iyong ginagalawan ngayon? Kahit alaga pa yan ng riyal o dollar. Sa araw na uuwi ka sa pinas. Yong pinaghirapan mo Vicky belo o skin care. Useless lang. Bakit? Dahil sa init ng klima sa pinas. Sunog ka na sa isang araw lang.

Address

Ormoc City
6541

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tsunami Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category