
03/08/2025
"I am a Cannabis advocate. A human. And I have rights."
Ako ay tagapagtaguyod ng Kanabis. Isang tao. At ako ay may mga karapatan.
Hindi po tayo sanay magsalita sa entablado, pero hindi rin kayang manahimik.
Hindi po performer, hindi po speaker, at lalong hindi rin po kilalang personalidad.
Tayo po ay may dala-dala lang na kaunting kislap ng kaalaman galing sa ating sariling mga pag-aaral at masusing pananaliksik.
Nagtuturo habang natututo.
We teach as we learn.
Simula pa noong 2018, ang HIBLA H**p Movement ay nag-iipon at nagbabahagi na ng kaalaman kung paano gamitin ang H**p - mula sa HIBLA ng tangkay ng Mariwana hanggang sa napakarami nitong pwedeng kapakinabangan: pagkain, damit, papel, tahanan, langis at marami pang iba.
Sa Thailand, bago pa po nila gawing legal ang medical Cannabis at for adult-use, inuna nilang gawing legal ang Industrial H**p - simula 2018 din - para sa pagkain, tela, papel, at konstruksyon. Ang simpleng hakbang na iyon ang naging tulay para muling mas maipakilala ang halamang ito sa mas nakararaming mamamayan nila at sa industriya.
Napakaraming larangan ang posibleng makinabang.
Milyun-milyong trabaho ang malilikha nito.
Bilyun-bilyong dolyar ang kayang kitain ng buong bansa kung gagamitin natin ang halamang Cannabis/H**p/Mariwana sa BUO nitong potensyal.
At sa kabila nito, simple lang ang mensahe natin:
Ang Cannabis o H**p o Mariwana ang PINAKAMAHALAGANG halaman sa balat ng lupa.
At hindi na ito dapat pang ipagkait sa mga mamamayan.
Dahil bawat isa sa atin ay may karapatan sa halaman na yan. Bawat. Isa. Sa. Atin.
At kung dumating man ang araw na magiging legal ang medical Cannabis dito, gawin nating gabay ito:
“If you can’t grow it, then it’s not legal.”
Dahil ang tunay na kalayaan ay hindi lang sa pagbili o pagkonsumo kundi ang karapatang magtanim.
Pakawalan ang mga nakapiit dahil sa halaman!
Ipawalang-bisa o i-expunge ang kanilang rekord!
Walang krimen sa paggamit ng halamang yan(maliban na lang kung gagamitin sa krimen).
Pasasalamat muli sa LAHAAAT NG NAKIISA.
Mabuhay ang mga magsasaka.
Mabuhay ang mga manggagawa at mga mamamayan.
Mabuhay ang mga manlilikha.
Mabuhay ang rebolusyon!