08/10/2024
Sobrang ikli ng oras kapag Nanay kana.
Sobrang daming responsibilidad, bihira nalang makapag pahinga minsan nga late na sya makakain, dahil sa subrang daming gawain.
Nag babudget ng pera kahit di na alam kung paano pagkakasyahin. Puyat na nga sa pag aalaga, tapos maaga pang gigising. Paggising puro kilos na agad hanggang gabi. Imagine araw-araw ganun lagi yung nangyayari.
Kahit sino naman siguro mapapagod kaso kahit suko na sya sa paulit-ulit nyang ginagawa kailangan nya paring kumilos. Wala syang magagawa, kahit meron syang nararamdaman dahil may mga responsibilidad sya na hindi nya pweding takasan.
Kaya minsan yung ibang Nanay bumababaw na yung kaligayan dahil nasanay na silang hindi na-aapreciate, yung mahirap nilang pinagdadaanan. Makabili lang kayo nga mumurahing gamit subrang thankful na nyan.
Tanggal ang pagod nyan, masabi mo lang na masarap yung niluto nyang ulam. Sobrang saya na nyan, kapag mas pinili mo silang samahan kaysa makipag inuman. Kung mauunawaan mo lang ang ginagawa nya bilang Nanay, magiging masaya na yan kahit sa simpleng bagay.
Huwag mo sana kalimutam yun, kahit pagod kana sa trabaho sa totoo lang pagod rin sya pero bawal kasi yang magreklamo. Hindi purket ikaw ang nagtatrabaho ikaw lang yung nagsasakripisyo sana marealize mo yung pagkakaiba.
Ikaw napapagod pero merong kinikita, sya din naman napapagod hindi mo lang nakikita.
Hugs to all momshies na lumalaban araw2,kaya natin to!❤️