21/06/2026
[Crush Paalam]
By: Lorton Golimlim Caliao
(Da Vinci Quotes) •Part 2•
Isang salitang may limang letra, crush kung tawagin,
Ngunit nadagdagan at naging anim sa damdamin.
Akala ko'y simula pa lamang ng ating kuwento,
Ngunit ngayo'y tila wakas na ng pangarap kong ito.
Puno ng saya't lungkot ang mga alaalang nabuo,
Mga sandaling sa puso ko'y hindi kailanman naglaho.
Ngunit ngayon, ang dating ningning ay napalitan ng pangamba,
At ang mga ngiti noon ay naging luha ng pagdurusa.
Mga araw na ang tanging hangarin ay ikaw ay mapasaya,
Sa tuwing ika'y malungkot, ako'y handang umalalay at sumama.
Ngunit ngayo'y tila malayo na ang dati nating daan,
Sapagkat may iba nang nagbibigay sa iyo ng kasiyahan.
Tuwing pumapasok ako sa ating paaralan,
Ikaw pa rin ang laman ng isip at isipan.
Nasaan na ang babaeng tahimik at mabait na aking hinangaan?
Bakit ngayo'y tila nagbago at sa iba na nakalaan?
Tandaan mo, ang pagmamahal ko'y tapat at wagas,
Hindi masusukat ninuman, kailanma'y hindi kukupas.
Ibinigay ko ang lahat, ngunit tila hindi sapat,
At ang kapalit ay sugat na sa puso'y lumalatay nang ganap.
Hindi ko maunawaan kung bakit sa isang iglap,
Ang ligaya ko'y napalitan ng lungkot na napakabigat.
Nang makita kitang masaya sa piling ng iba,
Doon ko napagtantong hindi ako ang iyong tadhana.
Tama pala ang mga awiting madalas kong marinig,
Na may mga pusong nagtagpo ngunit hindi itinakdang magkapiling.
Masakit mang isipin na lahat ng aking pagsisikap,
Ay mawawala ring parang usok na sa hangin ay lumilipad.
Kaya hinayaan kitang tahakin ang landas na iyong pinili,
Sapagkat nakita kong sa kanya ay tunay kang napapangiti.
Mas mahalaga sa akin ang iyong kaligayahan,
Kahit kapalit nito'y sarili kong kalungkutan.
Kay bilis nga ng panahon, ngayon ko lamang naunawaan,
Na ikaw pala'y isang pangarap na hindi kailanman mahahawakan.
Lumipas ang mga araw, mga buwan, at mga taon,
Ngunit ang sugat sa puso ko'y hindi pa rin lubusang naghilom.
Nabalitaan kong kayo'y wala na rin sa isa't isa,
Ngunit paano pa ako lalapit kung ako'y sugatan pa?
Lahat ng pagkukulang ko noon ay natabunan na ng panahon,
At ng lalaking minsang pinili mong maging iyong kahapon.
Akalain mo, sa walong bilyong taong naririto sa mundo,
Ikaw pa rin ang pangalang hindi mabura sa puso ko.
Kay saklap mahalin ang taong hindi ka kayang mahalin,
At manatiling umaasa sa pag-asang hindi na darating.
Kaya ako'y narito pa rin, tahimik na nagmamasid,
Habang ang alaala mo'y sa isip ko'y nananatiling nakaukit.
At kung may isang bagay na hindi kailanman magbabago,
Ito'y ang pusong minsang naging iyo at hanggang ngayo'y sa iyo pa rin tumitibok nang totoo.