27/07/2025
KAMARA NABABAHALA UMANO SA NAGING DESISYON NG SUPREME COURT NA IDEKLARANG UNCONSTITUTIONAL ANG IMPEACHMENT COMPLAINTS KAY VP SARA DUTERTE.
Ayon kay House spokesperson Atty. Princess Abante bagamat nirerespeto ang desisyon ng SC, maghahain sila ng motion for reconsideration dahil naniniwala silang tama ang kanilang ginawang proseso.
Aniya, hindi isinama ng Korte Suprema ang plenary vote, mali ang pagbasa sa timeline ng mga kilos ng Kamara, at mas pinaniwalaan ang isang news article kaysa sa House Journal at opisyal na report na isinumite mismo sa Korte.
"We remain hopeful that once the facts are corrected, the Court will arrive at a different and more just conclusion," dagdag pa niya.