28/08/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐-๐, ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ซ๐
Agosto 27, 2025, itinampok ang pormal na pagtatapos ng selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Teatro ng Yaman Lahi ng Emilio Aguinaldo College-Manila na nagbigay diin sa kahalagahan ng wikang Filipino at wikang katutubo bilang susi sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa.
Sinimulan ang programa sa taimtim na panalangin na sinundan ng sabayang pag-awit ng pambansang awit, kung saan pinangunahan ng ALPAS Organization ang makabayang pagbubukas ng palatuntunan. Pagkatapos nito, nagbigay ng pambungad na pananalita si Bb. Maureen V. Tanay, LPT, tagapayo ng SICLAB Organization, na sinundan ng musikal at sayaw na pagtatanghal ng ALPAS Organization, na nagbigay ng musikal at sayaw na pagtatanghal na nagpasigla sa mga manonood at nagpakita ng malikhaing talento ng mga estudyante.
Nagbigay rin ng makahulugang mensahe si Bb. Mikaela Anne R. Laxa, LPT, Koordinador ng CAL Area.
Pagkaraan, ipinamalas ng mga piling mag-aaral mula sa Junior High School ang kanilang husay sa masining na pagkukuwento, na nagbigay ng inspirasyon at nagpatunay sa kahusayan ng mga kabataan sa malikhaing pagpapahayag.
Dagdag pa rito, ipinresenta ang kabuuang selebrasyon ng Buwan ng Wika 2025, na nagpatampok sa mga aktibidad, paligsahan, at pagtatanghal na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapalaganap ng sariling wika at kultura.
Kasunod nito, ginawaran ng sertipiko ang mga nagwagi sa ibaโt ibang patimpalak na inorganisa ng Organisasyong SICLAB, kabilang ang pagsulat ng sanaysay, paggawa ng poster, at iba pang larangang nagpakita ng malikhaing galing ng mga estudyante.
Iginawad rin ang sertipiko ng pasasalamat sa mga katuwang na organisasyon na buong pusong sumuporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon.
Bilang pangwakas, nagbigay ng pampinid na pananalita si Gng. Daisy D. Petonio, LPT, MAEd, Koordinador ng CAL-Filipino, na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng lumahok para sa pagtatapos ng Buwan ng Wika.
Sa huli, nagtapos ang programa sa masayang pagkukunan ng larawan at sabayang pag-awit ng Himno ng Emilio Aguinaldo College, na nagsilbing hudyat ng pagkakaisa at pagtatapos ng makulay na selebrasyon ng Buwan ng Wika 2025.
Pagkatapos ng programa, nagkaroon pa ng tradisyonal na simpleng selebrasyon ang mga mag-aaral ng Junior High School at Senior High School, kabilang ang salo-salo at mga palaro sa kani-kanilang mga silid-aralan.
โ๏ธ | Isinulat ni: Sirjohnix Cortez
๐ธ | Mga larawan nina: Ramon Fernandez Jr. at Brenda Nicole Aquino