24/03/2026
๐๐ข๐๐จ๐ | ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐
Sagisag ang lila ng pakikibaka, dignidad, at katatagan.
โ
โNang makita ko itoโisang kulay-lilang poster na tungkol sa โNational Women's Monthโ hindi na dapat manghula kung anong kaganapan tuwing Marso. Ngunit sa sitwasyong ang slogan lamang at poster ang maganda kaysa konkretong suporta sa mga kababaihan, mauuwi lamang ito sa wala.
โ
โWala naman pong galit kung saktong kulay lila ang gagamitin sa pagdiriwang, lalo na at ang kulay na ito ay mainam na pagpapakahulugan sa pagkadakila ng kababaihan. Wala namang mali sa mga nakaaakit na slogan, at aaminin kong minsan ay naging inspirasyon din ang mga ito.
โ
โHabang sa buwang ito ay lantaran ang pagkamalikhain, isali mo na rin ang magandang tema: WE for Gender Equality and Inclusive Society. Lubos pa rin akong naniniwala na makabuluhang makita ang kapwa pagtaguyod sa kapakanan ng kababaihan, kasabay ng malinaw na paninindigan at garantiya sa karapatang panlahat.
โ
โAanhin mo ang mapang-akit na slogan kapag mapanglait ang napalilibutan? May kataga nga akong naengkuwentro: โAbante Babae.โ Subalit paano aabante kung atrasado tayo sa pagkalinga sa kanilang dignidad, sa paglutas sa kanilang suliranin, at sa pagtulong sa mga kababaihan? Para bang puno ng suporta sa papel at midya, ngunit sa likod nito ay salat sa realidad.
โ
โPara sa bansang may isang opisyal ng gobyerno na, sa halip na maglingkod, ay tila naging dahilan pa ng pambabastos sa isang artista, hindi na bagong tanawin ang kalbaryo ng kababaihan. Sa sitwasyong ito, dapat alam mong hindi lamang si Anne Curtis ang may ganitong karanasan. Nariyan ang mga ulat ng karahasan laban sa mga kababaihan, at minsan pa ngaโy menor de edad ang biktima. Ito ang mga ulat na nagpapatunay kung gaano kasaklap ang unti-unting pagkitil sa kanilang karapatan at kinabukasan.
โ
โKaya sa tuwing may ipinagdiriwang, pinaninindigan, at itinataguyod na pagkakapantay-pantay, iisa ang tanging panahon: araw-araw. Sa ngalan ng respeto, responsibilidad, at reporma, ano tara?
โ
โMuli, ang poster na nakita ko ay walang pagkukulang. Maganda. Mapang-akit at, higit sa lahat, may malinaw na paninindigan: EquALLity. Akma rin ang paggamit ng lila lalo na at itoโy nagrerepresenta sa kahusayan, katalinuhan, at kakayahan ng mga babae.
โ
โNgunit ang karapatan ay hindi nakapaskil. Sa simpleng poster, hindi makikita ang pagtaguyod sa kapakanan, kalusugan, at karapatan ng kababaihan. Hindi rin ito makakamit sa pamamagitan ng pagpinta ng kulay lila kundi sa pakikibaka para sa mga dakila.
โ
โ๏ธ๐ฑ๐๐๐๐๐ ๐จ. ๐ถ๐๐๐๐๐๐