28/11/2025
PAHAYAG
November 27, 2025
Ipinahahayag ko ang matinding galit at dalamhati sa pagpaslang sa Brgy. Kapitan ng Tres De Mayo, Digos City na si Oscar Bucol Jr., o mas kilala bilang Kap Dodong. Ginampanan lamang ni Kap Dodong ang kanyang karapatang magsalita sa korapsyon at pulitika ng malaya at ito ay pinatahimik gamit ang baril at bala.
Ipinapaabot namin ang aming pakikiramay sa pamilya, mga kasamahan, at komunidad na naapektuhan ng trahedyang ito. Sa pag-alala sa kanya, muli naming pinagtitibay ang aming paninindigan na protektahan ang mga karapatan at kalayaang nagbibigay-daan sa lahat na magsalita, magtanong, at makibahagi nang walang pangamba.
Hindi tayo yuyuko kailanman.
We, Filipinos, deserve better.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines