
20/09/2025
#๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก: Mainit na tinalakay ni Kapitan Andreo Villanueva ang kanyang mga pangunahing prayoridad bilang Punong Barangay ng Brgy. Bawi, Padre Garcia.
Unang binigyang-diin ang kalusugan, kung saan nakatuon siya sa mga programang magbibigay ng mas maayos na serbisyong medikal at tulong para sa mga lingkod-bayan at mamamayan.
Ikalawa ay ang pamumuhunan at negosyo na makapagbibigay ng karagdagang kita at oportunidad sa mga residente, upang higit na mapatatag ang ekonomiya ng barangay.
Hindi rin pinalampas ang turismo, partikular ang tanyag na Eco Trail, na hindi lamang dinarayo ng mga bisita kundi nagiging daan din sa dagdag-kabuhayan para sa mga taga-Bawi.
Sa kabuuan, ipinapakita ng mga adbokasiya ni Kapitan Villanueva ang malinaw na direksyon ng Brgy. Bawi tungo sa mas maunlad, mas ligtas, at mas maayos na pamayanan.